Chapter 51 "Sweet Talks"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tingin ko, oo." Si Mirco ang sumagot sa 'kin. "May ideya na ako."

Tumango ulit ako at sinabit ang isang strap ng backpack sa kanang balikat ko.

"Good. May susunduin pa tayo."

Saka ako dire-diretsong lumabas ng pinto.

*****

"Why are we doing this again?" tanong ko bago ako bumunot sa mga nakatuping papel sa kamay ni Louie.

"Ikaw ang nag-suggest na sunduin s'ya. Walang nagbo-volunteer sa 'tin na kausapin s'ya kaya kailangan natin 'to," sagot ni Louie.

Binuksan ko 'yong nabunot ko sabay buntong-hininga.

Malas.

"Sinong nakabunot ng 'Goodluck'?" curious pang tanong ni Matt.

Hindi na ako nagsalita. Bumaba na lang ako ng sasakyan at nagdire-diretso sa gate nila Ken. Narinig ko pang nagtawanan sila ng malakas sa loob ng sasakyan habang sinasabing destined akong gawin 'to. Chill lang, Sai. Kailangan mo lang i-sweet talk si candy boy.

Pagkalapit ko sa gate, may malaking aso agad na tumahol. Ang talas ng tingin no'ng aso sa 'kin. Tinitigan ko lang s'ya ng walang kabuhay-buhay. Ilang segundo lang, tumahimik na s'ya.

"Ginaya n'ya rin ginawa ni Liryu kay Browny," bulong ni Louie kay Mirco na nasa gilid ko. Hindi ko na lang sila pinansin saka ako nag-doorbell. Ilang minuto kaming naghintay bago lumabas ng natataranta si Nicka mula sa front door nila Ken. Napakurap ako.

Are they.. already living together? No way..

"S-sandali lang. Wait lang," sabi ni Nicka. Nagmamadali s'yang lumapit sa gate at binuksan 'yon. Halata sa mukha n'ya na parang wala s'yang tulog.

"Sorry kung ngayon ko lang-" Napahinto s'ya sa pagsasalita nang mag-angat s'ya ng tingin sa 'min. Napatakip pa s'ya sa bibig n'ya sa sobrang gulat. "Sai..?"

Ngumiti ako ng tipid. "Hi, Nicka."

Nakita kong parang maluha-luha s'ya bago n'ya ako sinunggaban ng yakap.

"Sai! Bakit ngayon ka lang?! Hindi mo sinasagot mga tawag ko!"

At tuluyan na s'yang umiyak. Halos masakal na nga ako sa tindi ng yakap n'ya sa 'kin.

Napahawak ako sa braso n'ya. "N-nicka," sabi ko pero mukhang hindi n'ya ako narinig.

Tuloy pa rin s'ya sa pag-iyak ng malakas at pagsesermon sa 'kin. Bakit daw mukhang pumayat ako? Bakit daw hindi ako nagpakita sa kan'ya ng halos isang buwan? Baka daw nakahanap na ako ng ibang best friend na mas lampa sa kan'ya kaya gano'n. Malinaw ang usapan. Hindi sa 'kin nanggaling 'yong salitang 'lampa'.

Pagkatapos ng ilang minuto, bigla s'yang tumigil.

My, my. Mukhang alam ko na kung bakit.

"Oh.. my.. ghad.." mabagal na sabi n'ya bago bumitaw sa 'kin.

Nakahinga ako ng maluwag. Okay, brother. Your turn.

"Oh my ghaaad! Shunrei Almante? Shunrei Almante, ikaw ba 'yan?"

Nilingon ko si Shun. Nakita ko 'yong paghakbang n'ya ng ilang beses paatras bago lumingon-lingon sa paligid. Tinuro n'ya pa 'yong sarili n'ya bago nagtanong ng, "Ako?"

May iba pa bang Shunrei Almante dito bukod sa kan'ya?

"Shunrei!"

Biglang tumakbo si Nicka at sinunggaban ng yakap si Shun na parang wala s'yang boyfriend. Gusto kong matawa sa itsura ni Shun na mukhang gusto nang tumakbo pero hindi muna ngayon. May iba kaming dapat gawin dito.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon