Kabanata 8

926K 32.7K 16.4K
                                    


Kabanata 8

Expert

I remember he agreed. Iyon ang paulit-ulit na naisip ko nang sa tamang oras sa unang araw sa sumunod na linggo ay naroon ulit ako sa library, kung saan siya nakikita. He wasn't there. In fact, nobody was there.

"I told him to wait for me here today. Sa oras na ito..." bulong-bulong ko habang pinagmamasdan ang upuang hindi man lang nagalaw.

Umupo muna ako at pumangalumbaba. I then wonder if he only said yes so I'd stop and leave him alone that day? Mapait akong tumitig sa kawalan.

Hindi naman siguro. Baka may ginagawa lang. Baka busy at nakaligtaan ang usapan. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong sumuko sa araw na iyon at hintayin kung kailan siya magkakaroon ng oras para roon pero kung hihintayin ko iyon, baka hindi na dumating. Kung dumating man, matatagalan pa. I don't have his number to text him about it.

Kalahati sa akin gusto nang tumigil. Halos maghari ang iniisip na baka naman totoong pinaalis niya nga lang ako sa araw na iyon. Pagod na siyang pakisamahan ako kaya umo-o na lang siya? Ngayon, ang gagawin niya na lang ay iwasan ang mga lugar na alam kong madalas niyang puntahan.

I opened my phone and saw text messages from suitors and exes. Gusto kong mag text kay Kuya Levi pero sa huli pinigilan ko ang sarili ko. Dahan-dahan akong tumayo at sinuot ulit ang maliit na bag sa likod.

Sa totoo lang, hindi niya naman obligasyon na sundin ang gusto ko at tumupad sa usapan. He's not a boyfriend or something like that. At masasabi kong nag-iilusyon lang ako sa ipinipilit kong pakikipagkaibigan sa kanya noong nakaraan. It's not his obligation to not make me feel bad and I have to suck that up.

Mapait akong lumabas ng library at tiningnan ang dalawang daanan, ang pabalik sa gate at ang college department buildings.

Masama ang loob ko, inaamin ko. Pero may pakiramdam akong wala namang pakealam si Leandro kung sumama ang loob ko. Not that he cares about how I feel even before, anyway. He'd be more glad if I stop this. Kaya lang... sino ba ang may atraso? Hindi ba ako? It's been years and he could still remember the exact words I told him and that means it got stuck on his mind.

Nagbuntong-hininga ako at nilingon na ang mga building ng college department. Nagsimula ako sa mga kiosk sa gilid at nakitang maraming estudyante.

"Hi, Miss. Uyy. Ganda naman ng Junior High na ito..." sabi ng isang lalaking estudyante pero hindi pamilyar sa akin.

He was all smiles at me. Nang napatingin ang mga kasama niya sa kiosk, may bumatok sa kanyang babae.

"Tumigil ka nga, Dino!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad, binalewala ang mga estudyante kahit na naririnig ko ang pinag-uusapan.

"Ano? Ang ganda no'n, ah?"

"Hindi niya alam, Les. Galing ng Bacolod 'yan kaya walang alam dito!"

"Bakit?" tanong noong lalaki.

"Del Real 'yan. Kapatid ni Levi, 'yong third year."

This isn't my first time to hear things like that. Lagi pagkatapos malaman ng mga hindi nakakikilala sa estado namin dito sa Altagracia, tumitigil at hindi na nanunubok pa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Namataan sa malayo ang iilang kaklase ni Chantal at pinilit na huwag dumaan doon. Kinakabahan ako kapag nagkasalubong kami noong kapatid niya. Hindi ko nga lang alam kung bakit. I feel some guilt or something.

Panay ang itingin ko sa relo. Paano ba naman kasi, alam kong isang oras lang iyong break niya bago may susunod na pasok hanggang alas sais. Ibig sabihin kung hindi ko siya mahanap sa loob ng isang oras, papasok na siya. Sa ngayon, naka ubos na ako ng kalahating oras.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon