Pati sina Agatha, Tin, Xiara at Hannah. Mukhang may nangyari kahapon na hindi namin alam. Sandali, baka kaya sila ang nakakita sa bangkay nung dalawa?

Mabuti na nga lang at kulob ang silid na pinaglalagyan nung mga bangkay. Yung iba nga ay naaagnas na at nakakasulasok na ang amoy kaya pahirapan na rin pumasok sa silid na iyon kapag may isasama kang bagong bangkay.

Matapos naming kumain, nagkaniya-kaniya muna kami. Ako, napagpasyahan ko munang maglakad-lakad sa labas. Masyadong malaki yung lugar, masyadong malawak ang lupain at napapaligiran pa ito ng mga nagtatayugang mga puno.

Namiss ko tuloy magbakasyon sa Lolo't Lola ko sa probinsya. Noong bata pa kasi ako, doon ako sa kanila tumitira tuwing bakasyon. Kamusta na kaya sila?

Ang pag-akyat sa puno kasama ang aking mga kalaro. Ang pagsusuga ng kambing. Ang pagpapakain ng mga manok tuwing umaga. Ang paglanggoy sa dagat at paglalaro sa lansangan habang tirik na tirik pa ang araw. Nakakamiss maging bata.

"Oy Jake! Masyado kang nagliliwaliw diyan ah!" Bati sa akin ni Hannah ng magkasalubong kami sa daan.

"Haha, sinasariwa ko lang ang mga masasayang ala-ala ko noong bata pa ako." Paliwanag ko sa kaniya.

"Oh sige, mag-iingat ka ah? O baka naman gusto mong samahan pa kita para sure?" Alok nito.

"Naku hindi na! Baka pagselosan pa ako ng boyfriend mo at malugmok ako sa lupa kapag nagkataon." Paliwanag ko at nagtawanan lang kami.

"Oh sige una na ako!" Wika ko at tinanguan niya lang ako.

Hindi pa ako nakakalayo, narinig kong sumisigaw si Hannah at humihingi ng tulong.

Paglingon ko patalikod, nakita ko siyang nakabitin ng patiwarik. May nakatali sa kaniyang paa. Nais ko siyang tulungan kaso, hindi ko alam ang aking gagawin.

Brain blast!

Sanay nga pala akong umakyat ng puno noong bata pa ako. Eh ngayon kaya? Sana naman ay kaya ko pa.

Sinubukan kong umakyat ng puno. Noong una, palpak dahil lagi akong nadudulas at nalalaglag lang sa baba. At dahil sa pursigado akong iligtas si Hannah, nakaakyat din ako.

Mabuti na lang at may dala akong salamin kaya binasag ko iyon at aking ginamit para maputol yung tali. Dali-dali akong bumaba sa puno para matingnan si Hannah na nawalan ng malay sa kaniyang pagkakabagsak sa lupa.

"Uy Hannah! Ok ka lang ba? Gumising ka!" Wika ko habang inaalog siya.

Salamat sa Diyos at buhay pa siya! Naririnig ko pa ring pumipintig ang puso niya. Binuhat ko siya para dalhin sa Mansion. Nakakaisang hakbang pa lang ako, may humataw bigla sa aking ulo na matigas na bagay mula sa likuran kaya bumagsak ako sa lups at nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako na nasa madilim na silid. Nakita ko si Hannah sa hindi kalayuan. Pareho kaming nakatali sa upuan at nakagapos rito at binusalan ang aming mga bibig upang hindi kami makagawa ng ingay.

Mapapansin mong maraming gamit sa paligid. At ang bawat sulok ng silid na ito nababahiran ng dugo. Possible kayang dito pinapatay ng killer ang kaniyang biktima? Yup, possible!

"Mabuti naman at gising ka na. Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan." Wika niya sa isang sulok. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang aking busal sa bibig.

"Hahaha!"

"Anong nakakatawa sa sinabi ko aber?" Aniya habang nakanunot ang noo.

"Imbes kasi na kaawaan ko ang sarili ko dahil mamamatay na ako. Sayo ako naaawa! Kasi, pumapatay ka ng mga taong inosente! Sa totoo nga niyan, wala kang karapatan para bawian kami ng buhay sapagkat sino ka ba para gawin iyon? Tao ka lang! Hindi ka Diyos na dapat katakutan!" Pahayag ko.

"Hindi ko mapapatawad ang paglalaspangan mo sa akin! You will suffer before you die for insulting me!" Aniya at kinuha ang isang martilyo at nagmamadaling papalapit sa akin.

"Kayo na po ang bahala sa amin Lord, patawarin niyo siya sapagkat hindi niya alam ang kaniyang ginagawa. Nagpabulag siya sa kadiliman." Pagdadasal ko.

"Sorry Jake!" Wika niya at inihambalos ang martilyo sa aking kamay.

"Ahhh!" Sigaw ko. Ramdam ko ang sakit sa paghataw niya nito. Halos madurog na ang aking buto sa kamay.

"Maglaro muna tayo." Wika niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Ahhh!" Sigaw ko ng isa-isahin niyang pukpukin ng martilyo ang mga daliri ko sa kamay.

Maririnig mo ang paglagutok nito na halos madurog na. Hindi pa siya nakuntento at tinanggal niya ng isa-isa ang aking kuko gamit ang likod na parte ng martilyo. Nagsilabasan ang laman na nagnanaknak sa aking kuko. Maging ang aking mga kamay ay bugbog sarado na.

"Ano Jake? Masakit ba? Hahaha!" Wika niya na para bang tinakasan na ng bait.

"Hayop ka! Masunog nawa ang iyong kaluluwa sa kadagat-dagatang apoy!" Ani ko.

Hindi ko na maikilos ang aking mga kamay na pawang nabaldado. Parang na hazing ang aking mga kamay sa kabaliwan niya.

"Magsorry ka sa akin kung gusto mong humaba pa ng kaunti ang iyong buhay! Nilapastangan mo ang aking pagkatao!" Sigaw niya sa harapan ko.

"Hindi! Hindi ko babawiin ang mga sinabi ko at hindi ako hihingi ng tawad sayo! Never!" Pagmamatigas ko.

"Okay, ikaw na mismo ang namili ng iyong kapalaran! Face your death Jake!" Wika niya at buong pwersa niya hinataw ang martilyo sa aking ulo.

Para bang yumanig bigla ang aking mundo. Tumagos ito hanggang sa aking bungo at dumaloy ang masaganang dugo sa aking mukha.

Nararamdaman ko ng lumalabo ang aking paningin.

"Alam kong gising ka na kaya ikaw na susunod! Haha!" Wika niya at tumawa ng kahindik-hindik.

"Hannah." Ang tangi kong nasambit bago ako lagutan ng hininga.

Killer's POV

Paalam Jake! Hindi ko nagustuhan ang pang-iinsulto mo sa akin kaya tinuluyan na kita. Hindi ko pa naman balak wakasan ang iyong buhay kung humingi ka ng kapatawan pero sadyang matigas ang iyong ulo kaya iyan ang napapala ng mga taong pasaway.

Letter H, wala na rin! Siyam na ang aking napapatay at kaunti na lang. Makukumpleto ko na ang Alphabet of Death! Haha!

Bago ko tunguin ang pwesto ni Hannah, as usual, sinulatan ko ng letter H sa noo si Jake. Sana naman, malaman nila kaagad ang mensaheng nais kong iparating sa kanila.

Ikaw na ang sunod! Hahaha!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon