CHAPTER SIXTY ONE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nasaan na ba sila Uno at Luke?" tanong ko kay Sadie.

"Malapit na daw sila eh."

" Naku yang malapit nila mamaya paalis pa lang sila sapok sila sa akin."

"Chill. ikaw naman hayaan mo na tutal nag agree naman sila na bantayan ang kambal."

"Fine."

"Oh ayan na pala eh." Kumaway si Sadie at agad naman nakita nila Luke at Uno ito.

"Saan ba lakad niyong dalawa at hindi niyo pwede isama ang kambal?" Tanong ni Uno.

"Pupuntahan namin ni B ang nagpapasaya sa kanya."

"At sino naman?" tanong din naman ni Luke.

"Bakit gusto niyo malaman? next time niyo na lang imeet. Sige na una na kami ni Sadie."

"Teka saan ba kayo pupunta? bakit hindi na lang siya ang papuntahin niyo dito ng makilala din namin" habol na tanong ni Uno

"Hindi pwede." madiin na sagot ko.

"K. Umuwi agad kayo"

"Ano ka namin tatay para magsabi na umuwi agad tsk."

"Enough. Tama na kailan ba kayo magkakasundong dalawa."

"Ewan" sabay na sabi ni Uno. "tara na bestie. gagabihin na tayo niyan eh."

Nagpaalam na kami sa dalawang paepal. Sa kotse ko na kami sumakay at ako lang naman ang may alam ng lugar na iyon.

"Excited ako ma meet siya bestie."

"Ako din excited ako ma meet mo siya."

Buong byahe namin nagkkwentuhan lang kami king bakit daw ba tinatago ko pa at bakit daw hindi ko agad sinabi sa kanya pero hindi ko pa din masabi sa kanya ang totoo. Kumikirot kasi ang dibdib ko pag naaalala ko ito. Iniisip ko minsan kung gaano nga ba kasaya kung....

"B? Bakit dito tayo dumiretso?"

"Baba na bestie."

" B. this is Angel's Place"

" Yup, let's go?" kinuha ko ang bulaklak na nabili ko pa kanina.

"B?" halata sa boses ni bestie na nag aalala ito at may katanungan din ito.

"Tara na. Nag hihintay na yun." Inabot naman nito ang kamay ko. Ramdam ko ang higpit na hawak niya sa akin.

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa lugar kung nasaan siya. Nilagay ko ang bulaklak.

"Bestie?" bigla umimik si Sadie.

Umupo ako para makita ko at nagsindi ng kandila.

"Here he is. My Reau Thomas"

"Bestie? w-what?"

"He is just months away siguro kung nabuhay siya."

"Kanino?"

"He is out of the picture bestie. ayaw ko siya pag usapan."

"pero kanina lang ngumingiti ka nung nasa salas ka."

" I was looking at my past ultra sound. And an email that saying that i need to update for him here."

"pero kailan pa?" punong puno ito nag pagtataka.

"Naalala mo ba nung mga panahon na hindi mo din ako masyado makausap it was the time na nawala siya sa akin. Alam mo yun bestie i was almost a mother pero nawala siya. I should have been more careful." nararamdaman ko na mga luha kong pumatak.

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon