Prologue

22.2K 301 4

"Bestie , matagal ka pa ba jan sa loob?" Alalang tanong ng bestfriend ko.

Nasa loob kasi ako ng CR at hinihintay ang resulta ng bagay na kakatapos ko lang gamitin. Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. sana mali ang hinala ko. Sana lahat ng to ay panaginip lang.

"Lalabas na ako bestie" sabi ko sabay bukas ng pinto ng CR.

Bakas pa din sa mukha ng bestfriend ko ang pag aalala para sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero alam kong alam niyang pilit ito. Dahil hindi ko naman maloloko ang bestfriend ko na ilang taon ko nang kasama.

"Nakita mo na resulta?" tanong nito sa akin. Umiling lang ako dahil alam ko sa sarili ko ayoko makita ito. Tumingin siya sa kamay ko kung saan hawak ko ang bagay na alam kong babago sa buhay ko.

inabot niya ang kamay ko upang kunin ang bagay na iyon. Hawak na niya at nag tumingin ako sa kanya halos mapaupo ako sa sahig.

"Tama ba ako ng inaakala bestie?" tanong ko. Muli niyang inabot sa akin ang bagay na iyon, at kahit ayoko alam kong kailangan ko nang alamin ang totoo.

"Two lines, Positive" bigkas ko, at bigla nalang akong niyakap ng bestfriend ko. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan any bumagsak na din ng kusa. umiiyak lang ako ng umiyak. Ano na nga ba ang gagawin ko. Paano ko to haharapin mag isa. Kakayanin ko nga ba to.

Tinayo ako ng bestfriend ko at inayos ang suot ko.

" Bestie, akina yang PT mo, tapon na natin. alam na natin ang resulta." muli nag salita ang bestfriend ko. Ngunit Umiling lang ulit ako.

" Hindi na bestie, itatago ko to, kakayanin ko to diba?" Malingkot kong tanong sa kanya. hindi ako sigurado kung kaya ko ba to. Ang alam ko lang ngayon ay may isang buhay sa aking loob.

"Balak mo bang ipaalam sa kanya? siya pa din ang tatay niyang bata na nasa tyan mo, at wag na wag mo sasabihin sa akin na ipapalaglag mo yan dahil kahit ako ay magagalita sayo pag iyan ang magiging desisyon mo" seroyosong tanong naman niya.



"NO! I won't ever do that, i won't give this child, this is a blessing not a mistake that i have to make it disappear,this is my blessing, and to answer if i will tell that GUY! i don't know if kaya ko pa bang sabihin sa kanya alam mo naman ang sitwasyon namin diba" sa ngayon eto ang desisyon ko ang buhayin ang magiging anak ko. hindi ko kayang ipalaglag to. this baby is mine. this is my blessing. Sa ngayon hindi ko alam kung ipapaalam ko ba sa lalaking yun tsk! kasalana niya lahat to. kasalanan namin dalawa to pero ako lang talaga ang namomoblema tsk!



Lumabas na kami sa kwarto ko at pumunta na kami sa kusina. Nagugutom na ako at kailagan ko na din kumain dahil ngayon dalawa na kaming kakain.

i can't let anything bad happen to me. Sa ngayon thankful ako dahil ang bestfriend ko ay nasa tabi ko at hindi ako iniwan. Hindi ko din pwede sabihin sa Parents ko ang sitwasyon lalo na at malayo sila sa akin ngayon. Mas lalo naman na hindi ko pwede sa bihin sa lalaking yun dahil lalo lang magugulo lahat. bahala na si Batman!











---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello! If ever nabasa mo si prologue pasensya na at maikli at may pag ka sabaw hahahaha. pero salamat sa pag babasa nitong storya ko!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



One Night MistakeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!