Single sa V-day? - Dagli

56 1 0
                                    

#RRCTValentinesActivity - Dagli
Single sa V-day?
By: Annika26

Nakapalumbaba si jessa sa tindahan habang wala pang taong bumibili at nakatingin sa mag-jowang magkaholding hands

"Naku girl, bantayan mo yang boyfriend mo baka mamaya iba na ang kasama niyan malapit pa naman ang Valentine's day," kausap ni jessa sa sarili niya feeling bitter

May isang lalaking tumitingin ng bulaklak "hi, sir flowers po?" Ngiting sagot jessa

"How much?" tanong ng lalaki

"Ah, yung bouquet po is 400 assorted na po yan, yung nasa maliit na basket naman po is 600 assorted din," sagot ni Jessa

"Bouquet na lang," sabi ng lalaki at bumunot ng pera sa wallet.

Inabot ni jessa ang bouquet sa lalaki pagkatapos magbayad "thank you sir," sabi ni Jessa

"Ang guwapo ni kuya, ang swerte naman nung girlfriend, may flowers siya," nakangusong sabi ni Jessa.

Napabuga ng hangin si Jessa naalala kase niya yung ex-boyfriend niya bago pumasok sa flower shop basta na lang hindi nagparamdam, walang pasabi na aalis, nalaman na lang niya na pumunta ng america para mag-aral "huwag mo na isipin ang lalaking yun Jessa hindi siya kawalan," sabi ni jessa.

Kinabukasan dumaan ulit ang lalaki para bumili ng bulaklak "hi, sir welcome back, flowers po," nakangiting tanong ni Jessa

"Ah, yung basket na bulakak," sabi ng lalaki. Kinuha ni Jessa ang maliit na basket na bulaklak at iniabot sa lalaki

"600 sir," sabi ni Jessa. Pagkatapos magbayad ay umalis na ang lalaki. Magliligpit sana si jessa ng mga kalat na pinaggupitan na mga bulaklak nang may mapansin siyang wallet kinuha niya at tiningnan

"baka may contact number dito para maisauli na sa may - ari," sabi ni Jessa. May nakita siyang picture

"Wallet pala ito ni sir," tiningnan niya kung may calling card na nakalagay sa wallet.

"Buti na lang mayroon, ang dami kasing pera nito, ang dami ring atm card," sabi ni Jessa. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang lalaki pero ring lang ng ring walang sumasagot

1 month after bago mag-valentines day. Bumalik ang lalaki para bumili ng bulaklak

"Hi, sir welcome back po? May naiwan nga po pala kayong wallet dito, buti na lang bumalik kayo," sabi ni Jessa. Kinuha ni Jessa sa drawer yung wallet at iniabot sa lalaki

"Miss baka nagkakamali ka, kase first time ko lang pumunta dito," sabi ng lalaki. Napakunot naman ang noo ni Jessa

"Nagbibiro ba kayo sir? Hindi kayo nakakatuwa? Diba ikaw si Henry, yan kase yung number na tinatawagan ko at tinetext nung isang buwan para maisauli ko yung wallet niya," paliwanag ni Jessa

"Ah ok, si Henry ay twin brother ko, ako si Harold, nasa america siya ngayon nagpapagaling naaksidente kase siya," sabi ni Harold

"Oh my gash, i'm sorry," sabi ni Jessa

"Its ok, no problem by the way bibili ako ng bulaklak sa para mommy ko, anong maganda? But wait anong bulaklak ang binibili ni henry dito?" tanong ni Harold

"Noong una yung Bouquet, sa mga sumunod na araw yung basket na flower na binili niya," sabi ni Jessa

"Ok, bibilhin ko yung isang bouquet na roses at isang basket na flowers yung assorted," sabi ni henry. Inabot ni Jessa kay Henry ang bouquet ng roses at yung basket

"1000 lahat sir," sabi Jessa. Iniabot ni Henry ang bayad sabay abot din niya kay jessa ng isang bouquet ng flowers

"Binibigay ko sayo yan dahil manliligaw ako," kindat ni Harold. Namula ang pisngi at nanlaki ang mga mata ni jessa

"Wow, grabe naman sir, ang bilis mo ah! Hindi pa tayo masyadong magkakilala manliligaw ka na?" sabi ni Jessa pero sa totoo lang kinikilig siya ang guwapo ng nanliligaw sa kanya

Hinawakan niya ang kamay ni Jessa "Of course, determinado akong tao, babalik ako bukas para ayain kitang lumabas," sabi ni harold

At bumalik nga si harold para ayain siyang lumabas pero hindi siya pwede dahil siya mag-isa sa tindahan baka magalit ang amo niya pag iniwanan niya ang tindahan ang suggestion ni harold ay tulungan na lang siyang magtinda. Dahil sa tulong ni harold naubos ang paninda, gamitan ba naman niya ng charm para bumili ang mga tao most specially mga babae.

"Ngayon pwede na ba tayong lumabas para kumain," sabi ni Harold. Tumango si Jessa

"Dahil naubos ang paninda namen my reward ka sa akin," nakangiting sabi ni Jessa

"Talaga? Ano naman yun?" nakangising tanong ni Harold. Naningkit ang mga mata ni jessa

"Basta," ngiting sabi ni Jessa. Umalis na sila sa tindahan na pagdating na pagdating ng amo niya at ibinigay ang benta.

Araw araw nanliligaw si Harold my dalang pagkain, bumibili ng roses para ibigay sa kanya pati ang amo nabibiyayaan. Iniisip niyang sagutin si Harold sa valentines day ilang araw na lang naman araw na nga mga puso magkakaroon na siya ng boyfriend sa valentines day

Dahil araw na ng mga puso busy silang lahat dahil maraming umoorder ng bulaklak nagdagdag na ng tauhan ang amo niya para lahat ma-accomodate at hindi na niya namalayan na walang sumulpot na harold sa tindahan.

"Ma'am punta lang po ako sa cr," sabi ni Jessa. Pagpasok ni jessa sa cr parang gusto na niyang umiyak, namimiss na niya si harold "pupunta ba talaga siya?" tanong ni Jessa sa sarili niya

Bumalik sa tindahan si Jessa at naga-asisst sa customer "bakit malungkot ang jessa ko?" tanong ni harold pero hindi nagsalita si Jessa. Hindi alam ni Jessa kung boses ba talaga ni harold ang naririnig niya ayaw niyang mag-expect. May kumakalabit sa kanya tiningnan niya kung sino at nagulat siyang si harold yun

"Sabi ko kanina bakit ka malungkot?" tanong ni harold. Bigla na lang umiyak si Jessa at yumakap.

"ngayon naman umiyak ka, ano bang problema mo?" lalo lang umiyak si Jessa

"Miss na kita eh," sabi ni Jessa habang nagpupunas ng luha. "Kala ko hindi ka na pupunta, kala ko kase nagsasawa ka na," hikbi ni Jessa

"Sus, pwede ba naman yun, hindi ko naman gagawin yun, tahan na huwag ka umiyak, pumapangit ang taong umiiyak," natutuwang sabi ni Harold. Hinampas naman siya ni jessa sa balikat

"So? May sagot ka na ba?" natutuwang sabi ni Harold alam na niya ang sagot pero kailangan niyang makasigurado

"Oo na, sinasagot na kita," nahihiyang sabi ni Jessa. Natutuwang niyakap siya Harold at hinalikan sa labi

- The End -

Flashfiction / Dagli / OneshotWhere stories live. Discover now