Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Noong naghiwalay kasi sila ni Kian, parang okay lang sa kaniya. Hindi siya nagpakita ng emosyon at tanging ngiti lang kaniyang ginanti at nilisan ang lugar. Syempre babae rin ako kaya alam kong masakit, pinipilit niya lang magpakatatag.

"Please, patawarin mo na ako. Nagmahal lang naman ako eh." Wika ko.

"Oo nga, nagmahal ka lang! Pero nagmahal ka ng taong alam mong may mahal na! Tapos, inahas mo pa! Hindi ka pa nakuntento! Inagaw mo pa siya sa akin! Malandi kang ahas ka! Dapat sayo isama sa pamilya ng mga higad! Masyado kang makati!" Sumbat niya sa akin sabay sampal sa aking kanang pisngi.

"Sige lang! Sampalin mo lang ako. Saktan mo ako hangga't gusto mo! Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin! Ilabas mo ang lahat ng hinanakit mo sa akin. Basta patawarin mo lang ako. Mahal ko talaga si Kian kaya sorry." Paliwanag ko.

"Ano bang mayroon ka na wala ako? Nasa akin naman na ang lahat ah? Pero bakit?" Wika niya habang nakasalampak sa sahig at pinuno ng kapighatian ang loob ng silid na ito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayoko namang lumaki pa lalo ang gulo kaya tumahimik na lang ako.

"Ano? Ang ganda ba? Mas maganda ka ba kaysa sa akin? Pwes, papapangitin kita! Haha!" Wika niya at tumayo sa sahig. May kinuha siya sa isang sulok at lumapit sa akin.

"Mahalin ka pa kaya ni Kian kung pangit ka na? Haha!" Sambit niya habang may hawak-hawak siyang maliit na bote.

Oh God! Don't tell me na asido ang laman nun? Huwag naman sana.

"Please naman, itigil mo na ito. Kung si Kian ang gusto mo oh sige! Willing akong magsakripisyo tumigil ka lang sa kahibangan mo." Wika ko.

"Huli na ang lahat Hannah! Kung sa simula pa lang ay hindi mo na siya inagaw sa atin siguro, papatagal ko pa ang buhay mo! Haha!" Aniya.

"Pero hindi iyon ang rason kung bakit ko kayo iniisa-isa ngayon. Sayo na si Kian! Hindi ko na siya kailangan sa buhay ko! Pero huwag kang mag-alala, magkikita rin kayo sa kabilang mundo!" Nagngangalit niyang wika at biglang isinaboy ang laman ng bote sa aking mukha.

"Ahhh!" Sigaw ko. Ang sakit at ang hapdi ng mukha ko, para bang unti-unti itong nasusunog.

"Ang sama mo! Akala ko mabait ka at mapapatawad ako pero nagkamali ako! Mas matinde ka pa sa tigre!" Panggagalaiti kong sigaw.

"And so? Ngayong sunog na ang mukha mo, are you ready to die?" Tanong niya habang naka sarcastic smile.

"Masunog ka sana sa Impiyerno! Wala kang awa!" Wika ko habang iyak lang ako ng iyak.

"Sige lang, umiyak ka lang, maya-maya ay ipaparanas ko na sayo ang bagsik ko! Haha!" Wika niya at tsaka naglakad palabas ng silid.

Ano pa nga ba ang magagawa ko ngayon? Wala na hindi ba? Talo na ako sa larong ito. Gusto sanang magpaalam man lang sa mga kaibigan ko at pati na rin kay Kian bago ako mawala sa mundong ito. Kahit kaunting panahon pa sana.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok siya na may bitbit-bitbit na palakol.

Oh no! Katapusan ko na talaga. I'm dead.

"Ready?" Tanong niya.

"Ayoko sanang mamatay ng hindi man lang nakakamit ang kapatawaran mo pero no choice, I need to accept the fact na hindi mo talaga ako mapapatawad." Wika ko havang nakayuko.

"Mabuti naman at alam. At pagsisisihan mo iyang kasalanan mo habang buhay! Haha!" Aniya.

"Kagaya ng ginawa ko kay Jake, itatarak ko na lang itong palakol sa iyong ulo. Haha! Makilala ka pa kaya nila dahil diyan sa sunog mong mukha? Haha!" Aniya.

"Good bye Philippines! And Good bye World!" Ang tangi kong nasambit sa aking isipan.

"Paalam Hannah!" Wika niya at itinarak na nga niya ang palakol sa aking ulo.

Killer's POV

Nakakatuwa lang, namatay si Hannah ng dilat! Haha! Dapat lang sa kaniyang mamatay. Masyado kasi siyang makati at malandi. Kung hindi niya nilandi si Kian, siguro hanggang ngayon ay kami pa rin pero heto siguro ang gusto ng tadhana.

Letter A, a painful goodbye! Haha!

"Plok!" Tunog ng isang bagay na nalaglag sa sahig.

"Lumabas ka! Huwag ka ng magtago pa!" Ani ko.

Mukhang mayroong nakasaksi sa palabas na ginawa ko ah. Pwes, humanda siya! Siya na ang aking isusunod.

Tinungo ko ang pinagmulan ng ingay. Sayang at mukhang nakatakas na siya. Tanging isang kwintas na may Guitar ang nakita ko.

Kilala ko na kung sino ka. Nagkamali ka ng pagtahak sa tamang daan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon