Bianca XIX

58 1 2
                                    

"Pag niligawan ba kita ulit, mapapasagot parin ba kita ng Oo?"

Bumibilis heartbeat ko. Umiinit lalo mga pisngi ko. Nanghihina na buong katawan ko sh*t.

Nilapit niya pa lalo muka niya sakin. 

"Bianca mahal kita. Gusto ko malaman kung mahal mo padin ba ako."

Oo. Kaso di na tulad ng dati.

"Bianca this time seryoso na ako. Kung naging immature ako sa dati nating relationship, ngayon magbabago na ako para sayo."

Bumibilis lalo tibok ng puso ko. Di parin ako kumikibo.

"Magbabago ka na talaga?" Yun nalang ang naisip kong isagot sa mga sinasabi niya.

"Oo. Pangako Bianca."

"Patunayan mo muna sakin." 

Ngumiti siya. Aminin ko na. Mahal ko siya. Di nawala ang pagmamahal ko sakanya. Alam ko sa sarili ko na kahit itaboy ko siya di ko kaya. Ginawa ko na yun noon wala din. Wala ee mahal ko ee. 

Bigla kong naalala kanina si Noel.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa locker ko ng bigla akong niyakap ni Noel habang umiiyak.

"Bianca tulungan mo ako. Di ko na alam gagawin ko kay Leslie." First time ko siya nakita umiyak. Umiiyak din pala si Noel? Naawa ako sakanya.

"Sabi ko naman kasi sayo ee. Tama na kung di ka na masaya iwan mo na, kesa sa nagdurusa ka. Di naman sakanya iikot ang mundo mo ee. Madami pang magmamahal sayo."

"Sige Bianca nasan?!" 

"Ako.." Di ko alam bat ko yun nasabi sakanya. Siguro nadala lang ako ng emosyon ko. Tinitigan lang niya ako at medyo nabuhayan ang itsura niya.

"Talaga?"

"Joke lang."  Binawi ko. Natakot ako. Di ko alam kung bakit pero ang pakiramdam ko hindi tama. Para ko na ding ginaya ang ugali ni Giselle, na eeksena pag magulo ang relasyon ng iba.

Di ko narealize na tulala pala ako.

"Oh bat ka nakatitig sakin? Gwapo ko ba?" 

Dun lang ako natauhan. Namula din ako at nilayo ang tingin ko sakanya.

"Ewan ko sayo."

"Bianca."

Binalik ko yung tingin ko sakanya.

Mas malapit na yung muka niya sakin. One wrong move ko mahahalikan na niya ako.

May part of me na gusto siyang itaboy at may part of me din na gusto siyang ikiss. Wait what!? 

Nakatitig lang siya sa mga mata ko. 

Wala na akong maisip gawin kundi ipikit ang mga mata ko. 

Bahala na si Batman.

Bigla kong naramdaman ang lips niya sa noo ko. 

Umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. 

Dumilat ako at nakita ko siya sa harapan ako. 

Bigla akong nahilo at nablackout na ako.

Falling inlove with the Corp Commander *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon