The Love to Fake and break

72 8 0
                                    


Chapter 23 The love to fake and break

BUMALIK si Jeanine at Voltaire sa frontrow sit. Medyo nailang na siya dahil panay na ang mga pagkuha ng mga pictures sa kanila. Agad naman itong inawan ng mga staff at marshalls.

"Itutuloy mo na ba ang dapat nating gawin?" pabulong na sabi ni Jeanine. 

"Shhh..baka may makarinig." sabay ni Voltaire.

Nakita niya na nakatingin sa gawi nila si Serena at Robert. Halatang na tense ito nang biglang magpakita si Voltaire.

"Nanghihina ako. Hindi ko akalain na ganito pala dito. Hindi ko na alam ang dapat kong i react."

"As long as i am here hindi magtatagal iyan. Kaya mo yan." may ngiting sabi ni Voltaire. Mahigpit na hinawakan ang nanlalamig niyang kamay at hinalikan siya sa noo.

Nagsisimula na siyang umarte para ipakita kay Serena na nakamove on na siya. Kita ko na mayroon paring lugar si Voltaire kay Serena. Nagseselos na siya. Nagtagumpay si Voltaire. Ano na ang kasunod nito. Natatakot ako.

Nakita niya na hinagod ni Robert ang likod ni Serena habang kausap ang isang staff. Ito na ang nagpatuloy ng hosting at nakita niya na umalis na ng stage sina Robert at Serena. Sumulyap pa ito sa gawi nila bago umupo sa VIP seat.

I am sorry Serena....hindi talaga niyang matingnan ito sa sobrang hiya.

"Bibilhin ang gawa mo, kasama ba iyon sa usapan niyo?" tanong ni Voltaire.

"Nasabi nila pero hindi pa namin napag-usapan kung paano iyon mabibili?"

"I already think that you will reach this far. Sana hindi mo ako makalimutan kapag sumikat ka na."

"Hinding hindi iyon mangyayari."

Napangiting hinaplos ni Voltaire ang buhok niya.

Sige lang, gawin mo na ang gusto mo. Matagal mong hinintay ito. Girlfriend mo ako hangga't hindi pa bumabalik sa iyo si Serena. Kahit na hinihiling ko na sana totoo ang mga haplos at titig mo sa akin. Kahit peke ito, maligaya ko itong tinatanggap. Sana totoo ito. Ikaw na ang aking hiling na hindi na matutupad.

"Miss Jeanine, after the program we will entertain the guest na gusto makita kayo at ang artpiece niyo together with you fellow artist na kasali sa exhibit." sabi ng event staff na may nameplate na Veronica.

"Okay." may ngiti niyang tugon.

"Can i join her?" tanong ni Voltaire.

"Yes sir. Hindi ba kayo ang boyfriend ni Miss Jeanine."

Nagkatinginan silang dalawa.

"Excuse me. I will tell the others." magalang na paalam ni Veronica.

"Mukhang nagseselos na si...."

Pinigilan ng hintuturo ni Voltaire ang labi niya at napasinok na natatitig dito.

"It's all about you, isn't. Kalimutan mo na ang napagkasunduan natin. Gabi mo ito. Please enjoy it!"

"Pero..." nagtaka niyang hinawi ang daliri nito.

"Miss Jeanine de la Costa. Gusto po kayo makausap ni Madam Schimmer ng Marvel Marbles Corporation. She is so interested sa inyong Millenial David" may mga lumapit na sa kanyang mga event staff kasama si Veronica.

"Kinakabahan ako, Voltaire. Anong sasabihin ko?" natense na naman siya. Hindi rin siya sanay makipag usap sa mga matataas at elite na tao. 

"Just relax and be yourself. Nagawa mo na iyan kanina sa stage. Let your inspirations inspire you and impart them to the people that highly appreciate your craft.May mga  fan ka na and keep it up." 

Scent of a Lonely manWhere stories live. Discover now