The Scent

416 20 0
                                    



            MAGDADALAWANG TAON na rin si Jeanine sa Oxford Compound, isang lumang paupahang kuwarto sa Sampaloc. Kasalukuyan doon siya nakatira dahil malapit iyon sa pinapasukan niyang unibersidad, ang prestigious, Montreal University . Nasa ikatlong taon na siya sa kursong Fine Arts. Abala siya sa pinipinta niyang Bamboo Grass Landscape na nira-rush niya dahil sa makalawa na iyon ipapasa. Isa iyon sa mga project nila sa Final Term ng semester.

Confident siya na magiging mataas ang grado niya sa project na iyon dahil landscape painting ang forte niya.  Inspirado siya sa pagguhit ngayon ng mga kawayang nagtatayugan sa madamong kapaligiran na sinabugan ng mga makikinang na dandelion na tinatangay ng hangin. Hindi siya makapaniwala na ang isa sa mga product of imagination niya ay naguhit niya't hinahagod niya ng tingin. Amazed na amazed siya at nakakawala ng pagod dahil ang project na pinagpuyatan niya nang ilang araw ay ngayo'y tapos na at puede nang ipasa.

"Ang galing ko talaga!" bilib na bilib siya sa kanyang sarili

Nag-ring ang cellphone niya na nasa ibabaw ng kanyang cabinet drawer kasama ng kanyang mga paintbrush. Parang bumalik ang stress niya nang makita sa monitor ng CP niya kung sino ang tumatawag.

"Hello, Kuya Mario..." walang gana niyang sinagot iyon.

"Kumusta na ang bunso namin. Tinatanong na ni Papang kung uuwi ka ngayon bakasyon niyo. Miss ka miss ka na namin dito."

Alam ko na kung saan hahantong ang usapang ito. Napatirik mata siya.Nakakaamoy siya ng hindi maganda.

"Eh, kuya. May trabaho pa ako sa Convenient Store. Mukhang hindi ako makakapagbakasyon diyan."

Pero sa totoo lang wala talaga siyang balak magbakasyon ngayon sa Paete dahil sigurado ngangaragin na naman siya ng mga kuya niya. Mukhang may balak na naman siyang isahan.

"Ganoon ba? Paano iyan? Inaasahan ka pa naman ni Papang na uuwi ngayon. Miss na miss ka pa naman niya."

Binelatan niya lang ang kuya niya sa CP. Binobola na naman siya nito. Ganito kasi ang last year strategy nito para mapa-uwi siya. Kesyo nami-miss daw siya ng Papang nila iyon pala wala roon sa kanila ang Papang nila at pinagbantay lang siya ng Furniture Shop nila.

"Sige na kuya. Marami pa akong gagawin, Adios!"

"Teka Jeanine!...."

Buong diin at nakangising pinatay niya ang CP. Baka tumawag uli ito at mangulit

Hindi niyo na ako maiisahan mga dearest brothers!

KINUWENTO ni Jeanine ang pagtawag na iyon ng kuya Mario niya sa bestfriend classmate niya na si Caitlin. Nasa Freedom Park sila ng Campus at nagpapahangin.

Doon sila madalas tumambay at naghihintay ng next subject nila.

"Grabe naman ang mga kuya mo. Gagamitin na naman ang Papang niyo para pauwiin ka ngayon bakasyon. Hindi ka naman pagbabakasyunin kundi aalilain. Bakit hindi mo nalang sabihin na mag-hire na lang ng katulong para hindi na nila hanap-hanapin." Nanlalaking butas na reaksyon ni Caitlin.

"Naiinis nga ako. Hindi na lang nila sabihin na, umuwi ka na, Jeanine. Kasi walang maglalaba, walang magluluto, walang naglilinis at walang nagbabantay ng shop.Hindi man lang nila ako binibigyan ng katahimikan. Buti nga hindi na nila ako kinikulit na umuwi tuwing weekend. Kasi mga tamad sila. Nasanay kasi sila na ginagawa ko ang lahat ng gawain sa bahay!" naghihimutok niyang sabi.

Scent of a Lonely manWhere stories live. Discover now