Chapter Thirty two

1.4K 45 3
                                    

 Rewind sa last chapter:

Hindi natuloy ang binalak ni Yosef na magkaroon sila ng isang dinner date sa isang restaurant ni Anry, kaya naman naisip nalang niya na kidnapp-in (Hehehe! Di naman kidnapped, dinala lang siguro ng walang paalam) ito sa rest house niya sa Tagaytay.

__________________________________________

"Anry." Napamulat ako nang naramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Bumungad sa akin si Yosef, nakatulog pala ako. Kinusot ko ang mga mata ko saka umayos ng upo. Napatigil ako, "Teka, asan ang salamin ko?" tanong ko sakanya.

Nagtanggal siya ng seatbelt, "Nahulog kanina dahil nakatulog kana." Iniabot niya sa akin, agad ko naman itong kinuha at sinuot. "S-salamat." Hindi ko alam kung narinig niya ba ako kasi bumaba na pala siya ng kotse.

Napabuntong hininga ako, dalawang araw nalang pala birthday ko na. Dapat pupunta kami sa isang amusement park ni babyboy, nangako pa naman ako sakanya. Ay! Di ko pa pala naiisip 'yung wish ko na iga-grant niya. 

Nagulat ako ng may biglang kumatok sa bintana sa side ko, kaagad akong bumaba. "Akala ko wala ka ng balak bumaba e." Umiling siya saka ako tinalikuran at naglakad papasok sa.. "Woowwww!" Ang ganda! Ang ganda ng bahay! Color white siya tapos dalawang floor, may balcony pa sa taas! Akala ko sa mga movies lang ako makakakita ng ganitong kaganda at ka-peaceful na bahay pero eto na! Nasa harapan ko na! 

"Bahay mo 'to?!" Di makapaniwalang tanong ko kay Yosef, hinabol ko na rin siya sa loob. Lalong nang laki ang mga mata ko pagkapasok. Ang linis! Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay! Well, nakapunta na pala ako sa bahay niya dati, maganda 'yon. Pero mas maganda 'to! Kahit medyo di kalakihan, ang ganda! Alam kong paulit ulit ako, pero ang ganda kasi talaga! Alam niyo namang hindi ako anak mayaman, mag isa nalang ako sa buhay at umuupa lang ako sa maliit na apartment. 

"Ang ganda." Bulong ko, tumingala ako at nakita ko ang second floor, nandoon ang mga kwarto. Napahawak ako sa likod ko, naramdaman ko ang sakit nito, nangalay siguro sa byahe kanina. Gusto ko ng mahiga!

"Yo---"

"Hindi mo naman siguro gustong magpahinga na? Di ka naman nangalay sa pagda-drive katulad ko, hindi ba?" Nakahawak sa batok habang nagne-neck stretching si Yosef. Napayuko ako saka napa-iling. "Hi-hindi. Okay lang ako."

I heard him sigh, "That's good." Umalis siya, sinundan ko siya ng tingin. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. "Kung gusto mo ng tubig, kumuha ka nalang dito sa ref." Napabuga ako ng hangin, akala ko aalukin manlang niya ako ng tubig. Pero ano pa nga bang aasahan ko kay Yosef? Ito na naman 'yung halimaw na side niya. 

"Do you cook?" Naglakad si Yosef balik sa harap ko, hawak parin niya ang basong pinag-inuman niya. 

"Uhh. Oo." Pinaglalaruan ko parin ang mga daliri ko. 

Tumango tango si Yosef saka huminto sa paglalakad. "Great. Will you cook my dinner for me?" 

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Where stories live. Discover now