Chapter three

4K 63 6
                                    


"Naliligaw ka ba, bata? Nasaan parents mo?
" Nakakunot na ang noo ko.

Hello? Talamak na ang mga modus ngayon. Hindi porket cute 'tong bata na 'to, papatulan at papapasukin ko na sa bahay ko.

"Ako ang future baby mo! And I need you to find my daddy, which also means the person who is destined to be your husband." Nakakunot din ang noo niya, seryoso pa siya sa mga sinasabi niya. Ang galing din mang modus nitong batang 'to.

"Li-Liz?"

"Oh?" Naramdaman ko nalang si Liz na nasa tabi ko na. "Ahh!! Why so cute?" lumapit siya sa batang anak ng modus. Yumuko pa siya para magkasing-level sila ng bata. Pinisil-pisil pa ang magkabilang pisngi. "Liz, pumasok ka nga dito, modus 'yang batang----"

"Don't touch me! Mommy! Mommy!" Pinalo niya ang kamay ni Liz at tumakbo papalapit sa akin, hinila hila ang kanang kamay ko. "We need to go and find daddy!"

Nanlaki ang mga mata ni Liz, "ANONG---?! MOMMY?! ANRY?! ANO 'TO?!"

"Hindi k-ko alam." Kibit balikat at umiling akong pumasok muli sa loob.

"What?! Anong di mo alam?" Sinundan ako ni Liz sa loob, bale kaming tatlo nasa loob na ng apartment ko. "E ini-insist ng batang 'to na mommy ka n'ya. May tinatago ka ba sa akin? Akala ko ba we're solid bestfriends? How come na you didn't tell me about this?"

Bumitaw ako sa batang ume-epal na anak ko raw, isinubo ko ang pandesal sa bibig ko tsaka umupo ulit at kumain. "Ano ka ba, Liz? You know me well. Alam mong wala akong tinatago sa'yo. Kahit nga kulay ng singit ko alam mo."

Lumingon ako sa bata, "Hindi ko kilala 'yang bata na 'yan. Promise! I swear!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

"E sino 'yan? Ano ba 'to?" Lumingon lingon si Liz sa labas ng apartment na parang may hinahanap. "Trip ba 'to? May hidden camera? Nasa Just for Laugh ba tayo? O my, asan si Joey De Leon para sabihin na nasa Wow! Mali! tayo?"

Napakibit balikat nalang ulit ako, "Baka nga, hanapin mo muna Liz, kakain lang ulit ako." Alam mo 'yung kakakain na ako pero pinigilan pa ko ng batang modus na 'to? Hinila-hila niya ang sleeves ng damit ko.

"Mommy." Ngumunguso ang bata. Sobrang cute niya sa totoo lang! Ang ganda ganda ng kutis parang pinaglihi sa siopao na kamatis flavor!

"Bata, pasensya kana ha? A-ano kasi. Hindi ako 'yung mommy mo. Look oh, I'm not wearing any wedding ring." Iniharap ko ang kamay ko sakanya. "Meaning, I am not yet married and I don't believe in settling down. Tsaka, tignan mo ko, ito ba ang gusto mong maging mommy, pangit ako, mahirap at walang kaayos-ayos. ---"

"Pero, you will be my mom soon. You just have to believe me! Please?!" Maniwala? E kung makapagsalita nga 'tong batang 'to parang ang tanda na! Hindi na kapanipaniwala dahil sa itsura n'ya, ipagdukdukan pa kaya n'ya na anak ko siya? Juskoday! Parang matandang nagkatawang bata lang.

"Okay, sige." Lumuhod ako sa harap nya para magka-level kami.

"Paano kita naging anak?"

Pinagdikit-dikit niya ang hintuturo niya habang tinitignan ang mga ito. "I'm an angel and destined to be your son, mommy. Inggit ako sa mga katulad kong angels, their parents already met and happily married. That's why, finally, they were born and they are now here on earth, after some years, they can do whatever they want to do. Play whenever they want to play, but me, I am always waiting, I am always inggit." Tinignan niya ako. "I want to live here and play, but it is taking so long, so in order for that to happen, I asked our angelsitter if she could send me here and help you to find my daddy. Even though may risk." Biglang siyang nalungkot dahil bumagsak ang cute cheeks niya.

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Where stories live. Discover now