Kabanata 26

Mulai dari awal
                                    

Humalukipkip ako at tumayo ulit, naiinip na. Takot na umiling ang receptionist at binalingan ang lalaking nasa likod niya. Nagkibit balikat ang lalaki. I narrowed my eyes.

"Palabasin n'yo na!" utos ko.

"Ma'am, si Engineer lang po ang puwedeng gumawa no'n at puwede rin po niyang iextend ang schedule niya kung kailangan. Kung kailangan na twelve na siya mag break, baka gagawin niya."

Ngumuso ako at mas lalo lang nairita. Anong klaseng rule 'yan? Basura. Tapos ako pinapaalis ako rito kahit na kanina pa ako naghihintay? Sana pala dumiretso na ako sa loob ngayon at pinaalis ko ang naunang kliyente!

"Bakit? Sino ba ang kliyente?" desperada ko nang tanong.

"Ma'am, sorry po pero ang mga ganitong bagay ay pribado."

I groaned and rolled my eyes. "I just want to know if I know the person so I can just go in."

"B-Bawal po kasi 'yon kahit pa sino ang client."

I groaned again, very frustrated now.

"At dayo rin naman po 'yong nasa loob. Taga Dumaguete pa po para sa pinapatayong private school kaya... b-baka hindi n'yo kilala."

"Oh? Talaga? Ako hindi nila kilala but all of the people here in Negros can't miss me-"

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ko ay lumabas ang kliyente. Sabay kami ng receptionist na bumaling. Shocked at the image of the woman who went out, naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Thank you, Engineer. We'll schedule your visit soon and I'll send you the plan so you can coordinate with my Architect."

Confident na naglakad ang babae paalis doon. Hindi lumabas si Leandro sa opisina niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong sipatin ang babae. She gave me a knowing look and she smiled.

"Miss del Real," she said cooly before signing something on the receptionists' table.

Kasing edad siguro ni Leandro ang babae. Tama nga akong kilala niya ako pero bahagya akong nafrustrate kasi hindi ko siya kilala. Sino ba ito? Probably a rich girl from Dumaguete? Nagpapatayo ng school?

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang damit na isang maiksing black tube dress and a skimpy stilletos. The dress made her body look like an hourglass ad her wavy hair completed her sexy look. I swallowed hard and realized that the woman had been inside Leandro's office, undisturbed, for hours!

Hindi ko na hinintay na makaalis ang babae o na sabihan ako ng receptionist ng kahit ano, dumiretso na ako sa opisina ni Leandro.

"Ma'am?" agap ng lalaking hindi ako mapigilan.

Nang buksan ko ang pintuan sa opisina ni Leandro, naabutan ko siyang hinihilot ang kanyang batok at patayo na galing sa pagkakaupo. Images of him using his head until it hurts that way flashed my mind and it wasn't very pleasant. Hindi ko nga lang alam bakit kasali iyon sa iniisip ko ngayon!

"Ang tagal n'yo, ah? Anong ginawa n'yo rito?" diretsahan kong tanong. "At bakit masakit 'yang batok mo?"

Tumaas ang isang kilay niya at dumiretso ang tingin sa likod ko. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan bago siya nagpatuloy sa paghakbang.

"We discussed what I can do for her buildings and she told me what she wants. Matagal talaga ang mga meeting." He smirked.

Irritated now that my questions were somehow maliscious and he probably noticed it, mabilis kong inalis iyon sa utak ko. Ano ba, Charlotta? Pakealam mo ba kung ano nga ang ginagawa nila rito sa loob? Whether it's business or something else, the heck I should care!

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang