CHAPTER SIXTY

1.8K 43 16
                                    

Third Person's Point of View

Kinagabihan ng mismong araw din na nag usap si Sadie at si Luke ay ang araw din na napag desisyunan ni Sadie na tawagan niya si Alex kahit ito pa ay nasa malayo.

Tulog ang kambal at si Luke naman ay kanina pa nakauwi sa kanila. Bumaba ng hagdan si Sadie at nakita ito ng kanyang Ama.

Kita sa mukha ng dalaga na masaya ito.

"Mukhang masaya ang prinsesa ko ah." tanong ng Daddy ni Sadie.

Nakangiti namang sumagot si Sadie dito.

"Excited lang Daddy."

"Saan naman excited ang prinsesa ko?"

"Tatawag po kasi ako kay Alex mamaya Daddy. Finally maayos na ang lahat daddy."

"That's good to hear" tugon naman ng Ama nito.

"Yeah. this day was too good at hindi ko na mahintay na hindi ikwento kay A. so Daddy later na tayo mag kwentuhan tatawagan ko lang muna si A."

At naglakad na nga ito papunta sa kanilang garden. dali dali niyang dinial ang numero ni Alex kahit pa ito ay long distance call at mapapamahal siya ay hindi na niya naisip yun dahil ang nasa isip niya ay ang masabi na kay Alex na okay na ang lahat. Na nakapag desisyon na ito.

Nakakatatlong ring pa lang ang tawag ay sumagot na ito.

"Hello?" tila ba kita sa mukha ni Sadie na gulat ito. nakakunot nitong ibinaba ang cellphone na hawak niya upang masuri kung tama bang number nga ni Alex ang natawagan.

"Uhmmm.... is Alex there?" tugon ni Sadie sa kausap nito sa cellphone. Tila ramdam niya ang kaba dahil hindi nito alam kung ano ang susunod na mangyayari.

"Oh Alex. wait a moment i'll call him for you." sagot nang nang kausap ni Sadie.

Pero bago ito mawala biglang tinanong ni Sadie ang kausap.

"before that can i know your name? it's just weird that a girl answered the call. sorry "

"It's okay. I'm Star. Wait i'll call him for you. he is just down stairs." rinig nito ang pag baba ng hagdan ng kausap nito na babae na ang pangalan ay Star.

Napaisip si Sadie. wala nabanggit si Alex na kaibigan nito na babae na may pangalang Star dahil kung tutuusin kilala niya ang lahat ng kaibigan nito mapa US man o Pilipinas.

"Hello?" narinig na nito ang tinig ni Alex.

"Hi A" sagot nito.

"Oh Sadie. kamusta? sorry hindi ko narinig na you were calling pala."

"ahhh ganun ba. okay lang yun. okay naman ako. ikaw kamusta?"

"it's been a busy day dito. bakit ka pala napatawag?"

"uhmmm"

"Sadie? okay lang ba lahat jan? ang kambal okay lang ba sila?"

"Ah oo okay lang. may gusto sana ako sabihin sayo eh."

"talaga? ano yun?"

"kasi ano. Alex i already made a decision"

"decision? about what?"

hey alex! c'mon we still need to go to the grocery store. Andy is already waiting. let's go.

rinig ni Sadie na may tumatawag na dito.

"ano nga ulit yun Sadie? sorry Star is in a hurry."

"busy ka ata eh. sige na next time na lang siguro."

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon