Ako na lang Sana

50 0 0
                                    

#TuesdayTravails
#TatakPL
#TruimphsAndTrials
#DagliActivity

Gagraduate na sila ng college ni marlon 'sa wakas masasabi ko na sa kanya ang feelings ko' nag pramis kase ako sa sarili ko na aamin lang ako pag ako ay graduate na, study first muna daw ng parents ko.
Nasa labas ng bahay si Bella at nagwawalis nang tawagin siya ni marlon.

"Bella, may sasabihin sana ako eh pero huwag kang mabibigla ah," natutuwang sabi ni Marlon

"Kinakabahan naman ako sayo!? Ano ba yun? At nakangiti ka pa ah, may maganda bang nangyari" nagtatakang sabi ni bella

"Ahm, pumayag nang magpakasal si margareth sa akin, mamaya pupunta kame sa bahay nila para mamanhikan," nakangiting sabi ni Marlon

"Talaga?! Congrats!" pilit ang ngiti na binigay niya kay Marlon. Sobrang sakit parang dinaganan ng isang malaking bato ang puso niya. Oo mahal niya si Marlon. kababata niya si Marlon mula maliit sila.

Nagkagusto siya kay Marlon noong sila ay grade six, lagi silang magkasama kaya impossibleng hindi siya magkagusto, lagi siyang ipinagtatanggol pag binubully siya.

Simula noong nagdalaga na siya at noong tinutukso siya ni marlon na 'uy, dalaga na siya, magkakaboyfriend na'. hindi ko talaga maiwasan na magkagusto sa kanya, guwapo, mabait, mapagmahal sa magulang.

"May binigay ka bang engagement ring?" tanong ni bella

"Wala pa sa ngayon wala pa akong pera," sabi ni marlon

"Eh, anong singsing ang binigay mo nang magpropose ka?" tanong ni bella

"Meron akong binigay na singsing sa kanya, yung singsing na ginawa mo dati para sakin?" sabi ni Marlon. mas lalong bumigat ang pakiramdam ni bella dahil sa ginawa ni marlon

"Ok lang naman diba? Alam ko binigay mo 'yun sakin as birthday gift, ang ganada kasi ng timing eh, maganda ang place, tamang tama naman for a date," natutuwang sabi ni marlon.

Tumingin si bella kay marlon na kumikislap ang mga mata sa labis na pagmamahal kay Margaret. Hindi na pala niya sasabihin kay marlon ang nararamdaman niya, itatago na lang niya.

After 1 year. After Graduation

"Kailang kong makita si Margaret," sabi marlon na nagiimpake ng mga damit.

"Para saan pa? Diba iniwan ka na niya? Tapos hahabulin mo pa?" naiinis na sabi ni bella

"Misunderstanding lang ang nangyari, pag nakita ko siya sasabihin kong itutuloy namin ang kasal," sabi ni marlon

"Ano ba, marlon?! Gumising ka nga! Kaya nga ikaw iniwan ni Margaret dahil may iba na siya! Sumama na sa iba! Hindi mo ba nakuha! Ginawa ka lang niyang laruan, mahal pa rin niya ang ex- boyfriend niya," sigaw ni bella

"Hindi, Hindi totoo 'yan?!" iling ni marlon

"Marlon, maawa ka naman sa sarili mo? Maawa ka din sa mama mo, nag-aalala na yun sayo," sabi ni bella

"Bakit ba?! Wala kayong pakialam sa nararamdaman ko, mahal ko si Margaret! Naiintindihan niyo ba?!" sigaw ni marlon

"May pakialam kami sayo dahil pamilya ka nila, ako kaibigan mo ako, andito lang kami kaya huwag nang aalis," sabi bella.

Pero hindi tumigil si marlon sa pag iimpake, tuloy tuloy hanggang sa bubuksan na ni marlon ang pintuan ng kuwarto

"Mahal kita marlon!" sabi ni bella. Tumigil sandali si marlon at lumingon sa kanya

"Anong sabi mo?" tanong ni marlon marahio mali ang pagkakarinig niya

"Sabi ko mahal kita! Matagal na, mula noong mga bata pa tayo mahal na kita, kahit hindi ko pa alam dati ang salitang 'yun, tumatak na sa isip ko na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko," sabi ni bella. Kailangan niyang sabihin ang nararamdaman niya para hindi na siya umalis.

"Wala ng makakapigil sakin na umalis," sabi ni marlon

"ibaling mo na lang sa ibang lalaki nararamdaman mo sakin." Binuksan ni marlon ang pintuan at tuluyan na siyang umalis.

For the Second time nabigo na naman siya tuluyang umagos ang mga luha niya.

-The End-

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 05, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Flashfiction / Dagli / OneshotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora