"And besides, tinira mo pa naman 'yung kapatid bago si Ke—"


"There's a kid here, Seth!"
Sigaw ni Joshua sa kanya at nagtawanan naman sila. Tumingin naman sila kay Audin na nakanganga na dun sa carpet at nakadantay pa ang paa sa mesa. Tumayo nalang si Jun at tsaka kinarga si Audin at pinahiga ito ng maayos sa sofa.

Xin just looked at him, admiring his grace.


"Ganyan rin kaya makatingin si Zia kay Blu?"
Tanong ni Baxter habang nakatingin siya kay Xin. Xin just looked away and tapped her fingers on the table.


"'Wag nga nating pag-usapan 'yan. Nabubwisit ako. Gusto kong sumabog!"
Inis na sabi ni Seth at umalis nalang at sinabing pupuntahan niya si Addie. "Baka ibang pasabog ang sinasabi nun." Hinampas agad ng frying pan ni Matthew si Walter dahil sa sinabi nito.


"Lumayas ka."
Mariing sabi ni Walter sa kanya.


"Pre, mag-asawa ka na kasi. Hindi na nga kasi maghihiwalay sina Jun at Xi—"
This time, si Jun na ang naghampas ng unan sa mukha ni Walter at tsaka siya tinulak palabas ng mansion at tsaka ni-lock ang pinto.

Natawa nalang si Xin at tinapik ang balikat ni Matthew.


"Ang dami nating problema, diba?"
Tanong ni Walter na pumasok ulit sa mansion.


"Oo, at isa ka na dun."
Diretsong sagot ni Matthew at natawa naman sina Chloe dahil dito.


"Imagine if we were in a movie or in a book. Siguro walang may pakialam sa parte ng libro na may problema tayo. Ang gusto lang nila 'yung mga kinikilig sila. Basic."
Sabi ni Dino na nakaupo na sa tabi ni Joshua. Sabay namang tumingin sina Jun, Xin, Walter at Xy sa kanya.


"As a reader, you're insulting us. We pay attention to every detail!"
Giit ni Walter pero tinaasan lang siya ng kilay ni Dino. "Yeah, even a single word or a single object can change the whole plot." Dagdag ni Xin at tumango naman si Jun bilang pagsang-ayon.

"But admit it, ang boring magbasa nung part na puro problema diba? So, if we were in a book, readers would get bored with us and might even stop reading half-way." Sagot rin ni Dino at pinaningkitan naman siya ni Walter.


"'San ba nanggagaling 'to? May umaway na naman ba sayo?"
Natatawang tanong ni Walter sa kanya.


"Wala naman. I'm just sad that Zia's story is not the fairytale that we promised her. We promised her a castle, a unicorn, a nice dress, sweet cakes and just smiles. Instead, problema at sakit ang nabigay natin sa kanya."
Sabi ni Dino na nakatulala na at parang hindi na alam ang gagawin.

Nagkatinginan naman ang lahat at tsaka sila tumingin kay Dino.


"We'll get there."
Nakangiting sabi ni Xin kaya tumingin na ang iba sa kanya.


"We'll rise again, Alphas. Just wait."


✥✥

"Oh, ba't nandito ka na?" Tanong ni Baxter kay Jayden na kakababa lang at nakapamulsa. Agad namang nakita ni Joshua ang pasa sa gilid ng labi ni Jayden. It was different now. They don't heal easily like before.

"I gave them their privacy." Sagot niya at tumabi kay Xy dun sa sofa.


"You mean you left the two of them, alone?!"
Gulat na tanong ni Xy kaya saglit namang napapikit si Jayden at tinakpan ang tenga niya. "Ano bang interpretation mo sa privacy? Of course, I need them to talk alone. Geez, Xy." Sagot ni Jayden at tatayo na sana si Xy pero hinila siya paupo ni Ash.

Midnight Angels: The WarOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz