Jason XV

80 3 1
                                    

CAT nanaman.

Pero okay lang nakikita ko si Bianca.

At di kami na Physical Training ngayon.

Thank God. Masakit katawan ko ee.

Nag Obstacle course kami.

Ang unang sumubok is yung mga Corp Staff. Yung pinakamataas ang ranggo.

At dahil si Bianca ang Corp Commander siya ang nag lead sakanila.

Halatang halata sa kanya na 3 taon niya toh ginagawa. Mejo mahirap yung obstacle course. Una gagapang sila sa ilalim ng net. Maputik yung ilalim kaya madudumihan talaga yung fatigue uniform nila at

kung ano ano pa.

Pagtapos ng Corp staff dun sa obstacle course, sobrang dungis na nila lalo na si Bianca. Pero ang ganda padin niya.

Bigla siyang napatingin sakin. Sh*t!

Nahuli ata niya ako na nakatingin sakanya.

"Decatoria report." Nako lagot na ako.

Takbo agad ako para magreport.

Sumaludo ako.

Nagsalute back naman siya.

"Ayusin mo yung uniform mo bago kita bawasan ng merits. Ang lousy tignan." Tae yun lang pala ako ko paparusahan na ako.

"Ma'am, yes ma'am"

Bumalik na ako sa formation.

Platoon na namin ang magtatry sa Obstacle course. Mahirap pala. Sa unang tingin mukang madali, pero talagang malaking effort ang kaylangan. Kinaya nga ni Bianca ee. T*ngina kaya ko din toh!" Tinignan ko siya para pampalakas ng loob at tinuloy ko na ang pag gapang sa ilalim ng net. Masakit sa siko.

After ng marami pang obstacle natapos rin. Sigurado sasakit katawan ko neto kinabukasan. Tinignan ko ulit si Bianca, busy siya sa pag oobserve ng mga kadete at ginegradan nilang mga Corp Staff.

Seryosong seryoso siya. Ibang iba itsura niya. Ang sungit ng itsura niya.

Cute. Parang yung itsura niya pag inis na inis na siya sakin.

Ang cute cute pa naman niya pag naiinis!

After awhile pinafall in na ulit kami at inannounce yung mga grades namin.

Thank god di kulelat Platoon ko.

Yes Achievement na yun para sakin.

So natapos ang training. Nagpalit na ako ng damit kasi ang dumi na ng Fatigue uniform ko. Pauwi na ako ng napansin ko si Bianca na tahimik sa isang sulok. Di ko makita yung ginagawa niya pero naririnig ko yung iyak niya.

This time di na ako natakot na lumapit sakanya. Nilapitan ko siya.

No turning back na toh.

Hinawakan ko siya sa balikat.

"Bianca Okay ka lang?" Nilingon niya ako. Umiiyak siya at nagulat ako sa susunod ng ginawa.

Niyakap niya ako.

"Bakit may problema ba?" Onti onti ko din siyang niyakap.

Kayakap ko siya. Pero natauhan din siya at bumitaw. Halatang nabigla din siya sa nagawa niya.

"Sorry kasi.." Di pa din siya tumigil sa kakaiyak.

Ayoko pa naman sa lahat ay nakikita siyang umiiyak. Nadudurog puso ko.

Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung mga luha niya. Hinawakan ko yung mga pisngi niya at tinitigan siya sa mata niya.

"Wag ka nang umiyak. Nandito lang ako pwede mo sabihin sakin lahat." Eto yung madalas kong sinasabi sakanya kapag malungkot siya nung kami pa.

Falling inlove with the Corp Commander *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon