10 (PART 4): THE BATTLE

22 4 0
                                    

APOLLO'S POV

Ilang linggo narin ang nakakalipas mula nong makatanggap ako ng imbistasyon mula sa Verzianda at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Ang buong akala ko kasi ay nakalimutan na nila ako at kailanman ay hindi na kabilang sa angkan nila.

Oo nga't naging ama-amahan ko na si Damiel Cregein simula nong bata ako ngunit hindi ko lubos maisip na makakapunta na naman ako sa lugar na iyon ngayon.

"Maligayang pagbabalik Apollo." paunang bati nang mga tagapag bantay sakin nong makapasok nako sa masion.

"Maraming salamat, maaari ko ho bang malaman kung nasaan sila?" tanong ko.

"Nasa Vięrzo po, tayo na po at ihahatid ko kayo roon." iginaya nya ako papasok sa isang tagong silid at doon ay nakita ko silang lahat.

Mula sa pinaka gitna ay nakaupo si Damiel Cregein kasunod ay ang mga punong bantay na mukhang abala na pag-uusap. Mula naman sa pinaka dulo ay natagpuan ko ang aking kababata na si Cali Fraine katabi ng kanyang ama.

"Sorry i'm late." nagpapaumanhing sabi ko tsaka yumukod.

Halos lahat ng atensyon nila ay nalipat sakin kaya sa sandaling segundo ay nahinto ang paglakad ko, ngunit ang pagtawag lang ni Cali Fraine ang muling nakapag patinag sakin.

"Apollo?" nagugulat na pagtawag nya at maski ako ay nabigla

"Cali?!" nilapitan ko sya at agad na niyakap. "Kamusta kana?" masayang tanong ko at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Napaka lakas ng enerhiyang dumaloy sakin at talagang kakaiba ang dating sa pakiramdam ko.

Mula sa hinaharap ay nakita ko ang kakaibang Cali Fraine, malaki ang ipinagbago nya at talagang hindi ko mapaniwalaan ang mga nangyayari sakanya.

"S-Siya po ba ang binabanggit nyo?" naninigiradong tanong ko kay Damiel Cregein at seryoso syang tumango.

"Ano ang nabasa mo Apollo?" tanong nya.

Wala sa loob naman akong napatingin kay Cali Fraine at sandaling nakaramdam ng takot nong magtama ang paningin namin.

"Cali, kailangan mong baguhin ang hinaharap." seryosong untag ko.

"Ha?"

"Hindi nya pa alam Apollo." si Calden Cregein ang sumagot at pinakitaan pa ako ng makahulugang tingin.

Kailangan nyang malaman ang mga nakita ko sa kanyang hinaharap, hindi maaring mangyari ang mga bagay na iyon dahil may isang taong mapapahamak.

"Baguhin mo ang hinaharap, ikaw lang ang pwedeng bumago nito kung kaya mong kontrolin ang sarili mo. Cali, wag na wag kang papatay ng mga kauri mo, lalong-lalo na ang pamilya mo." nagpapaintindi ang tono kong sana ay pakinggan at paniwalaan nya, ngunit bigla ay malakas nya akong naitulak bagay na hindi ko inasahang gagawin nya.

"Tigilan mo ko Apollo, hinding hindi ko magagawa yang mga sinasabe mo, hindi ako papatay ng mga kauri ko, lalong-lalo na ang pamilya ko!"

"Pero----" hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko ng biglang sumigaw ang isa sa mga punong bantay.

"Zendrę!" maawtoridad na sigaw nya.

"Paumanhin punong bantay." napayuko naman ako at hindi na ulit nagsalita.

"Fraine, umuwi kana. Magusap nalang tayo sa susunod na araw." utos ni Damiel Cregein sa kanyang apo.

Magmamaktol pa sana si Cali Fraine mabuti nalang ay sinuway sya ng kanyang ama.

Nakalipas din ang ilang minuto bago ko nagpagpasyahang magpaalam na agad din naman nila akong pinayagan.

--

Kinabukasan ay maaga akong nagising at pinuntahan ang tirahan nila Cali Fraine upang subaybayan sila, lalong lalo na si Demity Ayne.

Nalaman ko rin na ngayon magaganap ang paglalaban laban ng mga estudyante sa Herondale na kung hindi ako nagkakamali ay taon taon iyong ginagawa ng kasalukuyang nakaupong dean nila na si Damius Cregein ang kakambal na kapatid ni Damiel Cregein.

Tinawag ang unang kalahok at mukhang baguhang estudyante iyon.

Puspusan ang naging laban at nanalo ang Team A na kinabibilangan ng mag pinsan.

Si Demity ang sumunod na lumaban at ilang sandali pa ay namataan nya ako mula dito sa kinatatayuan ko.

Agad na nawala ang konsentrasyon nya sa pakikipaglaban at mataman lang akong tinitigan habang nagtatanong ang mga mata.

Alam kong alam nyang sinusubaybayan ko sya, dahil malakas ang pakiramdam nya.

Sana ay ganon din kalakas ang pakiramdam nya pagdating sa kanyang pinsan, hindi pwedeng mangyari ang nasa hinaharap kung gayong minsan na palang nagpakita sa panaginip nya ang posibilidad na maganap.

"Ahhh!" malakas at ubos hiningang sigaw nya nong hindi nya inasahan ang pagtarak ng dagger mula sa tagiliran nya. Walang ibang nakakita ng nangyari dahil sadyang maruming maglaro ang kalaban nya.

Kitang kita kong ininda nya ang matinding sakit ngunit tinignan ko lang syang wala ni anumang ipinakitang emosyon.

Hindi siguro ito ang tamang pagkakaton para malaman mo ang lahat. Masyado kapang abala sa mga bagay bagay. Kung bibiglain kita ay baka hindi mo rin paniwalaan ang sasabihin ko katulad ng ginawa ni Cali Fraine kanina at sana... sa muling pagbabalik ko ay hindi pa huli ang lahat.





TO BE CONTINUED...

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon