"Ms. Cheng..."

Inis na lumingon si Zechariah sa seryosong tawag ni Allen sa kaniya.

"Ano na naman?"

"Mag-usap tayo."

"Anak ng tokwa! Anong mag-usap—"

"If you refuse to talk to me, I would have to deliver your behavioral report straight to the guidance office." Nanghahamon na ngayon ang tingin ni Allen sa kaniya.

I stared at him. Allen can be considered as the second most popular guy in our batch. Katamtaman lang ang tangkad nito, Moreno, at may magandang speaking voice. He is very responsible but he lacks in other aspects, such as physical fitness and sports. Medyo sakitin kasi si Allen. Pang-ilang beses na siyang hinimatay sa loob ng classroom dahil sa asthma niya.

"Sige na, Zec... mauuna nalang akong umuwi sa iyo." untag ko sa kaibigan.

Zechariah frowned and half-heartedly followed Allen inside the classroom. She waved at me before entering. Kumaway ako pabalik at nagsimula nang maglakad palabas.

I pulled my phone from the pocket of my pleated skirt to check the time. I still need to wait at least 15 minutes before Manong could pick me up.

Naupo ulit ako sa bench ng waiting shed para hintayin sina Manong. Hindi pa man nagtatagpo ang pang-upo ko at ang bakal na bench ay may humablot na nang marahas sa braso ko.

I gasped when the manicured hands tightened its grasp on me. Naglandas ang tingin ko mula sa kamay patungo sa galit na mukha ng isang babaeng hindi ko naman kilala.

"T-Teka, Ate... masakit..." I complained.

Pinandilatan niya ako ng mata at idiniin pa ang mukha sa akin. "Talagang masasaktan ka sa akin kapag nilandi-landi mo pa si Elton!"

My eyes widened in horror. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya at napagtantong siya pala ang kahalikan noon ni Philodemus.

"I don't know what you're talking about..."

"Inggrata! Nakita kitang lumabas sa flat ni Elton—"

"What are you doing to my sister?"

Pareho kaming napalingon nang biglang may magsalita. Shantel's scowling face dropped to the woman's tight grasp at me.

"Let her go." She commanded in a stern voice.

"At sino naman 'to ha?"

"I said let her go!" galit na untag ni Shantel at sapilitang inagaw ang braso ko mula sa babae. The woman is quite strong, kaya medyo nahirapan pa si Shantel.

In the end, she pulled the woman's hair just so she would let me go.

"Shantel!"

"Ano ba! Bitawan mo nga ang kapatid ko!"

"Bitch!" binitawan nga ng babae ang kamay ko pero malakas naman niyang itinulak si Shantel, dahilan upang matumba ito at maputikan ang kulay puti nitong uniporme. Doon pa lumabas si Manong nang makitang natumba na si Shantel sa sahig.

"Shantel..." mabilis kong dinaluhan ang kapatid ko na mukhang maiiyak na at masama ang tingin sa babae.

"Sa susunod kasi, piliin mo yung nilalandi mo!"

"That's enough, Annika!"

Biglang dumagundong ang baritonong boses ni Philodemus sa kung saan. I helped Shantel to get on her feet and winced when I saw that she has scratched her elbows and knees in the process. Bahagya pa itong dumudugo at magulo na ang nakataling buhok.

Deceret Series #1: His Lips On My NeckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon