"Where is your engagement ring? Next week ay ga-graduate ka na and we will get married, my beautiful lady," nakangising sinabi ni Don Lighi Totnak.

"Uhm, sorry. Salamat sa lahat ng bigay mo pero di ko na 'yan tatanggapin pa. At saka, yung bigay mong singsing, babayaran ko na lang sa 'yo dahil naisangla ko na." Inabot ni Maryan sa kanyang bag ang cheque at isinulat ang mga naibigay sa kanya ni Don Lighi Totnak na 100 million, 1 million, at yung halaga rin noong engagement ring.

"Sorry, Don, pero di na ako magpapakasal sa 'yo. I'm backing out. Pagbutihin mo na lang ang position mo bilang kapalit ni Dad as governor. I'm happy for you." Hinalikan ni Maryan ang unanong bumbay sa noo at bumaba palabas sa GMC na kotse.

Umalis na ang GMC at iniwan ang dalaga. Ang hindi alam ni Maryan ay sinubaybayan pa rin siya ni Don Lighi Totnak at nakita ng bagong governor na sinundo siya ng kotse ni Rojz na Lamborghini.

"So, ito pala ang bago niyang lalaki?" galit na galit na ekspresyon ng unanong bumbay habang nagto-tobacco.

"Yes, boss. Malapit na silang ikasal dahil iyon ang kabilin-bilinan ni Don Alfonso Lioness. Napag-alaman din namin na si Maryan ay isa lamang ampon at ang totoong anak ni Don Alfonso ay si Laruzzo Lioness a.k.a. Rojz Lakiabas na isang bilyonaryong katulad n'yo at siya ang ikakasal sa mahal n'yo," hayag ni Kyrie na leader ng goons ni Don Lighi Totnak.

"Nakakainis na talaga. Akala ko, makukuha ko na ang kapangyarihan at lahat 'pag naging governor ako pagkatapos kong patayin ang vice governor ni Alfonso at ipapatay si Don Alfonso. Punyeta! Bakit di pa natuluyan ang matandang 'yan? Pero parang kulang dahil hindi naging akin ang anak-anakan niyang si Maryan. Hindi mo ba alam, Kyrie, na siya ang babaeng pinakamatinding magbigay ng blowjob?" nakangising kuwento ng manyakis na unanong governor.

Biglang nanlaki mga mata ni Kyrie sa nabitiwan salita ng boss niya.

Pagkatapos maka-graduate ni Maryan bilang dean's lister pa, nagpakasal na sila ni Rojz sa harapan ni Don Alfonso hanggang sa bawian na ito ng buhay ngunit worth it dahil sa masayang namatay ang matanda.

Patuloy pa rin ang pag-spy ni Don Lighi Totnak sa bagong kasal.

Parang natupad ni Maryan ang lahat ng panaginip niya sa piling ni Rojz. Hindi mahihigitan. Kung saan-saang lupalop din sila ng mundo pumupunta at nag-tour. Mas mainit pa sa apoy ang mga bedscene nila na hindi na ikukwento pa at wala na silang kaproble-problema sa buhay.

Hanggang sa makaraan ang limang buwan, nagbakasyon sila sa isang napakaluma pero magandang tourist attraction sa Germany: Ang Lichtenstein Castle.

Nasa tuktok sila nito at wala nang katao-tao maliban sa sinag ng buwan dahil hatinggabi roon.

"Ang ganda dito, babe. Ang lamig at ang sarap ng simoy ng hangin. Very peaceful at makikita mo ang iba't ibang spotlight na tanawin dito sa Germany," ngiting wagas ni Maryan habang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok at sinisinghot naman nang malalim ang hangin ng gabi.

Dahan-dahan siyang niyakap ni Rojz sa likod. "Ako ang magsisilbing third layer jacket mo ngayong gabi! Yakap-yakap ko rin ang baby natin na malapit nang maipanganak." Sabay halik ni Rojz sa buhok nito habang pinanggigigilang yakapin ang asawa.

"Uy! Tagal pa kaya. Bilis mo naman. Di pa nga lumaki yung tiyan ko eh!" malambing na tawa ni Maryan at tinapik nang mahina si Rojz.

"You know what? This is a dream come true for me at natupad ko na lahat dahil napasaakin ka. I love you, asawa ko at diyosa ng buhay ko," nakangiting sinabi ni Rojz.

"I love you too. Alam kong very happy na si Dad na pinagmamasdan tayong dalawa ngayon. Look at the stars. Ayun siya, o! Yung kumukuti-kutitap na isang bituin sa langit." Tumingala silang dalawa at napangiti sa isa't isa.

Gold Digger Where stories live. Discover now