Chapter 2 - Who's Darryl?

76 8 2
                                    


Violet's POV

"We're here guys!" sigaw ni Boss Kazu na rinig na rinig ko kahit naka headphones ako.

Sinilip ko yung labas ng Van at nakita ko na yung location. White sand Beach and mukhang masosolo namin yung buong beach kasi walang katao tao kundi kami kami lang.

Ginising kona si Crystal mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. At agad siyang sumilip sa labas at nakita ko sa mga mata niya na nagustuhan niya rin yung lugar.

'Wow! Ang ganda naman dito. Hihi.' sabi niya sa isip niya.

Natawa ako ng palihim dahil sa reaksyon niya.

"Ang ganda dito no?" nakangiting tanong ko sakanya.

"Hindi kaya." sagot niya na ikinagulat ko. Bakit nagsisinungaling siya saakin?

"Hindi dahil mas maganda ako WHAHHAHAHA!" pahabol na sabi niya tsaka tinawanan ang sarili niyang joke.

Tahimik kolang siyang tiningnan at diko pinansin yung joke niya, ang korni e.

'hala.. Di manlang niya na appreciate yung joke ko. Huhu.' sa isip niya.

"HOY SADYANG KORNI LANG YUNG JOKE MO!" depensa ko na ikinagulat niya.

"teka... Paanon--" siya pero hinila kona siya papunta sa parte ng beach na malayo sa mga katrabaho namin.

"Okay okay! Sorry Crystal kung tinago ko sayo yung kakayanan ko." sabi ko.

'anong ibig niyang sabihin? Na magaling siyang manghula ng iniisip ng iba?' sabi niya sa kanyang isip.

"what do you mean?" takang tanong niya.

Huminga ako ng malalim at pinilit kong humugot ng lakas ng loob para sabihin yung sikreto ko.

"Kaya kong basahin ang iniisip ng isang tao." deretsong sagot ko.

Natahimik siya.

'So nababasa niya iniisip ko ngayun?' tanong niya sa isip niya.

"Seryoso bayan? HAHAHAHA!" natatawa niyang tanong.

"Yahh seryoso ako Crystal and inilihim koto dahil ayaw nina Mom and Dad na may gumamit ng kakayanan ko sa masasamang bagay." seryosong paliwanag ko.

"Ohh my ghad, kaya naman pala feeling ko ang galing mo manghula ng iniisip ko kasi nababasa mo pala. Woahh Cool! " she said while nodding.

"So naniniwala kana?" tanong ko.

"Tekaa di pako masyado convinced!" she said.

"Paano ba kita mapapaniwala, hah?" i asked.

"sige nga basahin mo yung iisipin ko ngayun. Dapat exact word ah! " siya.

"No problem." i said.

Natahimik siya at nagsimula ng magisip.

'Napaka ganda ni Crystal hihi! Ang sexy niya pa!' sabi niya sa isip niya at natawa naman ako.

"HAHAHAHAHAHHAHAHA" tawa ko.

"Hey Vi! Ano na!" na eexcite niyang tanong.

"You said 'Napaka ganda ni Crystal hihi! Ang sexy niya pa!'" sabi ko na ikinagulat niya naman.

"Woahhh!!!! ANG COOL!" namamangha na sabi niya.

"yeahh pero ayaw ko ng ganitong kakayanan. Sa dinami dami naman ng kakayanan na pwedeng ibigay sakin ay bakit ito pa? Gusto kong mamuhay ng normal pero hindi ko magawa ng dahil dito." paliwanag ko.

The Mind ReaderWhere stories live. Discover now