Noel XXIV

54 2 4
                                    

Nagalala talaga ako kahapon nung tumawag si Bianca at sinabi niyang nasa ospital siya.

Buti na lang medyo mabuti na lagay niya ngayon.

Pero bakit ganito? Bat sumisikip dibdib ko nung nakita ko silang magkayakap ni Jason?

"Hoy lalim ng iniisip ha?" Nakalimutan kong kasama ko pala si Cathy.

Bumaba kami sa canteen ni Cathy at dun kumain ng almusal.

"Hoy Catcat dalian mo, mamaya tatlo na silang dalawa sa taas."

"Wag mo nga akong tawaging Catcat, saka ikaw nga nag suggest na iwan natin sila tapos ngayon nagmamadali ka?"

"Ee kasi ano ee"

"Di naman ganun yung dalawang yun. Baka nagseselos ka lang." Tinignan niya ako sa mata sabay ngumiti. Daig pa si Leslie kung mang hinala ee.

"Oy di ha! May Leslie ako kaya bakit naman ako magseselos?"

"Sus di ka naman masaya kay Leslie." Nagsasalita siya habang kumakain. Takaw neto. Pero cute kahit chubby. "At saka alam mo sa sarili mong nagseselos ka. Ayaw mo lang aminin."

"Di nga ako nagseselos! Saka di kami talo ni Bianca. Alam kong kay Jason siya mas sasaya. Kaya nga tinutulungan ko silang magkabalikan ni Jason ee. Para sumaya siya."

"Manhid mo pala talaga."

"Ano kamo?!" Di ko naintindihan yung sinabi niya.

"Wala! Nga pala alam ba ni Leslie mo na nandito ka?"

Oo nga di ko pala nasabi kay Leslie na pupuntahan ko si Bianca. Di naman siguro magagalit yun.

"Dalian mo na nga lang kumain at balik na tayo sa taas."

Nagseselos ba ako?

Oo alam kong mas masaya ako pag si Bianca kasama ko. Siguro dahil best friend ko siya. Siya lagi nandyan para sakin, pag may problema ako, pag kelangan ko ng tutor, parang kapatid ang turing ko sa kanya.

Ang alam ko lang mahalaga siya sakin.

Teka mahal ko ba siya?

Never yan pumasok sa isip ko. Pero alam kong masaya ako pag nandyan siya. Mas masaya ako pag kasama ko siya.

Parehong pareho kami ni Bianca sa ugali, pareho kami ng mga hilig, pareho kaming martyr pagdating sa pag ibig. Ang naiba lang siguro is matalino siya. Hahaha saklap. Pero di ko namang sinasabing tanga ako.

Sayang nga ee, dati masiyahin toh si Bianca kaso nung nasaktan siya kay Jason, sumungit siya.

Pinipilit niyang hindi na masyadong maattach sa ibang tao.

Kasi natatakot siya na baka iwan lang siya.

Yun yung palagi niyang sinasabi sakin pag tinatanong ko siya kung bat ang sungit na niya.

Namiss ko yung palangiti pa siya.

Her smile was the brightest.

Kaya kelangan magkabalikan sila ni Jason. Para bumalik yung mga ngiting yun.

Pano kung iba na pala ang magpapasaya sakanya? Pano kung di na pala si Jason ang makakapagbalik ng mga ngiting yon?

Di siguro. Wala naman siyang nakukwento sakin. Wala siyang hindi kinekwento sakin.

Pati history ng pamilya nya alam ko! Hahaha.

Saka alam kong si Jason padin ang mahal niya. Kahit pilit niyang ideny yun. Kasi ganun din ako, tulad nga ng sabi ko parehong parehong kami.

Falling inlove with the Corp Commander *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon