Jason XXX

34 0 0
                                    

Nararamdaman ko pa din yung kiss niya.

Shit tae nahigh nanaman ako.

'I love you too Jason'

'I love you too Jason'

'I love you too Jason'

Paulit ulit na nagreplay sa isip ko.

Para tuloy akong tanga na nakangiti habang naglalakad pauwi.

Paulit ulit din sa isip ko yung nangyari.

Hinatak niya ako at kiniss niya ako. Then bumitaw siya at tinitigan lang ako sa mata. "Di naman ako tumigil sa pagmamahal sayo ee. Pilit ko lang dinedeny na mahal pa kita. Kasi masyado akong nagpadala sa pride ko." sabi niya habang nakatitig sa mata ko.

Naaakit ako sa mga mata niya. Pero pinigilan ko sarili ko.

Kiniss ko nalang siya sa noo. Pinigilan ko yung luha ko. Feeling ko maiiyak na ako sa tuwa. "Pagaling ka na ha? Kita nalang tayo sa Thursday."

Ngumiti lang siya. Yung ngiting matagal kong ng hindi nakita. Yung ngiti ng dating Bianca. "Sige ingat ka." sabi niya at umalis na ako.

Paguwi na paguwi ko hinanap ko agad yung kapatid kong si Jessie.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at naabutan ko siyang may sinusulat at agad niyang tinago ito nung nakita niya ako.

"Ay kuya nakauwi kana pala? Kumain kana ba?"

"Jessie may tanong ako."

"Ano yun kuya?" Di siya mapakali. Kitang kita na natetense na siya.

"Bakit na kay Bianca yung jacket mo?"

Nanlaki mata niya at di siya makapagsalita.

"At saka lagi kitang nakikita sa building ng high school. Bakit?"

Tahimik pa din siya.

"Last na. Ano toh?" nilabas ko yung note na napulot ko kanina sa bag ni Bianca. Love letter siya. At sulat ng kapatid ko.

"Kasi kuya.. Gusto ko talaga kayo magkabalikan ni ate Bianca ee. Nakikita ko namang gusto mo pa siya, kaya gumawa ako ng paraan."

Napangiti niya ako dun. Nakakatuwa naman tong kapatid ko.

"Lika nga dito." Niyakap ko siya at the same time binatukan ko siya. "Sana sinabi mo sakin para nagpatulong nalang ako sayo"

Natawa lang siya. "Kala ko magagalit ka.."

"Bat naman ako magagalit? Natuwa nga ako ee. Hahaha! Gusto mo na ba siya talaga maging ate?"

"Oo"

"Sige promise ko sayo, siya ang magiging ate mo."

Falling inlove with the Corp Commander *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon