My Tatay Guardian Angel

57 1 0
                                    

Title: My Tatay Guardian Angel
By: annika26
Setting: Dream or Panaginip

Kasalukuyan kaming bumibiyahe ng mga kaibigan ko papunta sa probinsiya nila para makapag bakasyon. Nag leave ako ng 1 week sa work ko at ganun din sila. Kahit isang linggo lang makapag pahinga naman ako gusto gustong talaga makalanghap ng sariwang hangin. Masaya kaming nagkakantahan ng mga kaibigan ko ng bigla kaming mauntog sa van dahil may iniwasang tao na papatawid.  May isang truck ng Nagdedeliver ng mga buhangin at graba na busina ng busina at sumalpok sa sinasakyan namen na van.

Nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig nang may makita akong tao na nakatalikod na nakaharap sa kalan at nagluluto.

"Excuse me, sino ka? Anong ginagawa mo dito sa bahay namen?" Tanong ko. Lumingon ang lalaking nagluluto at nagulat na lang ako na andito siya sa harapan ko buhay siya at gumagalaw

"Papa? Ikaw ba yan?" Biglang lumabas yung mga luha ko tumakbo payakap sa tatay kong matagal ko ng gustong makita. Buhay na buhay siya at niyakap din ako "buhay ka papa hindi ka namatay?" Sabi ko habang umiiyak

"Anong sinasabi mo na namatay ako, andito lang naman ako" sabi ng tatay ko. Miss na miss ko na siya

"Kase nung nakaraan lang nasa hospital ka, hindi man kita nakita kase nasa ibang bansa ako nagtatrabaho, hindi ako makauwi ng pilipinas kase dahil may bagyo tas tinawagan mo pa ako na huwag muna ako umuwi kase mahihirapan ako sa dame ng pasahero sa airport, salamat po kase kung hindi ka tumawag saken nun, kundi isa na akong patay ngayon kase diba yung eroplano sana na sasakyan ko biglang nag-crush maraming namatay dun buti na lang" sabi ko habang yakap pa din siya

"Syempre anak kita at mahal na mahal kita" pinunasan ni papa ang mga luha ko "napa iyakin mo talaga, tara kumain na tayo, tawagin mo na mga kapatid mo" sabi ni papa

"Love na love din kita papa" sabi ko humalik ako sa pisngi niya "Hindi mo ba sila naabutan pa? Kase maaga silang umaalis para pumasok sa work" sabi ko

"Eh si mama mo?" Tanong ni papa. Habang naglalagay ng kanin sa bandehado

"Hindi ko alam pa, kase pag tingin ko sa kuwarto niyo wala na siya eh, baka maagang umalis" sabi ko

"Baka may lakad" sabi ni papa. Inilapag ni papa ang kanin sa ibabaw ng lamesa. Ako naman kumuha ako ng dalawang plato at dalawang kutsara, kumuha naman si papa ng tubig sa loob ng refrigerator

"Samahan mo nga ako sa SSS bukas para makuha ko na yung pension ko" sabi ni papa.

"Sige po" sagot ko. Tinulungan ko si papa magligpit ng pinag-kainan namen, siya ang naghugas ng mga plato ako naman ang nagpunas ng lamesa. After niyang maghugas ng plato sumunod siya sa sala para manuod ng TV the usual na ginagawa niya pagkatapos niyang manood ng tv lalabas siya para bumili ng diyaryo para tingnan ang lumabas na numero sa lotto.

Kinabukasan pagkatapos namen kumain nagpunta kame ng SSS para magfile ng sss pension niya kase 60 na siya. Pagkatapos namen pumunta ng sss nagpunta naman kame sa pag - ibig fund para makuha na din yung contribution niya medyo malayo siya, sa makati pa.

Gumising ako na hindi maigalaw ang katawan ko... siguro dahil sa pagod. Naramdaman ko pang ginigising ako ni papa sabi niya aalis na daw siya at nag-thank you siya na sinamahan ko siya gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya pupunta kaya lang antok na antok ako at natulog ulit.

"Jeanette!" Sigaw ng mama ko. Kasunod ni mama yung doktor "buti na lang gising ka na" at niyakap ako ng mahigpit

"Aray ko ma, masakit" sabi ko. Tsineck ng doktor ang mga sugat ko sa mukha, medyo namamga siya, sa mga braso ko naman may pasa pa rin pero pagaling na kelangan ko land daw magpagaling.

"Sorry anak, kala ko mamatayan na ko ng isang anak, nawalan na ako ng asawa mawawalan pa ako ng anak" naiiyak na sabi ni mama.

"Bakit ma, anong nangyari? saka nasan sila mira?" Tanong ko

"Naalala mo pa ba yung biyahe niyo nila shaira papunta sa bahay nila sa probinsiya" tanong saken ni mama. Tumango ako

"Habang nasa biyahe kayo may isang truck na bumangga sa sinasakyan niyo kaya lahat kayo dinala sa ospital, ikaw pinaka malala, ang dame mong sugat nung matagpuan kayo ng mga rescuer" kwento ng mama ko habang umiiyak.

"Buti nga sugat lang natamo niyo, yung truck na bumangga sa inyo, patay yung driver saka yung pahinante, pupunta mga kapatid dito mamaya pag uwi nila galing school si Jet naman baka bukas na pumunta dahil hindi siya agad makaka-alis sa factory" sabi ni mama na umiiyak pa din

"Huwag ka umiyak ma, ok na ko, ilang araw na ba ako dito?" napabuntong hininga ako

"3 weeks ka ng tulog kala ko na-coma ka na, sabi naman ng doktor baka napagod ka lang" sabi ni mama. Nilingon ko si mama

"Ma, napanaginipan ko si papa" sabi ko "parang totoo yung panaginip ko ma" bigla na lang lumabas mga luha ko "ma namimiss ko na si papa".

After 1 month nakalabas na ako ng hospital ganun din yung mga kaibigan ko sabi ko kay mama punta kame ng sementeryo para madalaw namen si papa. Bago kame nagpunta ng sementeryo bumili kame ng bulaklak at kandila. Pagdating namen ni mama sa sementeryo ay nagtirik ako ng kandila at nag-alay kame ni mama ng dasal.

"Pa, kumusta ka na? Miss ka na namen ni mama, parang kelan lang kasama ka pa namen, sorry pa wala ako ng pilipinas noong mamatay ka, hindi man lang ako nakauwi agad" naiiyak na sabi ko habang nakaupo hinahagod naman ni mama ang likod ko maging siya rin ay umiiyak.

"Para kang guardian angel ko papa, kung hindi dahil sayo siguro namatay na kaming lahat nung mga friends ko, thank you po pa, i love you pahinga ka diyan ako na ang bahala kay mama at sa mga kapatid ko"

Flashfiction / Dagli / Oneshotحيث تعيش القصص. اكتشف الآن