The Breakthrough

69 8 0
                                    


Chapter 18

HINATID ni Voltaire si Jeanine sa Oxford Compound. Nakakapagod ang buong araw pero masaya siya dahil naging matagumpay ang operasyon ng kanyang Papang. 

"Hindi ako magsasawang magpasalamat sa ginawa mo sa Papang ko, Voltaire. Really you are an archangel. More than just an angel."

"Again, you're welcome." kahit pagod na rin ay masarap pa rin ang ngiti ipinakita nito.

"Pahinga na tayo."

"Dito na ako sa kotse matutulog. Hindi na kita gagambalain sa loob. Sapat na sa akin na ikaw na mismo ang magdadala sa akin kay Serena. Pahinga ka na. Marami pa tayong pag -uusapan. I need a fresh mind para sa mga susunod na araw."

Nang pabalik na siya ng kuwarto niya ay hindi kaagad siya humiga sa kama. Humarap muna siya sa salamin ng kanyang aparador. Naroon ang pagod at saya pero may naililigay na kung anong sakit na bumabanda sa kanyang dibdib kapag nababanggit ang salitang Serena.

Hindi ko alam kung labag ba sa loob ko mga gagawin ko pero kahit hindi ko gusto , ayaw kong biguin si Voltaire. walang dahilan para hindi ko siya sundin. Mahal niya talaga si Serena. Pagmamahal na handa niya gawin ang lahat kahit makompromiso siya. Napakapalad talaga ni Serena. May lumalaban para sa pag-ibig niya. Lord, sana samahan niyo ako sa mga susunod na mangyayari. 

Buong bigat siyang nahiga sa kama at sa pagtulog kahit paano ay naiibsan ang kung anumang sakit na iyon na hindi niya dapat maramdaman.


NAGISING si Jeanine sa isang tawag mula sa kanyang kuya Jay ar. That was 7am.

"Gusto ka makausap ni Papang?"

"Pede na siya kausapin?" natuwa niyang sabi. Doon na niya tuluyang nagising at nawala ang inaatok pa niyang diwa.

"Jeng, anak?"

"Papang!" naiyak siya sa galak.

"Nasabi ng mga kuya mo na bumalik ka na sa Manila."

"Kailangan po bumalik. Marami pang gagawin sa school. Pero dadalaw po ako sa bakasyon."

"Talaga?" natuwang reaksyon ni Papang.

"Tiis lang po, malapit na akong grumadweyt at gusto ko nandito kayo at malakas.Kasama nila kuya."

"Magpapalakas ako, anak. Gusto ko rin makita kang magtapos gaya ng mga kuya mo. Kayo ang mga tropeo ko na hindi masisira. Mahal na mahal ko kayo. Lalaban ako para makasama pa kayo."

Naiyak pa siya lalo at napasinghot.

"Sige na po, papang. tawag na lang po ako o kaya mag text. May pasok pa po ako sa school. At kakausapin ko na rin yung isang artist na nais isama sa exhibit niya ang isa kong nililok."

"Picture ran mo ah, mamaya tingnan ko. Sabi ko na nga ba, minana mo rin ang galing ko sa paglilok. Ipagmamalaki kita sa buong Paete, anak."

"Salamat, Papang. Sige na po. I love you."

Talagang iba ang lakas ang ibinibigay sa kanya ng kanyang Papang. Bumangon siya nang may galak at hinanda ang sarili sa isang laban.

Muling nag ring ang phone niya at nakita kaagad na numero iyon ni Voltaire.

Marahas siyang huminga bago niya iyon sinagot.

"Hello?"

"Finally you are awake."

"Maliligo lang ako. Text kita kapag palabas na ako."

Matapos kausapin si Voltaire ay muli siyang humarap sa salamin.

Scent of a Lonely manМесто, где живут истории. Откройте их для себя