CHAPTER SIXTY ONE

1.8K 34 16
                                    

BONI'S POV

Parang kahapon lang masaya ko nakikitang ang bestfriend ko na ngumiti pero ngayon para bang bumalik siya sa dati. Ganitong ganito din siya nung iniwan siya ni Luke.

Nakaupo to ngayon sa living room kagabi tumawag ulit ito kay A ngunit hindi din nagtagal ang pag uusap nila. wala pa nga atang isang minuto ay natapos na ang pag uusap nila eh. Nilapitan ko ito.

"Bestie?"

"Oh gising kana B."

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman bestie. I think i just need time. He needs time and maybe we both need time."

"Ano ba sabi ni A sa tawag mo kagabi."

Nakita kong ngumiti ito ngunit sa ngiti niya kita ko ang lungkot nito.

"He just said he needs space and time tapos yun na hindi na ako nakapag paliwanag dahil binaba na niya agad ang phone."

"abnormal talaga si A. He should have listened to you. Naunahan lang yun ng selos at takot. Alam mo naman di ba. He will always put you and the twins his first priority more than his self."

"I know. At yun ang mas masakit B. Pinangunahan niya ako. Hindi man lang siya nakinig sa mga sasabihin ko. Yung excitement ko na sabihin na siya ang pinipili ko nawala dahil akala niya hindi siya ang pinili at mahal ko."

"Bestie, We both know we can't blame anyone."

"Sana masaya kami nag uusap ngayon kung pinakinggan niya ako di ba."

"Gusto mo ba tawagan ko and mag explain ako?"

"No B. Hayaan muna natin siya."

Tumayo ito at dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang phone ko and texted A.

To: A

Hoy, mag usap tayo. ASAP

Sent

Mamaya pa siguro to mag rereply dahil gabi na dun. I check some of my messages and I saw one that catch my attention. Napahinga ako ng malalim. Baka nag tatampo na yun dahil medjo matagal tagal na din nung huli kong bisita sa kanya. Ngumiti ako sa picture na nasa phone ko.

"Aba sino naman kaya nag papangiti sayo" singit ni Sadie nakabalik na pala mula sa kusina niya.

"Baliw, wala."

"hmmmm wala daw sino nga" Ngumiti ako. naalala ko hindi ko pa pala sa kanya naiikwento to. Dami ko na utang na kwento sa babaeng to eh.

"Some other time ipapakilala kita bestie."

"Naku magugustuhan ko ba yan?"

"Oo naman. You will love him"

"Aba lalaki?"

" Yeah."

"Saan mo naman nakilala yan"

Ngumiti ako. Hindi ako titigilan nito hangga't hindi ko nasasagot mga katanungan nito. Umiling ako.

"Gusto mo talaga malaman?"

Pumalakpak pa ito at sumagot "Oo naman gusto ko siya makilala."

"Sige punta tayo dun maya."

"ay bet ko yan! Iiwan ko muna ang kambal kay Luke at Uno."

"Sige."

Mukhang kailangan ko na nga sabihin sa kanya. Hindi ko alam paano sisimulan kaya siguro mas okay na puntahan na lang namin ito.

I made a call to the place kung saan kami pupunta ni Sadie mamaya. I just checked if wala ba masyado tao dun. And everything is set to go.

4PM

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon