Chap. 15

757 16 1
                                    

"Ako si Kyrie, ang pinuno ng mga bodyguard ni Vice Governor Lighi Totnak. Ayun siya, o! Matagal ka na niyang pinagmamasdan sa loob ng kotse," pagpapakilala ng mama.

Ngumisi naman si Maryan. Agad siyang sumunod kay Kyrie.

Pagkapasok ni Maryan sa loob ng kotse.

"It's been a long time, mah lady. One year and a half na kitang na-miss, my sexy beautiful lady."

Agad namang narindi si Maryan pero nagtanong. "Mayaman ka pa ba, Don Totnak?"

"Of course, of course, mah lady. Hindi ako nauubusan ng salapi. 5'6 ang negosyo ko aside from being a politician. Also, that's my dream height. Can I ask for a kiss on my lips?"

Biglang tumuntong ang mga mata ng dalaga sa labi nito na tuyong-tuyo at punong-puno ng kalyo.

"Pwedeng pautang? Hindi 5'6, libre. For the kiss na rin."

"Sure, mah love. Magkano?"

"One million pesos. Ito ang bank account ko. Diretso mo na lang diyan i-transfer, hon," malanding boses ni Maryan sabay abot ng cell phone para ipakita ang number sa bangko.

Ngumisi naman ang unanong Don na may pilak ang mga ngipin saka inutusan ang nasa front seat na accountant para ipadala na ang one million.

Makalipas ang ilang minuto ay tumawag si Maryan sa bangko at natanggap na ang one million kaya tuwang-tuwa siya. Kaya naman nagpahalik siya kay Don Lighi Totnak sa cheeks.

Ngunit nang aalis na siya ay agad siyang pinigil ng Don at nagsenyas ito na itaas ang nakaharang na tint glass patungo sa front seat dahil tila may sikreto itong gagawin o ibibigay.

"Uhm . . . Maryan, mah love. Gusto ko palang sabihin sa 'yo na matagal ko nang pinagdesisyunan ito. Isang taon at siguradong-sigurado na ako." Biglang nanlaki ang butas ng ilong ni Maryan sa sinabi ng Don.

"Ano 'yon, hon?" nandidiri at pilit na sagot ni Maryan.

"Will you marry me?" At ipinakita ng unanong bumbay ang isang mamahaling diamond ring.

Walang pakundangang inagaw ito ni Maryan saka niya kinagat para lang makasiguro na orig ito at itinago sa bag.

"Any responses?" ngisi pa rin ng Don.

"Yes, I will. Pero pwedeng after a year na lang? Gusto ko munang maka-graduate na, honey ko!" pagsisinungaling ni Maryan.

"Okay, no problem, mah sexy beautiful lady. Pwedeng humiling muli sa 'yo, my beautiful gf?" Namula pa ang manyak na Don.

"What? Pwedeng dalian natin? My Dad's gonna be mad at me. 12 na, o!" pagsisinungaling muli ni Maryan dahil nasa business trip ang ama.

"Pwede mo 'kong i-blowjob muli. I missed that."

Parang tinamaan ng kidlat ang ulo ni Maryan sa sinabi ng unanong bumbay saka nag-isip-isip kung ano'ng maganda niyang idadahilan dahil wala ang mga alaga niyang unggoy.

"I'm sorry, hon, pero may ubo ako, eh." Nag-ubo-ubuhan si Maryan.

"Problema ba 'yon? E di, diyan na lang sa pussy mo?" nakangising sinabi ng Don na mas lalong ikinarindi ni Maryan dahil sa imposible 'yon sa sobrang liit ng pagkalalaki ni Don Totnak.

"Hon, gustuhin ko man ay sorry din pero nireregla ako."

"Sa puwit mo?"

"Hon, natatae ako, eh. Kaya nga gusto ko nang umuwi."

"Pwede bang sa ilong mo na lang, mah loves."

Mas ikinakoryente sa galit na sinabi ni Maryan habang kinakausap ang sarili nang pabulong. 'Buti naman, aminado kang maliit 'yang punyeta mong kargada na sinliit ng butas ng ilong.'

Gold Digger Where stories live. Discover now