Makalipas ang isang taon ay saka dumating sa buhay nila si Maryan.

Habang naglalakad ang mag-asawa sa tabi ng hospital sa America sa may gilid ng basurahan ay tila may naririnig silang umiiyak na sanggol.

Agad naman itong hinanap ni Arianna hanggang sa magulat ang mag-asawa nang makita nila itong bagong silang na sanggol ngunit nasa loob ng plastic bag.

Kinupkop nila ito at pinangalanang Maryan. Hindi pa nila alam kung ano ang mix ni Maryan sapagkat parang magkahalong American and Asian breed dahil singkit siya ngunit napakamalusog. Maputi, blonde, at matangos ang ilong na bata at singkit.

***

Noong nalaman ni Maryan ang lahat ay biglang nanubig ang kanyang mga mga.

"So, ibig sabihin, mix ako? Pupwedeng hindi ako pinoy but something like half-American and half-Thai, Korean, Taiwanese, and so whatever? There is no way I can figure it out who's my biological parents, Dad?" tanong nito saka tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi na ito sinagot ni Alfonso at ipinagpatuloy ang sinabi.

"Nakausap ko ang aking kakambal noong nag-aagaw buhay siya. Sabi niya sa akin, naglayas daw si Laruzzo Lioness noong siya'y 17 taong gulang pa lang at nagpalit ng pangalan."

"Ano naman po ang pangalan niya?"

"Rojz Lakiabs." Agad naman nag-iba ang reaction ni Maryan at napatanong. "Malaki ba talaga ang abs n'on?"

"Kung mahanap mo siya, Maryan, ay siya kukuha ng mana at makakatanggap ka rin ng kaunti ng mana ko. Ngunit 'pag hindi mo siya mahanap, ibibigay ko lahat ng mana ko kay Yaya Kuracha!"

Biglang nabuwisit si Maryan dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng ama.

"Huwaaat?! My perverted nanny hog?! Seryoso kayo, Dad!?"

"My decision is final. Ngayon, asikasuhin mo na lang ang bangkay ni Baby." Biglang naiyak ang matanda.

"Eww, gross! Iniiyakan mo ang bodyguard natin?" bulong ni Maryan.

"Ano'ng sabi mo? Kaya naiinis ako sa 'yo, eh. Siya ang nagsalba sa buhay ko! Hindi mo ba 'yon alam!"

Napamura si Maryan pagkatapos niya iyong marinig kaya nilisan na niya ang kuwarto ng amain niya.

"I so much hate you, Baby! Sana napasa na sa akin ang mana kung di mo lang isinalba buhay ni Dad! Grrr!" galit na sinabi ng dalaga.

***

Pagkatapos kunin ni Maryan ang bangkay ni Baby ay dinala niya ito sa mansyon ngunit medyo kinilabutan siya nang walang ilaw roon.

Nang ibaba ng ibang tauhan ng kanyang ama ang coffin ng pinunong bodyguard ay tila nanindig ang mga balahibo niya.

Mas lalo siyang napasigaw nang gulatin siya ng Yaya Kuracha niya na may flashlight sa mukha.

"Utang na loob naman, yaya! Nanggugulat ka! At saka, bakit wala nang ilaw dito sa mansyon?"

"Di po kasi nabayaran ang koryente. At saka curious ako, senyora. Ano 'yan?"

"Hay, naku, yaya! Huli na kayo sa balita. Bangkay 'yan ni Baby at dinala ko rito dahil wala akong pera para kumuha ng gustong mag-embalsamo."

Nagulat si Yaya Kuracha pagkatapos niya iyong malaman at napasigaw siya sa sama ng loob. Humagulgol siya nang sobrang lakas hanggang sa mag-echo pa ito sa buong mansyon.

Nang nandoon na sila sa kusina ay inilapag na nila sa mahabang hapagkainan ang katawan ni Baby saka kinumutan ng puti habang nakatakip sa harap nito.

"Yaya Kuracha, hindi ako marunong mag-embalsamo. Pwedeng ikaw na lang dahil sa boyfriend mo naman ito? Di ba, matagal mo nang pinagsasawaan ang anaconda nito."

Hindi sumasagot si Yaya Kuracha habang nakatalikod at tila may pinagkakaabalahan.

Sa sobrang naiinis na sinabi ni Maryan ay bigla na lang niya itong binatukan.

"Araaay, senyora, naman!"

"Letse! Ano ba kasi'ng ginagawa mo diyan at hindi mo ako sinasagot! May manual ba kung paano mag-embalsamo?" galit na sinabi ni Maryan.

"Nanonood kasi ako ng movie. Ang hot ng movie na 'to." Sa sobrang naiinis ni Maryan ay inagaw niya ang cell phone ng matandang yaya.

"'Langya naman, yaya! Ito yung movie na The Corpse of Anna Fritz! Aminin n'yo nga sa akin! May balak ba kayong gahasain ang bangkay ng boyfriend n'yo, ha?" sigaw ni Maryan sabay pinandilatan ng mata ang maid.

"Sus! Bakit ko naman gagawin 'yon? At saka, walang manual ang pag-eembalsamo, senyora. Ano'ng akala n'yo sa boyfriend ko? Makina?"

Biglang napatingin si Maryan sa kahabaan ng bangkay na nakatayo at tila matigas pa at sariwa.

"Sayang! Akala ko, may balak kayo dahil papayagan ko sana kayo. Alam ko namang kating-kati kayo. Ayieee!" pangangantyaw ni Maryan.

"Talaga ho, senyora?"

"Oo, basta lang tulungan mo akong kunin ang ibang laman loob ni Baby at ibenta para naman pagkakitaan ko," ngising sinabi ni Maryan ngunit biglang napasigaw silang dalawa nang tumunog ang cell phone ng dalaga.

"Pwede ba, yaya! Kung may sakit ako sa puso, matagal na akong patay dahil sa 'yo! 'Wag ka kasing manakot lagi! Buwisit! Alas-dose pa naman at tila ayaw lumupaypay ng pagkalalake ng bangkay ng boyfriend mo! Sa dami ng magpaparamdam, yung ulo pa niya sa ibaba! Ikaw na nga lang ang bahala diyan. Basta yung usapan natin, ibebenta natin ang laman-loob ni baby para pambayad sa koryente, para naman magkailaw itong mansyon!" Umalis na sa loob ng kusina ang dalaga.

"Hello, Dad! Napatawag kayo?" ngising tanong ni Maryan pagkatapos sagutin ang cell phone.

"Simulan mo na ang paghahanap. I will give you eight months para hanapin ang anak ko."

Biglang ibinaba ni Maryan ang cell phone na tila nabubuwisit na sa amain.

"Shit ka, Dad! Why? Bakit ba pinahihirapan mo ako nang ganito? Humanda ka, Dad! You will be sorry for what you have done to me! You always want me to suffer? Then, prepare for my fucking wrath!" nakangising parang demonyitang sinabi ni Maryan sa sarili.

***

Pumunta siya sa pawnshop saka ipinakita ang engagement diamond ring na bigay sa kanya ni Don Lighi Totnak.

"Ay, grabe! Ang mahal po nito, madame. Sa biggest main branch namin n'yo ito isangla!" sabi ng jeweller.

"Why!? Magkano ba?"

"This cost two million dollars! 20.5-carat Lorraine Schwartz ring worth. Parang yung singsing ni Kris Humphries na regalo kay Kim Kardashian!"

"Holy shit! This can't be. So, kailan ko makukuha ang pera? Ito ang bank account ko." Ibinigay ulit agad ni Maryan ang bank account number niya.

Pagkalabas niya sa pawnshop.

***

Maryan PoV

God! Tingnan mo nga naman ang suwerte. I'm still wealthy as fuck. Two million dollars is worth 103 million pesos. Dagdag mo pa ang bigay sa akin ng unanong uto-uto na 'yon na one million pesos na nasa banko ko. Total of 104 million pesos na.

But I will never give up until I didn't get my revenge to Governor Alfonso. Parang wala lang ang lahat. Hindi na parang anak ang tingin niya sa akin. He treated me like a stranger and even called me basura! I will not let this go, Dad. Nagkamali ka ng binangga mo!

I am Maryan Rivero Lioness. The filthy rich fuck girl genius. Tatanggalin ko na ang apelyido kong Lioness and will use Mama Arianna's surname kasi naging mabait siya sa akin hanggang sa huling hininga niya.

Ipapahanap ko ang anak mo, Mister Alfonso, you traitor! I will hire investigators, spies, and more goons. Humanda ka sa plano ko, Dad! You will regret it! Sinubukan mo ang pasensya ko, kaya magkakasubukan tayo! Ikaw naman ang maghihirap at nasa ibaba! I will let you suffer for the loss of your money! Magiging tatsulok na tayong tatlo dahil ako ang magiging tuktok ninyong dalawa. Ako ang nakakataas at sasambahin n'yo balang araw ang salapi ko! Kayong mag-ama!" At tumawa siya na parang demonyita.

Gold Digger Where stories live. Discover now