"Just in time, Shortie..." he grinned.

I opened the door. Lumusob kaagad sa ilong ko ang bango ng pancakes at freshly-brewed coffee na binili niya. I opened the paperbag. Natakam ako sa nakita. Hindi pa ata sapat ang cup noodles na kinain ko kanina.

"isinara ko ang pinto ng sasakyan at inilapag sa hita ko ang binili niya.

"Why are you here so early? Alas dyez pa ang klase mo, ah?" tanong ko sa kaniya habang kinakagatan ang pancake na binili.

"You told me you'll be here early for your report. I know your dumb ass will not eat your breakfast again. Kaya binilhan na kita..."

I grinned. Kinikilig kong kinagatan ulit ang pancake. He took a sip of his coffee. Sa totoo lang, medyo nagi-guilty din ako sa mga ginagawa niya sa akin. We can't date in public. Heck, even eating a simple breakfast has to be done inside his tinted car. Parking lot date, ika nga.

Sometimes, I'm afraid he'll eventually get tired of this set up.

"Ikaw pala ang nanalo sa Mr. Intramurals last year?"

He stretched his legs and leaned against the backrest of his car. Tamad niya akong nilingon. "Yeah..."

"Wow." I chuckled. "I never knew you're in that kind of stuff."

"I'm not." He said gruffly. "My REED teacher forced me to join the pageant in exchange for a passing grade."

Tumawa ako. I could imagine him, rebelling against his teachers. Biruin mo, napilitan lang siyang sumali pero nanalo pa rin siya? This guy is really something.

Nag-indian seat ako sa leather seat ng kaniyang sasakyan at ipinagpatuloy ang pagkain. Philodemus' hands crawled to my legs. He gently tugged it. Napatingin ako sa kaniya. Marahan niyang idinantay ang aking mga paa sa hita niya.

I rested my back against the car windows. Medyo naiilang akong pinapanuod niya akong kumakain habang nakapatong ang mga paa ko sa hita niya. I looked away and swallowed.

"Where should I fetch you tomorrow?" he asked.

"Tomorrow..? Shit, oo nga pala." Ani ko. I rubbed my temples. Hindi pa ako nakakapagpaalam kina Dad na may lakad ako!

Nagtaas ng kilay sa akin si Philodemus. I smiled back at him and then adjusted myself on the seat. Inubos ko na ang dala niyang pancakes. "Sa labas nalang siguro ng subdivision namin," wika ko sa kaniya.

He nodded his head. Sinulyapan ko ang oras at nanlaki ang mga mata. How come it's already been 30 minutes?!

Bumuga ako ng malalim na hininga. Maybe it is really true that the clock seems to tick faster when you are with someone you love. Kulang na kulang sa akin ang oras na ito para sa aming dalawa pero wala naman akong magagawa.

Nagpaalam na ako sa kaniya na aalis na ako. He nodded his head. Hinintay ko pa na makaalis ang mga estyudanteng nakatambay sa parking lot bago ako lumabas ng kotse niya. Tuloy, nalate ako sa Ethics namin.

Thankfully, I managed to pull off our report decently. Tumatabi na sa amin si Treena ngayon. I don't know if it's just me but I get a feeling that more and more people are staring at us. Natatakot naman akong tagpuin ang mga titig nila. I am afraid to see the judgement in their eyes. Nanlilit ulit ako sa sarili ko.

"Jusko! Sa wakas makakakain na tayo!" Dominick announced and stretched when we got out of classroom.

Sasagot pa sana ako nang biglang may umingay sa di kalayuan. Naagaw tuloy ang atensiyon ko pati na rin ng iba pang mga estyudante.

"Oi, anong meron?" Treena queried.

Tumigil sa mabilis na paglalakad ang isang babae at tiningnan kami. She shrugged. "Hindi ako sure. Yung Treveron daw may binugbog na lalaki sa CR. Dahil daw sa babae ata...?"

Deceret Series #1: His Lips On My NeckWhere stories live. Discover now