2: SAVAGE

106 8 2
                                    

Demity Ayne's POV.

Nagising nalang ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Cali mula sa baba. Alam kong binubungangaan na naman nya si Calv.

Kinundisyon ko muna ang sarili ko bago bumangon at bumaba, para manood sa pagbabangayan ng magkapatid.

"Goodmorning!" Pagbati ko kay Calv ng makasalubong ko sya. "Nakanguso kana naman!" Ginulo ko ang buhok nya. "Anong ginawa sayo ng ate mo?"

"Ayaw nya talaga akong pasamahin sa Herondale." Nagsusumbong na sabi nya at mas lalo pang ngumuso.

"Cheer up kid!" Tinapik ko sya sa braso. "Ako nang bahala sa ate mo." Kumindat muna ako bago ko sya tinalikuran.

"Thankyou noona!" Dinig ko namang sigaw nya at nagtatalon pa. kinawayan ko lang sya ng nakatalikod bilang pagpapa-alam.

Dumiretso muna ako sa dirty kitchen para kumuha ng mainit na tubig pagkatapos magtimpla ng tsaa ay tsaka palang ako tumabi kay Cali na umiinom din ng kape nya. kaya nerbyosa eh.

"Anong oras punta natin ng Herondale?" Lumagok muna ako ng tsaa bago nagtanong.

"Ngayon na sana kung pwede." Sagot nya at hindi manlang nag-abalang lingunin ako.

"Ang aga naman! mauna kana. Sabay nalang kami ni Calv papunta don." Agad naman syang napatingin sakin nang dahil sa sagot ko. "Don't worry, akong bahala sa kanya." Paninigurado ko. "Ikaw nga hindi ko pinahahawakan sa kanila eh, sya pa kayang baguhan palang at hindi pa ganon kasanay sa labanan." Inubos ko na ang iniinom ko pagkatapos ay nilagay ko ang tasa sa sink. "I'll sure you, akong bahala sa kanya. Lalo pa't pareho naman nating alam na hindi pa ganoon kalakas at kahusay ang kakahayaan nya. Alam kong delikado at mapeligro ang papasukin natin, pero maski naman tayo nong umpisa mahina at takot pa diba? At habang tumatagal ay natututo din tayo! naging praktisado at detirminado, kaya nga gumaling tayo ng husto right? So paanong matututo ang kapatid mo kung hinaharang mo ang pagkakataon. Hindi sa lahat ng oras nandyan ka o ako, tayo sa tabi nya. Kailangan nya din maging matapang para sa sarili nya. He need to learn, to fight and also to be braved. Tignan mo nalang ang sitwasyon natin ngayon. Dating talunan pero ngayon kinatatakutan." Bahagya pa akong hiningal ng matapos kong sabihin yon.

"First time to!" Napaang naman ako ng ngumisi sya. "Akalain mo lumagpas sa tatlong pangungusap ang lines mo." Pumalakpak pa sya. "Achievement yon Demity, achievement" dagdag nya pa pagkatapos ay tinap ang ulo ko na alam naman nyang ayaw na ayaw ko.

"What the hell!" Singhal ko. eh kung itarak ko kaya sa kanya tong kutsilyo sa tabi ko.

"I'm sorry!" Ngingiti-ngiti pa syang nag peace-sign sakin.

Tumayo naman agad ako at iniwan na sya don. Sakto namang pag punta ko ng sala nakita kong nakaupo si Calvin sa sofa at sinusundan ako ng tingin.

"Demity noona!" Nang hindi na sya nakatiis ay tinawag nya din ako. "Anong sabi ni ate? napapayag mo ba?" Tanong nya't nakangiti pa.

"Ofcourse!" Sagot ko naman at mas lumawak ang ngiti nya.

"Your the best, Demity noona!" Sigaw nya at nagtangka pang yayakapin ako nang itinaas ko ang dalawang braso ko para pigilan sya. "Ah s-sorry! but thankyou again noona!" Sya naman ngayon ang kumindat sakin, dahilan kung bakit napangiti ako.

"You're always welcome Calv." Inayos ko pa ang kwelyo nya. "Be brave, ate mo lang kasi kinatatakutan mo pa."

"So! may problema ba kung kinatatakutan nya ko?" Agad na nagtago si Calvin sa likod ko nang marinig nyang magsalita ang ate nya. "Tignan mo nga! yan ba ang matututo? Takot nga sakin hindi malabanan eh yun pa kayang---" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya nang bigla akong nagsalita.

The Immortal DeathlessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora