Chapter 41: Star Bravierz vs. Demonic Eye

Start from the beginning
                                    

Tumigil kami nang mga ilang hakbang na lang ang pagitan namin sa isa't isa.

Sobrang tahimik ng paligid. Tila naghihintay sila kung ano ang mangyayari. Feeling ko nga kaming dalawa lang ni Kevin ang tao dito.

"Why did you need to do this?" tanong niya.

"And why did you act like that?" balik kong tanong sa kanya. Naiinis pa rin talaga ako sa kanya. Sinigawan niya pati ako kanina 'ha? Akala ba niya nakalimutan ko yun?

"But you don't have to do this, Amira?" he said seriously.

"Why? Are scared of me?" pang asar kong tanong sabay ngisi na ikinangisi rin naman niya.

"I'm not scared of everything, Amira, not even.. and especially you."

At muling naging seryoso ang kanyang mukha.

"Okay, let's begin the bloody clash." Putol ng emcee sa katahimikan.

"Well, let see."

Nagpapakiramdaman lang kami ni Kevin habang paikot kaming naglalakad dito. Nahihintay kung sino ang unang susugod.

"Let's make a deal, Amira."

"What's deal?"

"If I win, you'll be my girlfriend."

Napataas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Seriously?"

"Do I look like I'm kidding?"

"Fine. And what if I win?"

"It's up to you."

Napangisi ako sa sinabi niya.

"Tss, okay."

Walang ano anu'y hinugot ko yung maliit na kutsilyo sa pocket ng black leather jacket ko at agad na ibinato sa kaniya.

Nagulat siya sa ginawa ko, marahil ay hindi niya lubos maisip na gagawin ko yun. Pero maging ako man ay nagulat din nang maiwasan niya pa yung kutsilyo.

Biruin mo yun, ilang espasyo na lang ang pagitan namin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nagawa pa rin niyang iwasan yun?

Sabagay, mabilis naman talaga ang pakiramdam niya. Flexible pa.

"Is that--"

Pinutol ko yung sasabihin niya ng batuhin ko ulit siya ng kutsilyo at isa pang kutsilyo. Ang dami ata nito sa jacket ko. *Smirk

And finally,..

"Bullseye!!"

Nakangisi kong sabi ng madaplisan ko si Kevin sa braso.

"You're so unfair, Ms. Salvador."

Parang kinilabutan ata ako. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi ni Kevin o dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa 'kin.

But ofcourse, hindi ko ipinahalata.

Nanggigigil na kasi ako kay Kevin kanina pa. Ewan, basta ang init ng dugo ko sa kaniya ngayon. Pero nagulat rin naman ako ng matamaan ko siya. Akala ko kasi makakaiwas pa rin siya. Pero, bayae na, daplis lang naman eh. Malayo 'yan sa bituka.

"It's my turn."

Sumugod sa 'kin si Kevin at wala akong ginawa kung 'di ang iwasan lang ang bawat paggalaw niya.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now