Jason I

369 4 0
                                    

Araw araw ko siyang nakikita.

Yung babaeng ilang beses ko sinaktan.

Masakit din pala.

Nakikita mo siyang nakangiti ng di na ikaw ang dahilan.

Nakamove on na siguro siya.

Well kasalanan ko naman.

Tama nga siya, mali ako.

Yan na inamin ko na.

"Hoy, Jason tulala ka aa. Kanina ka pa tahimik ha?"

"Pakealam mo ba Noel? Manahimik ka nalang dyan"

"Sus, toh naman di mabiro sama ka ba mamaya?"

"Sama saan?"

"Basketball kami mamaya sa court malapit kela Nico. Ano sasama kaba hindi?"

Ano ba toh. La ako sa mood ee. Sa court kela Nico.. Malapit un sa park ha?

Sa park na meeting place namin ni Bianca. Sa kay dami daming court dun pa.

"Ayoko. Kayo nalang may gagawin pako."

"Sus. Korni mo. Alam ko namang meeting place niyo yun ni.."

"PAKEALAM MO BA?!" Napalakas boses ko. napatingin lahat ng kaklase ko. Buti walang teacher. Napa walk out nalang ako. Ayokong umabot pa sa suntukan.

Paano nalaman ni Noel yun?!

Naalala ko Bestfriend nga pala sila ni Bianca. Di na ako magtataka kung magkagustuhan sila. Mabait si Bianca. Kahit napasungit at napaka pranka. Matalino pa. Simple pa.

Kahit may Gf yun si Noel ramdam kong may feelings na siya dun.

Dapat talaga di ko na siya iniwan pa. Di ko din alam kung bakit ko nagawa yun ee. Nabigla din siguro ako. Halos 3 months na. Miss ko na siya.

Paguwi ko hinanap ko agad ung envelop kung saan ko nilagay lahat ng mga loveletters nia, lahat ng pics namin.

Binasa ko isa isa...

Ang sweet niya. Sayang talaga. Kung di lang ako nagpaakit kay Giselle. Wala din naman akong napala. Naiyak na lang ako. Nakakabawas ng pagkalalaki.

Tama nga ung nabasa ko dati sa Fb. Sa breakup ang palaging nasasaktan ay ung babae. After awhile sasaya na sila kasi nakikita na nila ung brighter side ng breakup.

Pero ang lalake baliktad. Sa umpisa sila magdiriwang kasi malaya na sila. Wala ng bawal, makakapang chix ka na ng walang magagalit. Basketball araw araw. Pero after awhile dun mo na mararamdaman ung emptiness. Yung parang may kulang. Then marerealize mo pag nakita mo ung babaeng sinaktan mo na Siya ung kulang.

At di pa ako nakuntento. Binuksan ko ung Laptop at tinignan ung files ng mga picture namin. May isang pic na favorite ko.

Ung picture namin nung Fieldtrip last year. 2nd year ako 3rd year siya. Although mas matanda ako late kasi ako nakapagaral.

Naalala ko ung pic na yun. Nahiwalay siya ng bus ng mga 3rd year. Tas sa bus namin siya napunta. Natuwa ako syempre. Tumabi ako sakanya tas sabi niya sinadya niya daw talaga un. Tandang tanda ko pa.

Cute niya nun.

Nakasandal lang ako sakanya.

Tas inaagawan ko siya ng baon nia.

Pikon na pikon siya. Cute.

Tas paminsan minsan nakikiss ko siya tas sinasapak niya ako sa braso. Parang bata lang. Ang cute talaga.

Ang tagal kong tinitigan ung picture ng biglang bumukas ung pinto ng kwarto ko pinatay ko agad ung laptop.

"Ikaw ha! Anong pinapanuod mo?!"

Bwiset kapatid ko lang pala. Napaka pilya netong si Jessie. Palibasa bunso at nagiisang babae.

"Kala ko si mama. Wala!" Sabay bukas uli sa laptop.

"Aa si ate Bianca pala tinitignan mo.." Nangaasar pa ung boses.

"Dun ka na nga!"

"Oo na. Manghihiram lang ako ng ballpen naubos na ink nung akin ee."

Kinuha ko ung ballpen sa bag at iniabot sakanya para umalis na. "Eto na. Dun ka na."

"Sige. Tignan mo na ulit si Ate Bianca." Pangasar niyang sinabi sabay umalis na ng kwarto ko.

Nawalan na tuloy ako ng gana. Tinignan ko nalang ulit for the last time ung picture at pinatay na ung Conputer at natulog nalang ako. May CAT pa kami bukas. Magpapagod nanaman kami.

Falling inlove with the Corp Commander *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon