Ikalimang Bahagi: Tuloy ang Agos ng Buhay

1.4K 49 2
                                    

      Nahinto ang pag-alaala sa nakaraan nang may narinig siyang kumakatok sa kaniyang pintuan. Bago niya pagbuksan ang kumakatok ay dumaan muna siya sa banyo upang maghilamos. Sinilip ang maliit na butas ng pintuan upang makita kung sino ang nasa labas. Wala ng tao. Binuksan niya ang pintuan at nakita niya sa doorstep ang buwanang payment notice letter ng kaniyang postpaid internet.

      "Last na to," wika niya sa sarili. Huling pag-iyak. Itutuon na lang niya ang oras sa mga bagay na kailangan niyang tapusin. Una ay ang paggawa ng welcome speech para sa darating na bagong school principal. Pangalawa ay ang pagconceptualize ng decorations para sa napipintung despedida party naman ng magreretirong principal.

      Natatawa na lamang siya sa kaniyang sarili. Kung tutuusin ay kasalanan niya rin bakit ganun na lamang ang responsibilidad niya sa pinagtratrabahuan. Ipinaramdan niya kasi na may skills siya sa arts. Ipinakita niya na mahusay siyang guro sa lahat ng bagay. Kung naging simple lang sana siya katulad ng mga 11 kasamahan niyang mga pinoy at mga farang (tawag ng mga Thai sa mga westerners), hindi sana siya ang aasahang maging forein department head. Pero mabuti na rin iyun dahil kung hindi siya magiging abala ay baka nawala ng tuluyan sa katinuan noong maghiwalay sila ni Bank.

      Naalala pa niyang litanya ng kaibigan, "Kung kaya ng iba, ipagawa sa kanila." Tama nga naman si Celio. Pero sagot naman ni Antonio, "Ganun naman ginagawa ko. Quiet nga lang ako. Sa ganitong lagay ay magaling na ba ako? Magaling lang talaga silang kumilatis ng kung sino ang da best sa atin!", sagot na lamang niya. Totoo naman ang tinuran ni Antonio. Hindi ugali ni Antonio ang pasikat o pasipsip. Normal lang talaga ang ginagawa niya sa paaralan. May sense of responsibility at professionalism. Hindi bara- bara sa lahat ng bagay. Sa pag-ibig lang talaga sumasablay.

      Bago matapos ang weekends niya ay natapos din lahat ng mga dapat niyang gawin. Pinangatawanan na niyang di lumabas ng kwarto. Mula nang wala na sila ni Bank ay sadyang madalang na siyang maglabas-labas. Aniya sawa na siya sa mga ganoong bagay. Mas naeenjoy niya ang manood na lamang ng movies o programa sa netflix, sa You Tube, etc.

      Lunes. Tulad ng naipangako niya ay dadaanan niya ang security guard, si Arm, upang magpasalamat. Mangilan ngilan na lang ang mga bata. Eto ay dahil tapos na ang exam last week. Mga may incomplete grades o requirements na lang ang naiiwan. Tumingin siya sa transparent na window at sakto, andun siya sa loob ng office niya, nagsusulat sa logbook ng kung ano ng nadatnan niya.

      "I know this isn't enough but please take this cold coffee drinks. I wanna say thank you for the free delivery of my Lazada box last Friday, remember?", sabi niya rito habang nahihiyang abutin ni Arm ang coffee.

      "Thank you, Mr. Ton!," ang nasambit na lamang niya.

      Tumango siya at nagpaalam.

      Habang naglalakad patungo sa kaniyang classroom ay napapaisip siya kung bakit parang may batubalaning nag-uudyok sa kaniya para laging makita ang security guard sa tuwing madadaanan ang pwesto nito. Ayaw niyang aminin pero kahit ganun kaikli pa ang pagkakakilala niya kay Arm ay masasabi niyang parang siya ang lalaking katumbas ni Bank. Halos pareho sila sa pisikal na aspeto. Nagkaiba lang sa estado ng buhay. Si Bank, mayaman, si Arm naman isang security guard lamang. Umiling siya. Hindi makapaniwalang bakit pinaghahambing niya ang dalawang lalaki. Una sa lahat ay hindi naman niya kauri si Arm. Hindi bakla. Kaya imposible na gugustuhin din siya balang araw. Natigil ang ganoong malalim na pag-iisip niya nang tumunog ang bell para sa flag ceremony. Subalit walang magagaganap na flag ceremony. Reporting na lang ang mga teachers, at paghahanda na rin sa retirement program na gaganapin sa darating na Biyernes.

      Nagsend siya ng message sa line messenger. Group message para sa colleagues niya. Kailangan nilang pag-usapan at isakatuparan ang mga mangyayari sa retirement party at sa welcome party naman next term sa bagong principal.

      Abala din ang mga Thai. Kaniya-kaniya din sila ng assignments para sa mga magaganap. Wala ng ingay ng estudyanteng maririnig. Tahimik ang paligid. At dahil mamaya pang after lunch ang meeting ay nagpasya siyang libangin muna ang sarili sa pagbrowse sa internet.

      Nang magsawa sa kakafacebook, kakatwitter, ay nagpasya siyang puntahan ang kaibigan niyang babae, si Lenny. Malapit ang loob nito dahil siya ay nakapangasawa ng Thai. May tatlo ng mga anak. Siya ang confidante. Bukod sa siya ang mas nakakaintindi sa Filipino-Thai relationship ika nga ay tunay na mabait at masayahing kaibigan. Apat na taon lang ang lamang ng edad ni Lennie sa kanya.

      "Mrs. Leonida Lersbantondanal, can I disturb you?", bungad nito sa kaibigan.

      "Why not, coconut Antoniong belat!", ang sagot nito agad. "Di ka man lang nagmessage muna para handa naman akong makipagsabayan sa ganda mo!", aniya.

      Nag-apiran sila at nag-hug with beso beso.

      "Namiss ko ang timpla mong kape", sabi nito sabay abot ang tatlong chocolate cupcake.

      "At your service madam!," agad tumalima upang kunin ang cup sa may lagayan na di kalayuan ng lamesa nito.
"Sandali, lagyan ko lang ng tubig tong thermos. Wala na pala. Tsaka huhugasan ko muna. Matagal nang di nahuhugasan ito eh."

      "Ako na lang!," sabi naman nito at inagaw ang hawak na thermos. Alam na nito kasi ang hugasan sa labas.

Akmang babalik na sana ay biglang narinig niya ang splash ng tubig mula sa swimming pool na may limang metro ang layo mula sa kinaroroonan nito. Napatingin siya rito at nagulat siya sa nakita.

      Si Arm! Aalis na sana siya ng nakita siya at ngumiti sabay sabing "Sawasdee kru Ton!"

      Tatanungin sana niya ito bakit siya nagswiswimming imbes na nasa gate ng school ng biglang nakita nito na may hawak ng parang panungkit na may basket sa dulo. Naglilinis pala ng school pool ang guwardiya ng mga sandaling iyon.

      "Sawasdee Arm! Tamai yo tee nan?", nakapagThai siya dahil sa gulat.
Nagulat dahil nakita nitong half naked lamang ito. Nagulat dahil parang nakita niya ang katawan ni Bank.

      Naramdaman ni Arm na parang nahihiya si Antonio kaya lumusong ulit sa tubig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

      Naramdaman ni Arm na parang nahihiya si Antonio kaya lumusong ulit sa tubig. Wala daw ang janitor kaya siya muna ang natokang magtanggal ng mga dahon at maglinis sa pool.

      "Ton!", narinig niyang sigaw ni Lennie. "Pinatawag sa akin kanina ni Mr. Wanchai yan. Anak ng guard natin yan. Isang linggo na rin yan dito sa school. Maysakit kasi si Manong guard."

      Sumenyas na lang si Antonio ng pagpapaalam kay Arm at tinungo ang tumatawag na kaibigan.

      "Hindi talaga siya security guard?", usisa niya kay Lennie.

      "Lifeguard siya, charing!", ang nasambit niya agad at tumawa.

       Parang wala sa sarili na inilapag ang thermos sa lamesa.

      "Di mo narinig? Anak yan ni manong guard. Opps, namumula ka! Wag ganyan ha? Alam ko na ang ganyang reaction mo!", biro ni Lennie.

      "Gusto kong malunod besh, at magpa-mouth to mouth resuscitation! Now na!" pabaklang tili niya.

      "Oh go! Matagal ka na ring tuyot bakla ka!", pabirong tinulak niya ang kaibigan.

      "Besh, ayoko na ng hot coffee. Mag-softdrinks na lang tayo!"

      Nagtawanan silang magkaibigan.

(Itutuloy)



ANG MULING PAMUMUKADKAD NI ANTONIOWhere stories live. Discover now