Chapter Thirty Five

1.3K 48 11
                                    

Hi! Mag-comment naman kayo, plith! <3 ---MKB

 

_______________________________ 

 

Kanina pa ko paikot-ikot sa ibabaw ng kama, hindi ako makatulog! Paano ba ako makakatulog kung hindi maalis-alis sa isip ko 'yung nangyari kanina? Saka paano rin ba ako makakatulog kung tanghaling tapat palang?! Napasabunot ako sa sarili ko, ano ba naman kasi 'yung tinanong ko sakanya kanina? 

 

"What does it feel to be kissed by you?" Sinubsob ko ang mukha ko sa unan na pinapatungan ko. Nasisiraan na talaga ako ng ulo! So kung titignan ako ang nag initiate kung bakit nangyari 'yon kanina?! Inuntog untog ko pa ang ulo ko sa unan. Baka sakaling maalog at maintindihan ko kung bakit ko ginawa 'yon. 

 

Napatigil ako saka ko inangat muli ang ulo ko. "Tama!" Si Yosef, ay hindi! 'Yung lips niya ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Kung hindi ako non tinukso, malamang wala namang nangyari. At hindi ako nagkakaganito! 

 

"Pero bat ka naman kasi nagpadala sa tukso mo, Anry?" Sinubsob ko ulit ang mukha ko sa unan saka ko paulit ulit na sinabing, "Hindi ko alam!"

 

Paano ako makakaharap sakanya? Anong sasabihin ko sakanya? Nasa iisang bahay kami, malamang hindi namin maiiwasan ang isa't isa. 

 

Napahinto ako. Biglang nagflash back lahat ng nangyari kanina, 'yung moment na sobrang lapit sa akin si Yosef, ang paghagod niya sa beywang ko, ang mainit na halik na pinagsaluhan namin. At higit sa lahat, muntik na kong mamatay sa pagka-ubos ng hangin dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong tumugon sa mga halik niya. 

 

Yosef is a really good kisser, although siya palang ang nahalikan ko sa talambuhay ko. Para kasing ganoon 'yung mga napapanood ko sa mga romantic movies. 

 

Nanlaki ang mga mata ko saka biglang uminit ang magkabilang pisngi ko, naisip ko 'yung nangyari kanina at ang kinahahantungan ng mga ganoong eksena sa movies.

 

Ibig sabihin kung hindi ako tumigil, malamang may n-na-nangyari na s-sa a-amin? 

 

Binaon ko sa ang mukha ko sa unan saka sumigaw, "Hindeeee!" Hindi talaga! Hindi pa ko ready! Hindi ko kayang ibigay sakanya ang pinagka ingat-ingatan kong virginity! Ibinigay ko na nga sakanya ang first kiss ko (na nakareserve sana sa mapapangasawa at pinakamamahal ko) pati ba naman virginity ko?! No way!

 

 "Pero paano mabubuo si baby boy, Anry?" Tanong ko sa sarili ko. Kung totoo man ang sinasabi ni baby boy, paano nga ba siya mabubuo kung walang mangyayari sa amin ni Yosef? 

 

Humiga ako sa kama pero nakalawit ang ulo ko sa edge nito. Ayoko ng isipin----

 

"Ano 'yun?!" Napa-upo ako sa kama ng may marinig akong malakas na kalampag sa baba. Malakas ang ulan pero rinig na rinig ko 'yun! Mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Dali dali akong bumaba, walang tao sa sala kaya pumunta ako sa kusina. 

 

"Aw." Nakita ko si Yosef na nakasandal sa sink habang hawak hawak niya ang ulo niya. Kaagad naman akong lumapit sakanya at hinawakan siya sa braso. "A-anong nangyari?" 

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon