Prologue

872K 15.4K 680
                                    

Nakatingin ako sa corridor habang umiinom ng malaking mugo mugo na lychee flavor. Nakaupo sa longboard ko habang nakatingin sa magulong corridor dahil hindi pa nagsisimula ang klase.

Napailing na lamang ako dahil sa sobrang ingay ng mga estudyante bago muling lumagok ng dala kong mugo mugo. Ang tanging iniisip ko ngayon kung ilang araw lang ang kaya ako sa Unibersidad na ito.

Napatigil ako sa pag-inom nang bigla tumahimik ang boung corridor dito sa first floor. Tinignan ko ang boung paligid at nawala bigla ang mga estudyante na nagkukumpolan at nagtatawanan kanina at isa na la mang ang natira nito. Ang isang lalaking naglalakad sa corridor.

"Ha? Wala pang bell ah" Puno ng pagtataka na tanong  ko sa sarili ko at muli akong uminom ng dala kong mugo mugo. Nang marinig  ko na ang bell ay nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na nasa kabilang building pa pala ang classroom ko.

Shit! Napamura ako at mabilis na sumakay sa longboard ko.

Mabilis ang mga paa ko na pinatakbo ang longboard ko at nangmakita ko ang lalaki kanina na naglalakad ay malakas akong sumigaw.

"TABI! SHOO TABI" Malakas na sigaw ko pero hindi parin siya tumabi kaya huli na nang mapahinto ko ito.

Napangiwi nalamang ako nang saktong paglingon niya ay ang pagbangga rin namin dahilan para ma out-balanced siya at natumba kaming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Napangiwi nalamang ako nang saktong paglingon niya ay ang pagbangga rin namin dahilan para ma out-balanced siya at natumba kaming dalawa. Nakakunot ang noo ko nang makita kong nakayuko lang siya at dinampot ang kanyang shades bago ito humarap sa akin.

"I'll kill you" Malamig na sabi nito sa akin. Ngunit wala doon ang atensyon, bigla ko kasing naalala na late na pala ako kaya mabilis akong tumayo at pinagpag ang damit ko at muling sumakay sa longboard ko.

"Pasensya na, dude sabi ko kasi tabi eh" sabi ko at mabilis na ipinadiyak ang paa ko palayo sa kanya. Hindi ko pinansin ang malamig na tingin niya sa akin na parang papatayin ako nito.


XOXO justineGeez

The Enigmatic Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon