Chapter Thirty One

1.6K 46 5
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Anry kay Yosef na busy naman sa pagda-drive. Twenty minutes na rin silang nasa loob ng sasakyan pero ni hindi niya alam kung saan ba siya dadalin nito. 

"Basta." Sagot naman sakanya nito ng hindi siya nililingon. Napanguso na lamang siya at napatingin sa bintana. Natatakot kasi siya na magtanong pa, baka kasi maging iba na naman ang Yosef na katabi niya. 

Pagkatapos pa ng ilang minuto, huminto na ang kotse. Nanlaki ang mga mata ni Anry ng mapansin niya kung saan huminto si Yosef. Sa tapat ng isang fine dining na restaurant. Mabilis niyang tinignan ang suot niya, naka uniporme pa siya at nakakahiya kung papasok siya doon. 

Nilingon niya si Yosef na halatang nagtataka kung bakit hindi pa siya bumababa. "Ipagbubukas pa ba kita ng pinto?" 

Inirapan niya ito, "Bat nandito tayo? Tignan mo nga ang suot---" 

"Wala silang pakialam." Biglang itong bumaba ng kotse at nagulat nalang siya ng magbukas ang pinto ng passenger seat kung nasaan siya. "Baba."

Umiling siya, "Sira ka ba? Bigla ka nalang pupunta sa pinagta-trabahuhan ko----" 

"Ang dami namang satsat, bababa lang." Kaagad na kinuha ni Yosef ang kamay niya saka hinila palabas ng kotse. Nakita naman niyang inalalayan pa ng isang kamay ni Yosef ang ulo niya para hindi siya mauntog. With that nakaramdam ng kilig si Anry, feeling niya prinsesa siyang mamamatay kapag nauntog. 

"Nakangiti ka jan?" Sita sakanya ni Yosef sabay bitaw sa kamay niya. "Gentleman ka pala 'no?" Binalingan niya si Yosef, sinara nito ang pintuan saka siya hinarap. "Iniingatan ko lang ang kotse ko, baka magasgasan." Nagsimula na itong maglakad dahilan para maiwan siya sa kinatatayuan niya. 

"Iniingatan ko lang ang kotse ko, baka magasgasan." Ginaya niya ang sinabi sakanya ni Yosef, nagsisimula na naman siyang mainis dito. Parang kanina lang pakiramdam niya, nagmamakaawa itong sumama siya tapos ngayon ay sinusungitan na naman siya nito.

"Are you mocking me?" Nagulat naman siya kaya napatingin siya kay Yosef, nasa entrance na pala ito ng resto. Mabilis naman siyang naglakad papalapit kay Yosef.

"Of course not."  Napatikom siya ng bibig at napayuko dahil sa titig ni Yosef sakanya. Nakaramdam siya ng pagka-ilang. "B-bat ka nakatingin?" 

Nilahad ni Yosef ang kamay niya sa harap ni Anry, "Akin na 'yang kamay mo." 

Nanlaki naman ang mga mata ni Anry sa pagkakabigla, "B-bakit?" Kaagad naman niyang pinunas ang palad niya sa damit niya dahil sa pasmado siya, mabilis magpawis ang mga palad niya. 

"Amin na!" Sa gulat niya ay mabilis niyang ipinatong ang kamay niya sa kamay nito. "B-ba-bakit ba kasi?" Nahihiyang tanong niya. Minsan talaga hindi niya mabasa kung anong tumatakbo sa utak ni Yosef. Pakiramdam niya, mababaliw na siya sa pag-intindi rito. 

"I know you're clumsy, baka makabasag kapa sa loob. Tss. And I will never let your bad luck strikes again, Anry." Napakunot siya ng noo dahil hindi naman niya narinig ang mga huling salitang sinabi ni Yosef dahil pumasok na sila sa loob, may classical music pa na tumutugtog kasabay ng mga taong nagke-kwentuhan.

Sinalubong naman sila ng babaeng staff sa resto. "Do you have a reservation, sir?" Nakangiting tanong nito kay Yosef. Napa-iling naman si Anry. "Kung makapagpa-cute naman si Ate." Bulong niya sa sarili. 

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon