18. Complications

29K 625 9
                                    

ALL'S WELL that ends well.

Sa kaso nila Duke at Misha, sa una pa lamang ay hindi na maayos ang lahat. Alam nila na at risk ang pagbubuntis ng asawa dahil sa history ng pamilya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi pa rin iyon natatapos ang hirap ng pagbubuntis ng asawa. Mas lalo pa na naging at risk ang pagbubuntis nito.

"Kailangan nating isailalim sa cerclage procedure si Misha, Duke," wika ng Doctor ni Misha na si Betty. Kilala niya ito dahil kaibigan ito ni Misha.

"A-anong cerclage procedure? Ano bang nangyari sa kanya?"

"She had an incompetent cervix. Iyon ang dahilan ng bleeding. Bumibigat ang bata at nagkakaroon iyon ng pressure sa cervix niya. It causes the cervix to start to open before the baby is ready to be born.

"Nasabi sa akin ni Misha na may lahi sila na namamatay sa panganganak. Wala naman siyang ibang sakit para makaapekto kagaya ng sakit sa puso o diabetes. Kaya noong una ay hindi ko iyon gustong paniwalaan. Wala namang study na namamana iyon. As a Doctor, I don't believe in such curses. I only believe in cases with scientific explanation. Pero naintindihan ko na rin naman ang kaso.

"Misha had uterine abnormalities. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagkaroon siya ng weakened cervix. Ito talaga ang problema at hindi ang sinasabi niya, sa tingin ko. Siguro ay may severe morning sickness pa rin siya hanggang ngayon. Hirap siyang magbuntis. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na siya makakapag-deliver ng normal. Her pregnancy is at risk but with the right care, I believe everything is going to be all right."

Naiintindihan ni Duke. Sana nga ay magdilang-anghel ang Doktor at maging maayos ang lahat hanggang huli. "Pero ang nangyari ngayon---"

"We can still repair the damage. Nasa second trimester pa lamang siya. We don't want to deliver it as a pre-term. Mas makakabuti sa bata kung aabot siya sa full-term. We need to conduct the cerclage procedure. In short, tatahiin ang cervix niya. It would be okay but the risk would be much higher on her pregnancy. Kailangang bed rest na talaga siya."

Naging matagumpay ang procedure. Ngayon ay nasa kuwarto na si Misha at oobserbahan sa mga susunod na araw. Lahat ay umaasa na magiging maayos rin ang lahat.

Ganoon pa man, nagi-guilty pa rin si Duke. Hindi naman niya kasalanan ang lahat. Gaano man siya mainis na baka ang dahilan ay ang pagiging matigas ng ulo ni Misha, hindi naman iyon ang problema. Hindi stress ang problema. Nasa loob iyon ni Misha. Pero mas iyon ang ikinatakot ni Duke. Kung stress ang problema, madali lang iyon na remedyuhan. Kung kailangan na buhatin niya palagi si Misha kapag may gusto itong gawin na magpapahirap rito, gagawin niya. Gagawin ni Duke ang lahat maging maayos lang ang asawa.

Kinausap si Duke ng ama ni Misha nang may bumisitang kaibigan ang asawa. Iniwan nila si Misha para magkaroon ito ng solo na oras kasama ang kaibigan.

"Ganito ang naging sitwasyon ni Shanna noon." Napabuntong-hininga na kuwento ng ama ni Misha.

Namutla si Duke. "'Wag naman pong---"

"Natatakot ako, Duke. Nag-iisang anak ko si Misha. Ayokong mangyari ito sa kanya."

"Isipin na lang po natin na nangyayari ang ganitong kaso. Hindi talaga ito sumpa. Normal ang lahat. And history, it doesn't always repeat itself."

Nahihirapan ang loob ni Duke. Ayaw niyang mawala si Misha. Ito ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Ito ang lahat sa kanya. Kapag may nangyari na masama rito, parang inalisan na rin siya ng buhay.

Pero alam ni Duke na kailangan niyang mag-relax. Kumalma. Kailangan na intindihin niya ang sitwasyon. Importante sa kanya si Misha pero natutunan na rn niyang bigyang halaga ang magiging anak nila. Maraming pagkakataon na naaliw siya kapag hinahawakan at pinapakiramdaman ang tiyan ni Misha. Mas nanaig na ngayon ang pananabik kaysa sa takot. Inalo ni Duke si Mr. Cabiscuelas. Pareho sila ng nararamdaman.

The signs are really coming. Gaano man sabihin ng Doctor na nangyayari talaga iyon, naiisip rin nila ang mga dating nangyayari. Pero sa sitwasyon ngayon, ang tanging kailangan na gawin ay ang magdasal. Hindi siya paladasal na tao. Pero ngayon ay araw-araw na gawain niya na iyon dala ng takot. Nagpapasalamat siya sa araw-araw na nakakasama niya pa si Misha. Humihingi rin siya na bigyan pa ng lakas ng loob para hindi sumuko.

Pinauwi ni Duke ang ama ni Misha. Nahihirapan ito na makita ang lagay ng anak. Hindi rin makakabuti kay Misha na makita na ganoon ang pinagdaraanan ng ama.

Nang pumasok muli si Duke sa kuwarto ay nakaaalis na ang kaibigan ni Misha. Sila na lang dalawa sa kuwarto.

"You look exhausted. Magpahinga ka na," masuyong wika ni Duke sa asawa.

Alas siyete y medya na ng gabi. Hinawakan ni Misha ang kamay niya. Pumikit ito na para bang ninanamnam ang bawat sandali na magkasama sila. May malamig na kamay na humawak sa puso ni Duke. Gusto rin niyang mapapikit para pigilan ang luhang nagbabadya sa mata niya.

"Misha..."

"I just want to hold you, Babe."

Sinubukang yakapin ni Misha ang asawa. She held onto him. Umupo si Duke sa hospital bed nito. Inilagay nito ang ulo sa dibdib sa kanyang dibdib. He held it and bring it closer.

"I love you so much, Duke. I'm surely gonna miss this moment."

"Sssh... Don't say things like this. You're breaking me."

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan. I'm just so scared."

"I'm here. I will always be here. Hindi kita pababayaan. Everything's going to be all right."

Humihikbing niyakap si Misha ng asawa. Lalong nanikip ang dibdib ni Duke. "Thank you for everything. Thank you for not giving up on me."

"Asawa mo ako. It's my duty to do that. We promised to be together in sickness and in health, right?"

Inangat ni Misha ang ulo. "Pero may panahon na muntik mo ng hindi matupad iyon."

"May takot ako noon."

Bahagyang kumunot ang noo ni Misha. Hindi ito nagsalita pero halata sa ekspresyon ng mukha na nag-aantay ito ng kasunod niyang sasabihin.

"I have a lot of fear. Patawad. Itinago ko iyon sa 'yo. I didn't trust you enough..."

Titig na titig si Misha kay Duke. "How about now? Are you ready to trust me enough?"

Sinalubong ni Duke ang mata ni Misha. May pag-aalinlangan pa rin siya. They are having a hard time now. Would it help the situation if he will add another hard time in his life?

Pero kung nahihirapan si Misha, may hirap rin sa loob ni Duke. Siguro ay makakapagpagaan rin sa loob ni Misha ang dahilan kung bakit niya iniwan ito sa mga nakaraang buwan...

Sa unang beses sa buhay ni Duke, ipinagtapat niya ang nakaraang kinatatakutan.

The Pregnant Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon