Chapter Eleven

3.5K 64 12
                                    


Anry's POV


"Saan mo gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Darryl habang inaalis sa pagkapark ang kotse. Nasa loob na kami nito at lalakad na para sa 'date' na sinasabi niya.

"Ah... Eh.." Sa totoo lang, gusto ko na talagang umuwi. May baby boy pa kasing naghihintay sa akin. Siguradong tsokolate na naman ang kinakain nun tapos dadaing na naman sa akin na masakit daw ang ngipin niya. "Gusto ko na sanang umuwi." Hindi ako nakatingin sakanya. Nahihiya ako e.

Napabuntong hininga naman siya, "Pero, what about our date?"

Napayuko ako saka pinaglaruan ang mga daliri ko. "M-may naghihintay kasi sa akin sa bahay."

"Sino? Are you married? 'Yung bata last time, is that your son?" Sunod sunod niyang tanong.

Sasabihin ko ba sakanya ang weird na situation namin ngayon? Na nasa mission ako at future baby ko lang yung batang tinutukoy niya? Na kailangan kong mahanap ang future husband ko para lang mabuo ang batang 'yon?

I sighed, "No. I'm not married. And he's not my son. K-kapatid ko siya." pagsisinungaling ko. E alam ko namang mawiwirduhan siya sa akin at hindi ako paniniwalaan, so why tell him pa diba?

Napatango-tango siya, "Ahh. I see. Edi, doon nalang tayo sainyo magdate." pagdedeklara niya habang nakangiti na naman.

Kagad akong napatingin sakanya sa gulat, "Ano?! Sa amin? Nako! Hindi pwede." Kumaway kaway ako sa hangin, nagpapahiwatig na hindi pwede talaga.

Sa amin? E nakitang andoon nga si baby boy. And the last time I checked, ayaw sakanya 'nong bata. Tapos 'yung apartment ko naman, maliit lang. E kung titignan ko namang 'tong lalaking 'to parang hindi siya sanay sa mga ganoong lugar.

"Pero bakit?" Bigla siyang nalungkot tapos medyo nagpout ng onti.

Ang cute-- este, paano ba 'to?

"A-ano kasi. Maliit lang yung apartment---"

"I don't care. That's fine with me."

"Si baby boy---"

"Just leave it to me." Nagumiti siya at nagsimula na niyang matakbuhin ang kotse papunta sa apartment namin.


***


"May bibilin kaba dito?" Huminto pa kasi kami sa isang convenient store.

"Wait here." Dali dali siyang bumaba, after minutes, lumabas siya dito at may dala dalang dalawang supot.


"Ano yan?" tanong ko sakanya pagkasakay niya sa kotse at nilagay ang binili sa backseat.

"Ice cream and snacks." Nginitian niya ko at ginulo muli ang buhok ko.

'Yung totoo nga, mukha ba kong aso?

***

"I'm home, baby boy!" Sinalubong naman ako ng bata ng isang mahigpit na yakap.

"How was your day, mommy?"

"Nakakapagod, baby."

"Mommy?" Nagitla ako ng may boses na nanggaling sa likod ko. Oo nga pala, si Darryl nandito. Kasama ko, at may date raw kami.

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon