Mahina kong siniko ang tagiliran ni Wenchie at mahinang natawa. "Baliw."

Nang marating namin ang canteen. Nahagip ng paningin ko ang mesa nila Kelly. Katabi nito si Sir Jared at sila Annalise. Dumating naman si Janice na dala-dala ang isang tray.

"Doon tayo." Nginuso ni Wenchie ang pwesto kung saan medyo malayo sa mesa ng iba.

"I'll order." Kusang loob ni Adler.

Tumango na lang kami at nagsiupuan. Nagtilian naman ang mga kababaihan nang pumasok sa loob ang tatlong Alas. Nangunguna sina Charles at Eros, huli namang pumasok si Adam na mas lalong nagpatilian sa lahat.

"Hi, Natasha!" Kumaway si Charles sa pwesto ko at mabibilis ang hakbang na lumapit sa akin.

Pinaglayo niya kami ni Wenchie at sumingit sa gitna naming dalawa.  Pinulupot niya ang kanyang braso sa beywang ko.

He's always like this. Sabi niya, I reminded of his younger sister na nasa States. Si Chanel. Naka-video call ko pa nga siya. She's now a famous model. No wonder na kapatid ni Charles.

"Ang lantod mo din, e. Kita mong nag-uusap kami." Tinaasan siya ng kilay ni Wenchie.

Tumawa lang si Charles at pinatong ang kanyang baba sa balikat ko. "Wala akong pake. Alam mo iyon?"

Umirap lang si Wenchie habang si Charles naman ay pinikit ang mata.

"Alam niyo, kung hindi ko lang kayo kaibigan, iisipin ko talagang kayo ang mag-jowa imbes na sila King at Natnat," ani ni Carter.

Binelatan naman siya ni Charles. "Inggit ka lang. Ako ang naging best friend niya, e."

"Malandi ka kasi." Umingos si Carter sa kanya, sakto namang dumating si Adler kasama si Stone.

"Here's your order." Sarkasmong ani ni Adler sabay lapag ng tray na may lamang marami ng pagkain.

"Thank you!" Lumapad ang ngisi ni Carter at mabilis na kinuha ang kanyang ini-order kanina.

Iningusan naman siya ni Adler at umupo sa isang silya katabi ni Axel. Gumalaw naman si Charles sa tabi ko.

"Mukhang paglalamayan na ako mamaya," mahinang sambit nito.

"Bakit?" Nalukot ang mukha ko.

"Look on Kelly and Jared's table." Nginuso nito ang mesa nila Kelly. "Ang talim ng titig ng alaga mo."

Tinignan ko naman ito at mahinang natawa. "Anong titig na sinasabi mo? Busy nga iyan kakakwentuhan kay Kelly, e."

23rd day of December, dumating ang mga Alas at mga Royals at doon namin pinagdiwang ang pasko at bagong taon. Sa mga panahong iyon, si Charles ang laging kasama ko. He already know my secret, at nirerespeto niya rin naman iyon. Naging close kami at nakilala ko rin sila Tita Manilyn at Tito Rafi. Ewan ko kung saan nila napulot ang words na 'Charles' at 'Chanel'.

"Aren't you happy for them?" I asked

Naramdaman ko namang umiling ito. "No."

"Bakit?"

"Dahil ayoko na sa kanya." Umayos ito ng ulo ngunit hindi tinanggal ang braso sa beywang ko, sa halip ay mas nilapit niya pa ako sa kanya. "Iniwan na niya si Jared noon, tapos babalikan niya? Hindi naman siguro laruan si Jared para iwan at balikan. I saw how Jared suffered. At alam kong nakita mo rin iyon."

"Ano namang masama?" Malungkot akong ngumiti. "She's back. At this time, hindi na siya nito iiwanan."

"How can you say so?"

"They're engage." Mahina akong natawa. "Hindi mo ba alam iyon?"

"Alam ko." Huminga ito ng malalim at diniin ang mukha sa leeg ko. "But I don't care. Ayoko na sa kanya. Iniwan niya na si Jared noon. Kung nagawa niya iyon noon, makakaya niya rin itong gawin ngayon."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Where stories live. Discover now