Chapter Five

3.6K 61 10
                                    


Anry's POV


Panuto: Kapag umilaw ang kwintas na ito, nangangahulugan lamang na malapit ang gumagamit sa kanyang soon-to-be-daddy. Automatic na kapag umilaw na ito, lahat ng lalaking nasa lugar malapit sa gumagamit ay hindi siya makikita. At ang tanging lalaking makakakita lamang sakanya ay ang tunay na soon-to-be-daddy niya.

Parehas kaming parang nangningning ang mga mata matapos kong basahin ng malakas ang nakalagay sa kwintas. Halos umabot hanggang kisame ng apartment ang mga ngiti namin. 


Yes! So hindi si kuyang kulot na nasa C.R!


"Ba't hindi mo sinabing may ganito pala?" tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya, "I did not know, mommy."

Nagtawanan kaming dalawa. "It will be easier for us to find daddy! Yey!" Tumango lang ako siya naman nag-umpisang magtatalon sa kama dahil sa sobrang saya. Nakakatuwa lang tignan si baby boy, sobrang cute! Nakakagigil! Sobrang gwapo! 

Masaya ako dahil nga mapapadali na rin 'tong misyon na 'to, pero mas masaya ako kasi nakikita ko kung gaano kasaya ang anghel na 'to.



*


Sa loob ng simbahan

"Umiilaw na ba?" Umiling lang siya.

*

Sakayan ng bus

"Umilaw na?"

"No signs."

*

Sa Jollibee

"Wala parin?"

Umiling sya.

I sighed, "Okay, let's go."

Pinigilan nya ko, "Wait, mommy!"

Lumingon ako sakanya, "Umilaw na?!"

Sa wakas!

"No. I want Jolly spaghetti and Chicken Joy, mommy!"

Bakit ba kami nagawi dito? Tsaka bakit niya alam ang Jolly spaghetti and chicken Joy?

*

Nandito kami ngayon sa isang bookstore. Nawala raw pagod niya kasi nakakain siya ng Jollibee. Tinanong ko rin kung bakit alam niya ang terms ng food, ang sagot niya sa commercials daw. 

Matalino, mana sa akin!

"Umilaw na?"

"Nope." habang umiiling.

*

9:55 p.m.

Naglalakad na kami pauwi. Ilang lugar na rin kasi ang napuntahan namin pero hindi naman umilaw ang kwintas niya. Sabi ko nga sakanya, baka pundido na 'yung necklace. Pero pinagmamalaki niya na made in heaven daw ito, kaya imposibleng mapundi.

"Mommy, what is that place?" Tinuturo niya yung bar. 

Nilingon ko ang tinuturo niya. "Bar." Natawag siguro ng pansin niya kasi maraming ilaw at maingay. Karga-karga ko siya ngayon, masakit na raw kasi ang mga paa niya at pagod na raw siya.

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Where stories live. Discover now