Chapter Six

3.1K 88 8
                                    

Chloe's P.O.V.

Nandito kami ni Cyn sa 'Choco Heaven' syempre celebration namin dahil pareho kaming natanggap kahit na dinamay ko lang siya. I was really surprised dahil ang galing niya. Paano niya sabihin ang dialogue at saka into character talaga siya sa audition. I also did the same thing pero napahanga niya ako.

Ang nangyari nga ay imporvisation na dahil hindi kami nakapag focus sa binabasa naming script.

"Ang galing mo kanina" sabi ko.

"Ikaw rin, nadala nga ako sa emosyon mo kaya ganun ang outcome."

Lumapit sa amin ang waiter saka sinerve ang orders namin. Napansin ko pang tinitigan nito si Cyn habang ang isa tuwang tuwa sa nakikitang pagkain. Tumikhim ako kaya umalis na ang waiter.

Maganda naman kasi ang babaeng toh, maypagka boyish nga lang ang galaw.

"Ang sarap ng cupcakes nila." mangha-mangha niyang sabi kaya napangiti ako.

I never really experienced having a girl-friend. Pili lang kasi ang kinakaibigan ko. Ang iba kasi may pagka plastic. Gusto lang nila akong kaibiganin because of popularity. Ang iba lakas maka backstab. Kaya may trust issue ako. But unlike this girl, parang hindi naman siya kagaya ng iba. Ang kompurtable ko kasi sa kanya simula nung unang punta namin rito.

Hindi siya yung tipo ng tao na mausisa. She just let me when I didn't answer her question back then at napapangiti niya ako kahit na panay ang snob ko sa kanya. Naroon na yung tatawa siya pero kapag nagsungit ako bigla nalang sisimangot. For the mean time hindi ko naalala si Lim.

Ayaw ko nang maalala na nakita ko siya na may kasamang iba. I got no right to take him away from that girl dahil yun ang taong mahal niya.

"You okay?" she asked.

"Yeah..Alam mo nakakainis ka nung first day." bigla kong sabi, to change the topic. Ang observant niya pansin ko lang.

Napa-'huh' naman siya. Bingi rin galaga toh minsan pero ang cute ng galaw niya ngayon. Susubo sana siya pero napatigil at naghihintay na may sabihin ako.

"Duh...you buried your face on my mounts"

Napatawa nalang ako nung bigla itong pinamulahan ng mukha. So cute.

"Hindi ko talaga sinadya yun, promise!" sabay taas ng kamay na para bang nanunumpa.

I laughed. Napatigil ako nung naramdaman kong kanina pa siya nakatitig sakin.

"May dumi ba sa mukha ko?"

"A-ah. Wala naman. Mas mabait kang tingnan kung palagi kang nakangiti kaysa tinatakot mo ang mga kaklase natin."

Napangiti ako ng peke. Grabi siya, parang ang sama ko.

"So ayan, anghel naba akong tingnan?"

"Yeah" sincere nitong saad.

But this time totoo na ang ngiti ko. Kinilig ako dun huh.

We exchange some words to finally know each other. Ang rami kong nalaman sa kanya ganun rin naman siya sa akin. Naikwento ko rin ang tungkol kay Lim pero hindi ko sinabi ang identity. Siya naman, ayaw rin niyang mag open sa mga crush na yan. Asexual daw siya na hindi ko pinaniwalaan. Gusto lang tumakas sa topic eh.

Pabalik na kami sa school dahil doon naman talaga kami susunduin.

"Gala tayo tomorrow?" Aya ko sa kanya.

"Sorry, di pwede, babantayan ko pa ang kapatid ko."

"Wala ba siyang nanny?"

"Meron naman, but my parent's are away kaya ayaw kong iwan siya kahit na may tiwala naman ako sa nanny niya."

My Empty Heart (GxG)Where stories live. Discover now