"Oo nga!" Segunda ng isang lalaking bully. Si Edmond. Ang parating nambabato ng nilukot na papel sa pwesto ko.

"Duh!" Umirap si Annalise. "May utak nga, pangit naman. Plano niyo bang ipahiya ang section natin?"

"Mama mo pangit." Tumayo si Ella at tinaasan ng kilay si Annalise. "At least si Natasha, tanggalan lang ng salamin, maganda na. Eh ikaw? Kahit ipalamon na sa iyo ang google ay hindi ka pa rin tatalino, pwe!"

"Boom!" Malakas na tumawa si Richard na sinundan ng lahat.

"So..." sabat ni Janice. "Final na si Natasha?"

"Yes!" Ani ni Ella. "Her full name is Natasha Venice R. Aurin."

Nagsulat si Janice sa isang notebook. After seconds, nagtaas ito ng tingin at ngumiti. "Okay. That's all. Thank you."

Nang lumabas ito, nagsalita naman ang Propesor. "Galingan mo, Aurin. Dala mo ang pangalan ng iyong seksyon."

Nahiya ako sa narinig. Feeling ko kasi ay sinasabi niyang ikakahiya ko ang section namin. Tumango nalang ako at naiilang na ngumiti.

Hour passed at tumunog ang bell, senyales na break time na. Nagpaalam naman ang Propesor at sumunod naman ang mga kaklase ko.

"You don't deserve to join the contest." Hinarang kami ni Annalise.

"Ano bang problema mong babae ka?" Taray dito ni Ella.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Manahimik ka. Hindi porket kapatid ka ni Queen Kelly ay ganyan ka na umasta."

"E ano naman ngayon? Okay na ako dahil kapatid niya, eh ikaw? Kaibigan ka lang niya."

"Duh! Of course. Nakipagkaibagan siya sa akin dahil maganda ako."

"Wala namang utak," nakangising sambit ni Ella.

Hinawakan ko braso nito at mahinang pinisil. "Tara na," I whispered.

Tumango si Ella at kinuyog ako. Ngunit bago pa kami makalayo, namataan ko ang talim ng tingin ni Annalise.

Taas ng dugo niya sa akin ano?

"Sha!"

Napalingon naman ako sa taong tumawag sa pangalan ko. And there goes Wenchie. Naglalakad ito palapit sa pwesto ko. Katabi niya si Axel habang nasa likod ang iilan. Namataan ko naman ang nakangising si Carter habang kumakaway sa pwesto ko.

"Wenchie..." mahinang ani ko.

"Tara sabay na tayo." Nilapitan ako nito at niyakap ng mahigpit. "Na-miss kita! Hindi ka man lang nagpakita sa akin buong bakasyon."

"Hindi ba kayo kakain?" Taray ulit ni Ella. "Nagugutom na ako ah."

Red days yata ng babaeng ito.

Tumawa naman si Wenchie at inakbayan ako habang nagsimulang humakbang papuntang canteen. At habang naglalakad, hindi ko maiwasang pakinggan ang usapan ng iilan.

"Iyan ba ang bagong Reyna ng Royals? Ang ganda niya."

"Bakit katabi niya iyang malandi?"

"Hinaan mo boses mo. Baka marinig ka ni King."

"Bakit? Totoo naman, di ba? Mag-on sila ni Jared, naglandian sila ni Adam sa hallway, tapos sinabi pang boyfriend niya si King. Ang kapal naman ng budhi niya."

Mariin kong kinuyom ang kamay ko. Trying to remain calm. Ano bang problema ng mga babaeng ito sa akin?

"Don't mind them," bulong ni Wenchie. "Kakatayin ko 'yan mamaya."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن