"Uh... may kukunin pa pala ako sa baba." I said and quickly excused myself, my heart thundering in extreme nervousness. Buti naman at wala na din siyang sinabi. Nakangisi lang niya akong pinanuod na lumayo. Mas binilisan ko pa ang hakbang ko, walang pakialam na masusunog ang iniihaw karne kapag iniwan ko yun na walang nagbabantay.

Dinala ako ng mga paa ko sa ikalawang palapag ng bahay ni Philodemus. The kitchen is packed. Nagpatong-patong na ang case ng mga beer na inihahanda naman ng isa pang lalaking may tattoo sa likod. Inunahan na ako ng takot ko at hindi na nagtanong sa kaniya.

A girl smoking at the couch glanced at me. Nagtaas lang siya ng kilay at tinuloy ang paghithit sa sigarilyo. Iginala ko ang paningin upang hanapin si Philodemus pero hindi ko siya makita.

I sighed. Dumako ang tingin ko sa kaniyang kwarto. Nakasarado ang pintuan. Maybe he's inside? Nag-alinlangan ako. Paano kung nadatnan ko siyang nagbibihis? O di kaya may... ginagawa?

Uminit ang mga pisngi ko sa narinig. I bit my lower lips. Nang lingunin ko ang hagdang pinagbabaan ay nataranta ako nang makita si Calvin na pababa. Mabilis ang mga yapak kong nagtungo sa pintuan at hindi na kumatok pa.

"Shit..."

My eyes widened. Someone moaned. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang dalawang bulto sa malaking kama ni Philodemus. At ang marahang paggalaw ng balakang ng lalaking nakapatong.

"Shit!"

The guy cursed. My face heated in flames. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang hiya.

"Sorry!" I said, shutting my eyes and then closing the door immediately. Abot-abot ang tahip ng puso ko sa sobrang kaba.

"Shortie?"

Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata nang makita si Philodemus na papalapit sa akin. May hawak siyang tray na may lamang mga baso ng alak.

I glanced at the closed door of his room again.

"What are you doing here?" he queried.

I stared at him, puzzled. "Hindi ikaw yung nasa loob...?" namamalat ang boses kong tanong sa kaniya.

"Huh?"

"May nakita ako... sa loob."

"Bakit? Sinong nasa loob? Ni-lock ko ito kanina, ah?" inilapag niya ang tray. Inatake na naman ng matinding pagkataranta ang dibdib ko. Mabilis kong iniharang ang katawan ko sa pintuan.

"W-Wala! Walang meron sa loob..." I said in fits of panic.

Philodemus' brows furrowed. Isang hawak lang niya sa beywang ko ay mabilis na niya akong napaalis. But his touch is gentle and lulled my body to follow him. Tinadyakan niya pabukas ang pintuan ng kwarto.

"Elton naman!" the guy groaned again. Namula ulit ang mga pisngi ko. Nakasuot na siya ng boxers ngayon. Ang babae namang kasama niya tinakpan ang kaniyang mukha sa kahihiyan.

"Anak ng. Ginawa mo pa talagang motel ang bahay ko, Thyron?" Philodemus scoffed.

Thyron grinned at him. Sobrang ganda at pantay ng mga ngipin nito nang ngumisi. Mukhang proud pa sa ginawa habang ang babae nama'y parang gusto na atang magpalamon sa lupa.

"Thyron..." the girl called.

Nilingon siya nung lalaking ang pangalan ay Thyron at bahagyang nagtaas ng kilay. When he turned to her, I saw a quick resemblance of their faces. Pareho ang talas ng mga panga nila at ang mga matang nangungusap. I turned to Philodemus, my eyes questioning.

"Pinsan ko, si Thyron." He said in a clipped tone. "Palitan niyo ang bedsheet pagkatapos, ah? Baka mangamoy zonrox pa yan..."

Thyron chuckled. "Sorry. Are you planning to use your bed tonight?" makahulugan niyang wika sabay tingin sa akin.

Deceret Series #1: His Lips On My NeckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon