"I'm sorry to tell you but you're not my obligation anymore." Putol ko dito. "Nalalapit na ang pag-alis ko. Sinabihan na rin ako ni Ma'am Sandra na hindi na kita kailangang bantayan pa dahil bumalik na si Kelly."

Parang gusto kong palakpakan ang sarili ko nang matapos ko ang pagsasalita ko nang hindi nautal sa kabila ng sobrang bilis na tibok ng puso ko.

Hindi ito sumagot hanggang sa nakarating na kami sa destinasyon. Nalaman ko ito dahil parehas kami ng lapag na binabaan. Tumingin naman ako sa wrist watch ko. It's already five twenty-three.

"Asan sila Ma'am Sandra?" tanong ko sa kanya.

"Nasa dalampasigan," aniya sa mababang tono.

Nagkasalubong naman ang kilay ko. "Anong ginagawa nila doon?"

"Sunset sailing."

--

Habang naglalakad palapit sa pwesto nila Ma'am Sandra, nakatitig ako sa papalubog na araw.

I've always dreamed a beach wedding. Saying 'I do's' with the man I love while the sun is setting. Pero alam kong hinding-hindi iyan mangyayari. Kadalasan nga sa panahong ito, hindi na nauuso ang kasal. Premarital sex and then proceed into live in. That's reality.

Hindi na uso ang kasal. Weddings are only for those who can afford. Sa mga mahihirap, live in agad.

"There you are, Natasha. Are you okay now?" Tinignan ako ni Ma'am Sandra mula ulo hanggang paa. "You look way more sexier than I thought."

Ngumiti na lang ako. Inaya niya naman akong maupo sa telang nakalatag sa buhangin. May mga pagkain at prutas na nakalatag dito. Umupo ako sa tabi ni Axel at agad naman niyang pinulupot ang kanyang braso sa beywang ko.

"Saan mo nakuha ang damit na iyan?" takang tanong niya.

"Binili ni Ma'am Sandra," mahinang sagot ko.

Lumipas ang isang oras at nag-aya na si Ma'am Sandra at Sir Jace na pumasok pabalik sa hotel. Sumama naman si Kelly at Sir Jared papunta doon habang si Axel ay sinabing magpapaiwan daw dahil may pag-uusapan pa kami.

"Anong pag-uusapan natin?" I asked.

Andirito kami sa gilid ng dagat at ang tanging maririnig lang ay ingay ang alon at ang himig ng hangin.

"I saw everything last night," malungkot nitong ani.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko. "Anong nangyari kagabi?"

His smile faded and stared into the horizon. "Nothing." Huminga ito ng malalim at ngumiti. "But what I saw last night slaps the fact."

"Fact ang alin?"

"The fact that I can't win you back." Tinignan ako nito sa mata. "I saw your eyes twinkling. But it's twinkling for someone else's sky."

"Teka, teka lang ha." I place my hands between our distance, telling him to stop. "Naguguluhan na ako. Pwede bang mag&straight to the point ka?"

"Tanggap ko na." Mariin itong pumikit at muling dumilat. "Tanggap ko nang hindi ka na ulit magiging akin. You already love someone else. At sino ba naman ako para pigilan ka, 'di ba?"

"Axel..."

"I realized that why would I meddle your relationship? You love him. And I can't do anything about it. It may hurt me big time, but it doesn't matter now." Pagak itong tumawa. "I'm thankful that I met you. You colored my colorless world. Masakit para sa part ko ang palayain ka, pero alam kong doon ka sasaya. I can't fight anymore. I'm not a hero. Hindi ako mandirigma para ipaglaban ka, lalo na kung sa simula pa lang, alam kong talo na."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon