The Smell of Solitude

83 8 4
                                    


Chapter 25 The Smell of Solitude

NANATILING nakahiga si Jeanine sa buong maghapon. Naka-schedule na kunin niya ang class card nila pero hindi siya pumunta ng school. Hindi rin siya pumasok sa Z lite. Marami nang tawag at text ang natanggap ng phone niya pero hindi niya ito chineck at binasa. Nakikisama sa bigat ng puso niya ang bigat ng buong katawan niya.  Kahit nakahiga ay patuloy na nababasa ng luha ang kanyang mga mata. 

Its all because of Voltaire. Naiinis pa siya dahil kahit wala ito ay naiwan nito sa loob ng kanyang kwarto ang amoy nito. Nahagip ng paningin niya ang brown leather jacket nito na nakasampay sa dingding.

Hindi pa pala niya iyon kinukuha.

Bumangon siya at minasdan iyon. At muling bumalik sa alaala niya.

His scent before his presence. Ang mabango, guwapo at makulit na si Voltaire Ichihara.

Mamang, kung nandito ka, maipapaliwanag mo ba kung ano ba itong nadarama ko. Ang gulo ng isip ko. Kaguluhan na bumababa sa puso ko na nagpapahina ng buong katawan ko. Mahal ko na siya, Mamang. Sa tuwing naamoy ko siya, nakikita, nakakasama at nandiyan siya sa panahon kailangan ko ng tulong at karamay. Mamang,  nakakalungkot lang hindi ako mahal ng taong mahal ko ngayon....

Kinuha niya ang jacket at niyakap.

I loved you, Voltaire.  sabi nya sa kanyang isip at muling naluha.

Natigilan siya nang may kumatok.

Voltaire? 

Agad niyang pinagbuksan iyon at nadismaya siya nang mapagtatnto niya na hindi iyon ang inaasahan niya.

"Rabelle?"

"Kaloka 'to. Sabi ko na nga nandito ka?" dire-diretsong pumasok ito at naupo sa kama niya.

"Hindi ka nakaduty?" nagtakang reaksyon niya.

"Nagpa day off na ako kasi ilang beses na akong di nakakapag day off dahil sa mga change schedule mo. Dumaan ako doon at wala ka. Ano bang nangyayari?Lagi na lang akong huli sa mga eksena mo."

 "Pasensya na." nahiya niyang sabi at tinabihan ito.

"Hindi ba dapat masaya ka dahil sa achievement mo. Certified artist ka na. I am so proud of you. Pero bakit mugto ang mga mata mo. Hindi ka mukhang fresh. Anong nangyari?"

Muli na naman siyang naiyak at niyakap si Rabelle.

"Huy, seryoso ito? Bakit may crying moments? Ano bang nangyayari?"

"Hindi ko na kaya, Rabelle. Nasasaktan ako. Ang sakit pala. May minahal ako na alam ko na may mahal nang iba pero patuloy akong nagpakatanga at patuloy kong siyang minahal kahit iba ang mahal niya."

"Sino? Huwag mong sabihin si Voltaire?"

Naiyak siyang tumango at napahikbi na.

"Hindi kita masisisi dahil talaga nakakaakit siya pero bakit mo minahal? Masakit talaga iyan dahil iba ang mahal niya."

"Sa tuwing magkasama kami, nag uusap, at sa panahon naririnig ko at nalalaman ang kanyang kabigatan, sinasabi ng puso ko na ako ang kailangan niya. Na ang pagmamahal ko ang kailangan niya pero hindi ako ang makakapagbigay ng hinahanap niyang kaligayahan."

"Alam ba niya na mahal mo siya?"

Napailing siya.

"Kung sasabihin ko ba? Mamahalin rin ba niya ako? Kapag sinabi ko na mahal ko siya? Sasabihin din ba niya na mahal din kita?Ngayon ko lang nadama ito. Mahal ko na siya, Rabelle. Mahal na mahal."

Scent of a Lonely manWhere stories live. Discover now