Diwata ng Kagubatan (Rainforest)

122 1 0
                                    

Title: Diwata ng kagubatan
By: annika26
Genre: Adventure
Setting: Rainforest / sa taas ng bundok

May isang diwata na nagbabantay ng kagubatan, kay diwata ynna ipinagkatiwala ang pangangalaga ng rainforest para siguraduhin na walang illegal loggers ang magpuputol ng mga puno.

Si trehv ay mahilig mag-camping at umakyat ng bundok. Nagcacamping siya para makapag relax makalanghap ng sariwang hangin dahil toxic na ang work niya factory. Nag file siya ng leave para mamundok at magcamping, siya ang supervisor sa factory. Factory ng mga candy at mga de lata sa malabon.

Nagmamasid si Ynna Mula sa kanyang mahiwagang balon kung saan nakikita niya ang mga tao na pumapasok sa kagubatan. Mga magbabarkada na mahilig magcamping "tapos mag iiwan ng kalat pag uuwi na sila" napailing na lang si Ynna. "Every year na lang yung mga taong ito lagi na lang nagiiwan ng kalat hindi man lang sila marunong maglinis" himutok ni Ynna. Nag-aanyong lobo si Ynna pag meron mga taong gustong magputol ng puno para takutin at huwag ng ituloy ng pagputol ng mga puno.

Habang naglalakad si trehv ay may nakita siyang napakalaking lobo na nakatingin sa kanya medyo nasa bandang baywang na ng lalaki ang sukat ng lobo, medyo nakakatakot ang itsura sa dahil sa sobrang laki ng lobo parang mangangain ng tao. Lumapit ang lobo kay trehv at inamoy amoy siya.

"Uhm.. doggy dont bite me ok.. im not delicious.. i -- i just want to go here t--to re--lax i-- just want t--to rest fr---from my wo---work" nanginginig na sabi ni trehv habang nakapikit ang mga mata

"Huwag kang mag-alala hindi kita kakainin" sabi ng lobo. Napadilat si trehv at hinanap kung sino ang nagsalita "hindi ako kumakain ng tao" sabi ulit ng lobo. Nagulat at nanlaki ang mga mata ni trehv "ikaw yung nagsasalita?" Tanong ni trehv na gulat pa din ang reaction niya

"Oo, ako nga" sagot ng lobo. Napapikit ng mga mata si trehv ng masilaw siya sa liwanag na lumalabas itinaas niya ang dalawang braso niya para matakpan ng liwanag ang kanyang mga mata at makita niya kung ano yung liwanag na lumalabas sa katawan ng lobo. Isang napakagandang diwata ang tumambad sa kanyang harapan.

"Ako si Ynna ang diwatang taga-pangalaga ng buong kagubatan na to. Sinisiguro ko lang hindi kayo gagawa ng ikakapahamak niyo dito" sabi ni ynna at sabay naglaho parang bula sa harapan ni trehv na natumba na dahil nawalan na ng malay. Nagising si trehv ng maramdaman niyang my humahalik sa kanya, dinidilaan na pala siya ng lobo pag mulat ng kanyang mga mata nakita niya ang lobo na nakasalubong kanina napabalikwas at siya ng bangon at nagsalita ang lobo

"Ayos ka lang?, Nawalan ka ng malay eh, natakot ka noh" nakangisi sabi ng lobo. Napabuntong hininga si trehv

"Kala ko panaginip, totoo pala, hindi pa rin ako makapaniwala.. nakikipag usap ako sa lobo, tsk tsk, mababaliw ako nito" sabi ni trehv

"Matatakot talaga ako sayo! Pwede ka naman palang mag anyong diwata, saka diba umalis ka na?" sabi ni trehv na pailing iling nalang

"Hindi man lang marunong mag thank you, binuhat kita nung mawalan ka malay" irap ni ynna "mag ayos ka na may mga dayo baka mapagtripan ka hindi pa naman maganda kutob ko sa mga dayo ngayon parang hindi gagawa ng maganda" sabi ni ynna na sa anyong lobo

"Bakit hindi ka na lang mag-anyong diwata?" Tanong ni trehv

"Ayoko, mas gusto ko ganitong anyo para nakakain ako, pag anyong diwata ako hindi ako nakakain" sagot ni ynna

"Bakit naman?" Tanong ulit ni trehv

"Wala naman akong katawan pano ako kakain, saka natataboy ko yung mga taong gustong sirain ang kagubatan" sagot ni ynna. Tumayo si trehv at sinimulan na niyang magligpit si ynna naman tumakbo na papalayo. Natapos din ang ligpitin ni trehv pagkatapos ng tatlong oras dahil mahirap tanggalin ang tent na ginawa niya. Malapit nang gumabi kelangan na niyang makauwi dahil sabi ni ynna delikado dahil may mga dayo na hindi gagawa ng maganda. Naglalakad na si trehv palabas ng kagubatan ng makarinig siya ng humihingi ng tulong, hinanap ni trehv kung saan at nakita niya ang taong lobo na nakakulong sa kulungan ng mga aso at nakita rin niyang may dugo sa katawan si ynna

Flashfiction / Dagli / OneshotWhere stories live. Discover now