"Where do you live?" tanong ni Maryan.

"Sa may sqautter's area. Sa may ilalim ng tulay."

"Same pala kayo ni KC. Doon siya lumaki. Buti naman at mabait ka, di tulad ng ibang gaya mo. Mga walang disiplina at kulang-kulang sa hygienes at morals."

Bumuntonghininga si Rojz sa sinabi ni Maryan dahil sa masyado itong mapagmata sa mahihirap.

"Uhm, Maryan, nasabi mo pala na mamahalin ka lang ng lalaki kung may pera ka. Gano'n ka ba talaga ka obsess sa pera?"

"You know, Rojz, ang dami mong tanong. You're irritating kasi masyado ka nang namemersonal sa akin. At saka 'wag mo kong diktahan. Boyfriend ba kita? Lumugar ka nga sa kung saan ka. The sex last night is nothing kahit napatirik mo pa nang ilang beses ang mata ko. Sex is sex and it's not even a big deal for me," galit na sinabi ni Maryan at sinuot ang salamin niyang itim.

Nalungkot si Rojz sa sinabi ng dalaga. "You mean, that's nothing to you?"

"Of course. May naka-sex ako na mas mayayaman sa 'yo at mas gwapo. You look average pagdating sa mukha except that you have the perfect masculine body like abs, muscle, height, and your thick eight-inch libido that makes you different from them na mga nakalaro ko sa kama. But still in the end, you're still like my boyfriend or poorer than my boyfriend kasi lumaki ka sa hirap. Kung hindi ka lang anak ni Dad. Balita ko ring anak ka ni Dad sa isang kalapating mababa ang lipad. Tsk! You know my standard is high, Rojz, when it comes to men. Especially, kung mahirap ka lang at kumakapit sa kaibigan like bff KC before. Then I am not interested in you. I hate those kind. If you wanted to be rich. Kunin mo na ang mana ng ama mo."

"Ano na lang ba'ng gagawin mo 'pag wala ka nang matakbuhan dahil sa pera? Ibebenta mo ang katawan mo? Tutal, wala namang kuwenta sa 'yo ang salitang siping?" nagtitimping pahayag ng Binata.

Si Maryan na naman ang bumuntonghininga. "As I said, don't be confuse. Kakaunti na lang ngayon ang sobrang yaman at gwapo na may pinag-aralan at doon ko lang ibinibigay ang katawan ko. Iilan lang sila. Hindi ko basta-basta ibinibigay katawan ko kahit kanino. Lalo na sa pangit at matandang butete ang tiyan."

"Iilan ba sila, Maryan?"

"Anak ng vice gorvernor, anak ng mayor dati, isang sikat na male hunk celebrity, isang Bench model, pamangkin ng presidente, Ethan, Max."

"Kaya pala maluwag-luwag na 'yang pagkababae mo!" Di nakapagtimpi si Maryan at bumigay ang kanyang mata pagkatapos pumatak ang luha na itinatago niyan sa loob ng kanyang salamin.

Biglang inabot ni Rojz ang panyo sa dalaga. "Di ba, masakit ang totoo? Kaya 'wag mong husgahan kaming mahihirap. Tingnan mo na ang boyfriend mo. He is using you for his lust and money. Ilabas mo na 'yang iyak mo. Ang daming sinabi. Iiyak din pala sa huli. Babae ka nga, marupok!" matitigas na bulyaw ni Rojz na pinipigilan ang tawa.

Biglang huminto ang taxi dahil naroon na sila sa airport ngunit may sinabi si Maryan.

"You know nothing about me and Max. Isa lang ang sineryoso ko at minahal kong boyfriend sa loob ng walong taon. Four years of mutual understanding, childhood sweetheart, and four years of us being official couple but in an open relationship para lang maprotektahan ko siya, and I sacrificed the thing you called love for the sake of him and your dad. I tried not to love Max by exploring more rich and famous good looking men but it's not working. Nakuha nga ng iba katawan ko pero hindi ang puso ko." Bumaba na si Maryan at inunahan na ang binata sa paglalakad. Simula noon ay hindi na siya pinapansin ni Maryan.

Lumapag na ang eroplanong sinasakyan nila sa NAIA. Habang hinihintay nila mga bagahe sa counter . . .

"Rojz, restroom muna ako."

"Okay," nakangiting sinabi ni Rojz. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Maryan sa cr ng airport ay pinalitan niya agad ang sim card at tumawag kay Yaya Kuracha na ipadala na ang goons niyang magpapanggap na police para itakas si Rojz upang kidnap-in.

Habang naghihintay si Rojz kay Maryan ay may isang grupo ng police na sumugod sa kanya.

"Sumama ka sa amin, may kasalanan ka sa batas!" anang isang goon kay Rojz.

"Ha? Tarantado pala kayo, kararating ko lang galing Japan tapos nagkaatraso na ako?"

Agad itinutok ng goons ni Maryan ang baril sa binata patago kaya hindi na siya nakailag.

Pinapasok siya sa loob ng malaking tinted GMC habang nakaposas. Nagulat na lang siya nang sumakay sa front seat nito si Maryan na nakangisi.

"Hi, Rojz, checkmate ka!" Kumindat pa si Maryan habang hawak-hawak ang baril niya na pinaglalaruan sa kamay.

"Siraulo ka talaga, Maryan! Pagkatapos mong gamitin ang katawan ko at kinupkop kita, ito ang igaganti mo!"

"Uy! Nag-enjoy ka kaya. At saka, ikaw naman ang nanguna, ha! Well, sorry. Matagal ko na itong plinano, after eight months of searching you in the entire world. Ang laki ng ginastos ko sa paghahanap sa 'yo kaya it's payback time. I am going to kidnap you at sisingilin ko si Dad para magbigay ng pera, hahaha! Tapos makuha mo pa ang mana. May kahati pa rin ako dahil nag-failed ako sa Plan A na mag-sign ka. Alangang patayin kita eh ayaw mo namang lagdaanan ang contract na sa akin mapupunta lahat ng mana ng tunay mong ama." Tumawang parang baliw si Maryan.

Habang lumalarga ang kotse at medyo malayo na sila sa NAIA. Agad nagsalita si Rojz.

"Naiihi ako."

Tumalikod naman si Maryan. "Hoy! Tigil-tigilan mo ako, Rojz, ha! Bakit ngayon lang?"

"Hindi ako nagbibiro. May UTI ako. Kailangan kong magbanyo."

Biglang napatingin at napatalikod si Maryan sa kanya habang nasa front seat.

"Ako rin may UTI. So what?"

"Maryan, no'ng ikaw ang nagpaalam sa akin na magsi-CR ka sa airport, pinayagan naman kita. At saka di naman ako tatakas eh!" ani Rojz.

Nakumbinsi naman niya ang dalaga kaya't nagsenyas si Maryan sa bodyguard na goons niya na ihinto ang kotse sa may katapat na McDo para doon gumamit ng comfort room ang binata.

Bago sila lumabas. "Hey, wait! Wear this para hindi mahalatang nakaposas ka!" Inabot ni Maryan kay Rojz ang isang makapal na jacket.

Bago pumasok si Rojz sa banyo ng malaking fast food resto. "Alisin n'yo posas ko. Paano ako iihi nang ganito? Paano ko mabubuksan ang zipper ko?" hayag ng binata. Sinunod naman ito ng mga goon.

Ngunit pagpasok niya sa loob ay bigla siyang nag-isip ng paraan kung paano makatakas sa goons ni Maryan.

Agad niyang binuksan ang saradong parte ng banyo at masuwerte siyang may mga uniporme ito ng mga employee kaya't nagmadali siyang naghubad at sinuot ito lahat na tila isang crew.

Bigla siyang lumabas at hindi siya napansin ng mga goons dahil akala nila ay isang crew. Dumiretso na siyang papalabas at tuluyan ulit nakatakas.

Ring! Ring! Ring!

Sinagot ni Maryan ang cell phone niya habang nakangiting aso.

"Hello, senyora! Nakatakas po ang bihag nating si Rojz!"

"Putaaang inaaa! Hanapin n'yo! Dali! Baka di pa 'yan nakakalayooo! Mga pabaya! Tatanga-tanga kasi kayo! Mga buwisit!"


Gold Digger Where stories live. Discover now