The Fire

73 5 0
                                    


"KINAYA NG SHOP ko na mabuhay at mapag-aral ang mga anak ko at tama lang na hindi kami makipagsosyo sa taong iyon. Parang lobo na nag anyong tupa. Ayokong may maliitin siya sa amin lalo na ang bunso ko. pasensya na Voltaire, masyadong hambog at matapobre ang Papa mo!"

Naantig si Jeanine sa sinabi na iyon ng kanyang Papang.

"I am sorry sa ipinakita ni papa. Kahit ako ay hindi ko gusto ang mga actions niya. Kaya po kami pumunta dito para pigilan siya."

"Ano bang problema ng papa mo, Voltaire? Mukhang hindi iya gusto si Jeng para sa iyo. Hindi ako mahilig sa mga teleserye pero baka maging katulad sa mga palabas a TV ang istorya niyo. Baka apihin lang ng papa mo ang kapatid namin." ani Kuya Mario.

Nagkatinginan sina Jeanine at Voltaire at muling naghawak ng kamay. Ramdam niya ang pressure sa reaksyon ng kanyang pamilya.

"As long as I live hindi ko hahayaan maapi ng kahit na sinuman si Jeanine kahit na ni Papa."

Lalo pa siyang naantig sa sinabi na iyon ni Voltaire.

"Mahirap naman na ganyan, Voltaire. Ayos lang ba sa iyo na walang basbas ng magulang mo ang relasyon niyo?" ani Papang.

Pagak na natawa si Voltaire at kita niya na may lungkot na gumuhit sa mukha nito.

"Sad to say this, I never had his blessing. Sa Japan may mga desisyon ako na hindi niya pinayagan. Mula sa pagmomodel ko na tingin niya ay isang high form ng prostitution. Sa tagal ko na tiniis ang mga salita niya. I became numb. Yes, alam ko na important ang blessing niya pero ilang beses na niyang ipinagdamot iyon at hanggang ngayon he is doing the same thing."

Kita niya rin na naawa ang mga kapatid niya at ang kanyang Papang.

"And If I define blessing right now. I want to tell that I am blessed to be loved by your daughter. You were also blessed to had a daughter and sister like Jeanine. At na-i-share iyon sa akin. I thank God to made that happen and know I feel more bless to have her and your guys her family and hoping na makasama ako sa inyong pamilya."

Bakit nasasabi niya ito sa harap ng pamilya ko? Grabe na siya, sasabog na ang puso ko sa sobrang touch!

"Welcome ka naman sa pamilya namin, hijo pero sana pagtapusin mo muna si Jeng."

"Pang, mukhang handa ka na mag-asawa ang bunso natin?" ani Kuya Mario.

"Doon din patungo iyon at tiwala ako na mahihintay nila ang isa't-isa. Basta makatapos lang si Jeanine at matupad ang kanyang mga pangarap masaya na ako. At  mukhang isa ka sa mga natupad na pangarap ng anak ko."

Napangiti humilig si Jeanine sa balikat ni Voltaire at lalong humigpit ang masuyong paghawak ng kanilang kamay.

"Marami pang pagsubok ang darating sa samahan niyo. Sana hindi kayo bumigay." ani Papang.

"Hindi ko po pababayaan si Jeanine gaya ng hindi niya pag-iwan sa akin. Patuloy ko pong mamahalin at aalagaan ang anak niyo anuman ang mangyari."

"Wait, magtitimpla lang ako ng matamis na kape, lalong tumatamis ang mga eksena."

Natawa sila sa patutsada na iyon ng kanyang Kuya Jay-ar at napalitan ng galak ang kaninang tensyon na dulot ng Papa ni Voltaire.


UMALIS na sa Paete sina Voltaire at Jeanine.  Kinailangan niyang bumalik dahil may pasok pa siya sa Z Lite. Ginising siya ni Voltaire nang malapit na sila sa Sampaloc. Napansin nila na maraming tao na nag cause ng traffic.

"Ano'ng nangyayari?" nabahalang reaksyon niya.

"Cant you see that black thick smoke? Is there a fire?"

Lalo siyang nabahala. Lalo na nang makita niya na dumadami ang mga taong lumilikas.

"Baka malapit sa Oxford ang sunog." agad siyang lumabas ng kotse.

"Jeanine!"


SUMASABAY SA kapal ng usok ang dami ng mga tao na nadadaanan ni Jeanine. Nagimbal siya nang makita niya na isa ang Oxford sa mga bahay na nasusunog.

"Ang mga gamit ko!" mabilis siyang sumugod papunta sa Oxford na nilalamon na ng apoy. Nakita pa siya na lumilikas na rin sila Karlo.

"Jeanine, umalis ka na. Mabilis kumalat ang apoy!"

Hindi niya pinansin si Karlo at mabilis niyang inakyat ang kwarto niya kahit na nauubo na siya at init na init na. salamat sa Diyos at hindi pa nadadaanan ng apoy ang kuwarto niya. Agad niyang kinuha ang mga gamit niya sa aparador na naka-box. Nakita niya rin ang jacket ni Voltaire na pinili niyang suutin. Palabas na siya nang biglang  may malaking kahoy nula sa kisame ang bumagsak at mabilis niya iyong nailagan.

"Jeanine!" si Jordan iyon. Tinulungan niya nito na buhatin ang dala niya.

"Salamat." 

Ngunit biglang may malaking poste na nagliliyab na bumagsak at humarang sa hagdan na binabaan nila. Kumalat at lumaki ang apoy niyon hanggang sa hindi na niya nakita si Jordan.

"Jeanine!" sigaw ni Jordan.

Hindi siya makasigaw sa sobrang paninikip ng dibdib at hapdi ng mata niya. Bumalik uli siya sa itaas kahit na nahihirapan. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Marami nang sigaw siyang naririnig at bagsakan ng mga nagliliyab na bagay. Napapaubo na lang siya  at humanap ng lugar na hindi pa nilalamon ng apoy.

Diyos ko ito na po ba ang katapusan ko....iligtas niyo po ako. Please Lord!

"Jeanine!"

Nabuhayan siya. Tinig iyon ni Voltaire.

"Voltaire, nandito ako!"

Nahilo na siya. Kinakapos na rin siya ng hininga.

"Jeanine! Jeanine!"

Nagimbal siya nang makita niya na may babagsak na nagliliyab na jalousie mula sa itaas.

"Ahhh!" agad niyang sinalag iyon gamit ang bisig. Ramdam niya ang mga bubog na sumugat sa kanyang balat. Naiyak pa siya sa takot nang may bumagsak na truss at nabagsakan ang paa niya.

"Tulong!" may iyak na ang sigaw niya. 

"Jeanine!" 

Sa malakas na apoy ay naaninagan niya ang bulto ni Voltaire. Nakita na siya nito at agad na inalis ang truss sa kanyang paa.

"Voltaire!"

Mabilis siyang binuhat nito at saka bumagsak ang ilan pang nagliliyab na truss.

Basa ito. Sininghap niya ang basang T shirt nito at tumalon ito habang buhat siya. Napahigpit ang yakap niya. Napasigaw pa ito at mabilis na tumakbo.

"Makakaligtas tayo. Dont worry!"

Naging positibo pa rin ito kahit kinakabahan na. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso nito. Nang makita niya ang labasan ay agad niyang itinuro iyon ni Voltaire. Pinilit niyang tumayo kahit napilayan siya. Inalalayan naman siya ni Voltaire. 

"May tao dito!" may mga bumbero siyang nakita at masasalubong nila. 

Ngunit bigla siyang itinulak ni Voltaire nang malakas at napasadsad siya. Sobrang shock niya nang makita niya na mabagsakan ng nagliliyab na malaking posteng kahoy si Voltaire.

"Voltaire!!!!!" napasigaw siya sa takot at labi na pag-alala. Naiyak na siyang tumayo ngunit agad siyang nilapitan ng mga rescuer.

"Miss ayos ka lang?"

"Hindi ako ayos! Hindi niyo ba nakita, nabagsakan ng malaking kahoy ang boyfriend ko!" nahisterikal na siya. Dumating pa ang ilang mga bumbero at inilabas na siya.

"Tulungan niyo ang boyfriend ko.Nasa loob siya. Parang awa niyo na!"

Hinang hina na siya. Ang sikip na ng dibdib niya at hindi na siya makahinga. Bago pa siya natakasan ng malay ay nagdaramdam soya sa satili dahil wala siyang nagawa sa nangyari kay Voltaire.


Scent of a Lonely manWhere stories live. Discover now