Jason XVIII

66 3 0
                                    

[Sorry guys matagal akong di nakapag update. :)) Hell week, periodical and UPCAT ee. :D So eto na sorry for the wait.]

.

.

.

Chemistry nanaman.  Ang sarap lang magbigte pag wala kang maintindihan tapos biglang magpapaquiz. Saya.

Teka parang tahimik ata tong si Noel. Himala.

"Pre tahimik ka. May problema ba?"

"Di ko na alam gagawin kay Leslie."

"Bakit nag away kayo? Wag ka magalala magbabati din kayo."

"Hindi yun ee. Mas gugustuhin ko pa nga kung ganun kaso parang wala na ako sa kanya ee. Wala siyang oras para sakin pero sa mga kaibigan niyang lalaki meron? Nakakag*go lang."

"Hayaan mo na yan madami pa namang ibang babae dyan. Iwan mo na kasi yun! Lagi nalang kasi kayong ganyan ee."

"Mahal ko siya. Di ganun kadali yun! Di ako tulad mo noh!"

Sapul. Ayoko na sumagot.

"Ano natahimik ka? Kasi di naman ganun kadali iwan yung mahal mo ee."

Ayoko na magsalita. Di ko alam kung bakit pero umiinit dugo ko. 

Nakakairita sapul na sapul. Ayoko na tatahimik nalang ako.

Lumabas na room si Noel.

Di ko masabi na alam ko ung nararamdam niya, kasi di pa ako nakaranas ng ganung sitwasyon. Actually meron pala kaso ako yung nanakit sa taong mahal ko.

Ganun pala pakiramdam nun ni Bianca.

Ayoko nalang isipin.

Nagring na yung bell, lumabas na ako ng room. Di ko inaasahan yung nakita ko.

Yakap yakap ni Noel si Bianca.

Di ko alam kung ano gagawin ko. Gusto kung pumunta dun at sapakin si Noel, pero ayoko gumawa ng iskandalo. 

Sakit pala makita yung mahal mo na hawak ng iba. 

Ganto din siguro pakiramdam nun ni Bianca nung nakita niya akong kayakap si Giselle.

Napatingin sakin si Noel. At agad bumitaw sa pagkayakap niya kay Bianca. Tumalikod ako at lumayo.

Bumalik nalang ako sa room at natulog nalang ako. Wala na ako sa mood. 

Sabi na ee may pagtingin din si Noel sakanya ee. Matagal ko ng nahahalata siguro sadyang ayaw lang niya masaktan si Leslie kaya nilihim na lang niya.

Pano pag may pagtingin din sa kanya si Bianca?

Kelangan maunahan ko na siya. Nakakabadtrip talaga. Gusto kong suntukin si Noel kanina. Kaso andun si Bianca. Pero alam ko ding wala akong karapatan magalit kasi si Noel yung nandun para kay Bianca nung panahong wala ako, at Noel din ang tumutulong sakin para magkabalikan kami.

Kumukulo padin dugo ko. Pinilit kong kumalma. Pero di ko na talaga napigilan at sinuntok ko yung pader. Solid. Ang sarap na masakit. Di ko na maibuka ang mga kamay ko kayaa pumunta na ako sa clinic.

Wala na akong pakealam sa dinadaanan ko. Wala nadin akong pakealam kung sino mabunggo ko.

Andun na ako sa clinic. Nilagyan ng nurse ng yelo ung kamao ko. Buti mabait yung nurse namin ngayon, kaya nagstay nalang ako sa clinic.

Maya maya may pumasok na istudyante. 

"Mam. Penge po ng Biogesic."

"Bakit?"

Di ko makita kung sino may kurtina kasi.

"Masakit po ulo ko ee."

"Dapat di ka na pumasok nilalagnat ka oh! Dito ka na lang wag ka ba pumasok sa klase."

"Ee mam! Ayoko mamiss yung klase ko sa Trigo may quiz kami dun ee."

"Kausapin ko nalang teacher mo na next week ka nalang mag quiz. Si Mam Monique teacher nio dun diba?"

"Opo."

"Sige mahiga ka muna, sasabihin ko na sakanya."

Hinawi ko yung kurtina para makilala kung sino yun. Pagtingin ko si Bianca.

"Jason?! Bat ka nandito?"

"Ah ee kasi masakit ulo ko ee." Kunwari nilagay ko yung yelo sa may ulo ko.  Ayokong sabihin na sinuntok ko yung pader dahil dun sa nakita ko.

"aaah. Okay."

"Ano musta na? Ano na balita kay ate mo?"

Biglang nalungkot muka niya.

"Ganun pa din. Pero ang sabi daw ng doctor baka next week gumising na siya."

"Yun naman pala ee bat malungkot ka padin?"

"Matutuwa lang ako pag nagising na talaga siya."

There was an awkward silence pagtapos nun. Mga 1min nung nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sakanya tong mga salitang toh.

"Hanggang ngayon wala ka pading reply sa sinabi ko?"

"Anong sinabi mo?"

"Yung 'I love you' "

"Tanong ba yun na kelangan may sagot?"

"Wala man lang bang kahit 'thank you' lang kahit wala ng 'I love you too' "

Namula siya at nanahimik. Di siya sumagot.

Lumapit ako sakanya. 

"Pag niligawan ba kita ulit, mapapasagot parin ba kita ng Oo?"

Falling inlove with the Corp Commander *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon