"sa susunod, wag kang aalis na wala ako. Wag kang lalakad na wala ako sa tabi mo. Mahirap na, baka mahawakan ka ulit ng iba. Masakit kasing makita." alam ko pulang pula ngayon ang mga pisngi ko. Parang lahat ng iniisip at problema ko naglaho bigla, lahat ng inis ko sa kanya nawala.

"ang careless mo kasi chibi. Lagi kang nakakabangga. Buti sana kung ako yun, kaso hindi eh. Ang makita ka kanina na kausap mo siya ang sakit sa mga mata." lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Zhirck..." yun lang nasabi ko. Nalulunod ako sa mga emosyong siya ang dahilan. Sobrang mahal ko na talaga ang lalaki na 'to.

Narinig kong bumuntong hininga siya. Ramdam ko na sobrang lakas ng dibdib niya.. pareho sa akin.. Napangiti ako..

"uhm Sikoy"

"hmmm.."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, nagtaka siya. Kita kong nagsalubong ang mga kilay niya.

"eh kasi... malelate na tayo" totoo malelate na kami. Masungit pa naman yung teacher namin sa first subject. lalong kumunot ang noo niya..

"tss.. Akin na yang bag at libro mo" hindi pa nga ako pumapayag kinuha na niya ang mga ito..

sabay hawak sa mga kamay ko..

pwede bang tumili sa sobrang kilig? >///

"tsss." napaangat ako ng tingin sa kanya, nakangiti siya.

Tingin nyo sino bang hindi makakapag-focus kung may ganitong nanggugulo sa inyo?


----

*Topher*


Nakakainis.. Di ko alam kung nananadya ba talaga ang panahon. Kung patuloy ko kasi siyang makikita at makakausap hindi ako makakamove on. Hindi naman kasi lahat ng nagmomove-on nanggaling sa isang relasyon, I came and will always be a one-sided love. It may sounds like a gay pero kailangan eh. Ayoko nang masaktan. Nakakabaliw ang masaktan.

Siguro ako na ang pinakamalas na tao ngayon.

Napahinto ako ng makita ko si Karen na naglalakad patungo sa direksyon ko. Nakayuko na parang di alintana kung mabangga siya o hindi.. parang yung nangyari kanina.. pero mali ako kasi tumigil siya sa paglalakad. Tumingin siya sa akin.


Our eyes met and I know she was shocked. Pero ako ang unang bumawi. Hindi ko nakayanan ang mga tingin niyang yun. Andoon ang lungkot at sakit, katulad ko. Alam ko na nasaktan din siya, nasaktan sa mga sinabi ko, nasaktan dahil minahal niya ako.


Pareho kaming nagmahal at nasaktan.

"Karen" tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para kausapin siya. I know, she hates me so much.

Yumuko lang ito. Ano bang aasahan ko? Na kakausapin niya ako? Hay, gusto ko lang naman magsorry. Lumapit ako sa kanya. Hindi siya umalis sa pwesto niya, ni hindi nga siya gumalaw.


"gusto ko lang h-humingi ng tawad" fuck. Parang may sumayad na bato sa lalamunan ko. Masakit.

Hindi siya sumagot, hindi niya ako tinignan. Lalapitan ko pa sana siya pero may dumating.

Si Paul. Bigla niyang niyakap si Karen, pero parang wala lang sa kanya ang ginawa ni paul. Napakunot ako ng noo. Parang kailan lang sinabi niya na mahal niya ako, pero ano 'tong nakikita ko?

Napatikom ako ng kamo ng di ko alam ang dahilan. Tumingin sa akin si Paul.

"Uy, pre andyan ka pala."sabi nya sa akin ng nakangiti.

Tumango lang ako. Napansin kong mas lalo itong sumiksik kay Paul na parang ayaw nya akong makita. Hinagod-hagod ni Paul ang kanyang likod.

Umiiyak ba ito? Tanong ko sa isip ko.

May kakaibang kirot akong naramdaman sa dibdib ko.

"Pre, una na kami ha. Hatid ko pa kasi tong si Karen sa room nila"

Tumango lang ako. Walang mga salita na gustong lumabas sa mga labi ko.

Nagsimula na silang maglakad. Si Karen nakayuko padin.

"Come on Princess, baka malate ka. Give your bag"

Napako ako lalo sa kinatatayuan ko.

Princess? Ganun kabilis? Ganun kabilis na palitan nya ko? Parang kahapon sinabi nya sa akin na mahal nya ako. Ngayon, may Princess na tumatawag sa kanya.

Lalo akong napakuyom ng kamay. Fuck ano bang nangyayari sakin?!

----

Sorry kung maiksi lang yung update. Sorry din kung natagalan. Hehehe nawala kasi yung nasulat ko na dati para sa chapter na to.

Sana magustuhan nyo.

-MabuHangin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now